I don't know why, but even though I had a little argument with Elijah, it doesn't bother me at all. I found his reactions earlier amusing, natuwa talaga ako! And if he hadn't said that I'm just a 'little sister,' I would think he's madly jealous of Sebastian, which is why he doesn't want me talking to him.Kasi bakit naman ayaw niya? His reason--or papa's reason for not letting me have a male friend is too shallow for me. Napag-isip ko na mababaw 'yon at kung si Sebastian, papa will not decline because he knew the Ynares clan.
"Pristine, your lolo is here already. Are you going to have your dinner? Pumunta muna tayo sa opisina niya at ipakita ang mga damit."
Nakuha ang atensyon ko ng Ate Lena nang tawagin niya ako. She looked nervous. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi naman siya usually ganito, oo may kaba siya pero parang mas kabado siya ngayon.
"Did something happen, ate?" nag-aalala ko na tanong.
Magkasalikop ang mga kamay niya. I looked at Kio at the back, he was standing not far from us. Seryoso ang mukha nito na nakatingin rin sa gawi namin.
"I don't know. Pero masama ang mood ng lolo mo. Pakiramdam ko nga ay hindi ka dapat pumunta sa opisina nito ngayon."
What made him mad? W-Wala akong naisip na ginawa ko sa mga nakalipas na araw. I did what he told me to treat Gael well, he received good comments about that man also. Then now... ano na naman ang problema ng lolo?
Huminga ako ng malalim at tumango sa ate. But before I turned my back at sabay kami na maglakad para pumunta sa kinaroroonan ng lolo ay nakita ko rin si Elijah. His gaze went straight to Kio at nakita ko na tumango siya. Nang lumingon ako sa pwesto ni Kio ay nakita ko na palabas na ito ng mansion.
Mas nagtaka ako at kahit na nagkaroon kami ng sagutan kanina ni Eli ay lumapit ako sa kaniya at nagtanong.
"Kio will stay. Saan siya pupunta, Eli?"
"He'll come back. May iniutos lang ako."
Sa tingin na 'yon? Alam na kaagad ni Kio ang iniutos niya? Or maybe he told him earlier.
Nang hawakan niya ang siko ko at maglakad kami kasabay ng Ate Lena ay nakuha ko na sasamahan niya ako sa opisina ng lolo. Now I am thankful that he's here. Nakaramdam rin ako ng kaunting kaba sa sinabi ng ate na kahit ito ay halata ang takot.
"Do you know what's happening, Elijah?"
"No," maikling sagot niya. Nakumbinsi naman ako ng reaksyon sa mukha niya. He's serious when he answered me, na para bang gusto niya rin malaman kung ano ang nangyari.
Pagkarating namin sa opisina ng lolo ay nasa pinto pa lang kami ay nakarinig na ako ng ingay sa loob na parang may nabasag. I flinched and took a step back because of fear. But then I immediately felt Elijah's hands holding my arms. Hindi niya ako binitawan. He was at my back, and I am almost leaning on him.
"Ito a-ang sinasabi ko kanina. Pagdating pa lang niya ay galit na galit na siya at may isang katulong pa siyang sinampal sa inis. Sinabi niya lang sa akin na ipatawag ka na para makausap."
I can feel my body tremble in fear. Hindi na kailan mawawala ang takot ko sa lolo. At kapag naririnig ko siya na nagwawala ay bumabalik sa alaala ko ang mga nakaraang taon na sobra ang dinanas ko na paghihirap sa mga kamay niya.
"W-Wala akong matandaan na ginawa ko, ate," baling ko sa Ate Lena na sinabayan ko pa ng pag-iling.
"How dare he threatened me?! Ako?! Tatakutin ng isang bata na katulad niya?!"
Nang marinig namin ang malakas na sigaw na 'yon ng lolo ay napatingin ako sa pinto.
Who is he... referring to? At bata?
Umangat ang tingin ko kay Elijah, I saw his jaw clenched. Ang dilim ng tingin niya sa pinto pero pakiramdam ko ay hindi para sa lolo 'yon. And when the door opened one of the guards came out. Nasilip ko pa ang lolo na kuyom na kuyom ang mga kamay sa nararamdaman na galit.
"M-Ma'am, ayan na po pala kayo. Pinapatawag na po kayo ng Don Halyago."
Sht. I don't think I can face lolo right now. Pakiramdam ko ay hindi ako makakasagot sa tanong niya sa takot. Pero hindi ko naman rin pwede na hayaan na ganito na lang siya dahil kung hindi ko siya kakausapin ay mas mag-iinit ang ulo niya.
"Let's go, Eli," pagkasabi ko non ay bumaba na ang mga kamay ni Eli at tumango sa akin.
"Pristine," nag-aalala na tawag naman ng Ate Lena.
I tried to smile so she will not worry anymore. Hinawakan ko rin ang kamay niya.
"Elijah is here, nothing's going to happen to me, Ate," I said to her with full confidence.
Dahil sa isang taon, ilang beses ko nang nakita ang matinding galit ng lolo pero kahit kailan ay hindi niya ako ulit pinagtangkaan na saktan kapag nariyan si Elijah. It's just that, this fear for him will never fade easily, matatakot at matatakot pa rin ako na harapin siya.
Huminga ako ng malalim at pinihit ang seradura ng pinto. At nang makapasok na kami, nauuna ako kasunod si Ate Lena at Elijah ay napatingin sa akin ang lolo. Hinihingal pa siya sa matinding galit na nararamdaman. Nakakuyom pa rin ang mga kamay niya.
But when he saw me, his eyes closed and walked to his chair. Naupo siya doon at parang kinakalma na ang sarili niya.
Base sa nakita ko na ginawa ng lolo mukhang hindi ako ang dahilan ng matinding galit niya.
"Lena."
"P-Po, Don Halyago?"
"Are the dresses ready?" may bahid pa rin ng galit sa mukha ng lolo pero mukhang mas kalmado na siya ngayon.
"O-Opo. Naisukat na rin po niya lahat kanina. Bali..." lumapit ang ate at inilapag niya sa table ni Lolo sa harapan nito mismo ang mga larawan ng mga gown na ginawa niya.
"Ito pong lahat--"
"Have you decided what you're going to wear, Pristine?" masungit na tanong nito sa akin.
"Opo, lolo," mabilis ko naman na sagot na sinabayan ko pa ng tango.
"It's the--" ngunit hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita nang bumaling siya sa Ate Lena.
"Then I don't need to choose if she's already picked one, Lena. Make sure the dress is perfect and not a single detail is wrong. Prepare the things she need for the gala, and I want everything perfect or else you know what I will do.''
Napaawang bahagya ang mga labi ko dahil inaasahan ko na pipili pa rin ng isa ang lolo o titingnan ang mga larawan ng mga dress na natapos ng ate. But he didn't even take a glance at it. Nang kuhanin 'yon ng Ate Lena ay saka ito pinalabas ng lolo. Tumingin pa ang ate sa akin ng may pag-aalala pero ako ay ngumiti lang.
Now, I felt that something was wrong with Lolo Yago. Suddenly, he considered my opinion—for the first time.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomansaSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...