Chapter 35

227 7 0
                                    




Since last night, Elijah has been looking at Kio and me with suspicion in his eyes. Lalo na nang sabihin ko sa kaniya na nagpadala na ako ng message kay papa na manatili si Kio bilang bodyguard ko r in which I immediately get a response that he agreed.

At ang mga tingin na ito ni Eli ay hindi ko nagugustuhan lalo pa at ang sungit-sungit niya pagdating kay Kio. Parang pinag-iinitan. Kaninang umaga nang nasa hapagkainan kami at nagbe-breakfast ay ilang beses niya na inutusan si Kio para kumuha ng tubig. I mean, we have maids to do that, pero ito talaga ang inutusan niya.

Tapos when Kio gave him water, he said that he wanted it warm.When the latter went back to the kitchen to get warm water, Eli said that it was too hot for him. Nang makabalik na ulit si Kio at may dala nang hindi ganoon kainit ay sinabi naman niya na ang gusto na daw niya ay malamig na tubig.

Tapos pwede naman na sa iisang sasakyan kami sumakay pero sinabi niya na sa likod daw namin si Kio at magbantay.

I mean! Why is he acting like that?

"Akala ko ay si Kio ang bodyguard mo?" bulong sa akin ni Esther at nakatingin siya kay Elijah na nakasunod sa amin. Nakahawak siya sa braso ko at dikit na dikit. Nagkita kami kanina sa parking lot at kadarating lang niya kaya nagsabay na kami papasok.

"He's really my bodyguard, Esther. Si Kio ay dapat pang dalawang linggo lang pero dahil bumalik kaagad si Eli ay siya na ulit."

"Ohh. N-Nakakatakot ang isang ito, Pristine. Parang kapag tiningnan ka ng matagal ay sinasabi ng mga mata niya na katapusan mo na."

Napangiti ako at umiling sa kaniya. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nasa braso ko.

"Don't worry, Elijah is nice. Ganiyan lang talaga siya. May pagkastrikto rin pero mabait naman."

"Hindi mo ako makukumbinsi na mabait iyan! Wala sa mukha!"

"Esther," tawag ko sa kaniya at naiiling.

"Pero gwapo siya, ha? Kaso mas type ko iyong isa, Pristine. Nasaan na ba iyon?"

Speaking of Kio. Hindi pumayag si Eli na pumasok ito ng building. He's at his car at the parking lot. Naiwan doon kahit sinabi ko na ayos lang naman kung susunod ito. Maghapon na naman kasi ako ngayon dahil may program kami na a-attendan mamaya na kaa-announce lang sa aming group chat.

Kung magsstay rin naman si Kio sa labas at narito siya ay' di sana hindi ko na pinasama si Kio. Haa. Eli is being unreasonable.

"Nasa labas, Esther. Pero mamayang lunch ay papapasukin ko para sabayan tayo ulit na kumain," I looked at her. Nagliwanag naman ang mukha niya at malawak na ngiti ang ibingiay sa akin.

"Sige!"

Nang makarating na kaming dalawa sa classroom namin ay nilingon ko si Elijah sa likod. Kagabi pa at hanggang ngayon ay walang-wala siya sa mood, ang dilim ng mukha niya at iyong mga nakakakita nga sa kaniya na mga babae dito pag dati excited ngayon ay may takot sa mukha at hindi na nag-aabala na bumati.

Mas tumalim rin ang mga mata niya. Should we have a serious conversation again? About Kio? I felt like he has a lot of things to say about him. Ayaw nga niya talaga na manatili pa ito.

Is Elijah being like this because he's thinking that he doesn't need help from anyone to guard me? And can he make me safe alone? Does this hurt his ego?

Hindi naman siguro... I mean, even if there aren't many threats, it's still good to have more than one bodyguard with me. Saka si Kio ay hindi naman para magbantay sa akin kaya siya mag-sstay, it's more like I asked him to stay because I am comfortable with him, lalo na at nasabihan ko na siya ng nararamdaman ko tungkol kay Elijah.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon