Pagkalabas ng Ate Lena ay saka ko napagtanto na hindi ako ipinatawag ng lolo tungkol sa pag-uusap sa susuotin na damit sa Charity gala.Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko nang tumingin ito sa akin. Pero sandali lang dahil mas matagal ang naging atensyon niya kay Elijah.
"I thought you were working on a special case in Karmona?"
He knew? Akala ko ay sa papa lang nagsabi si Eli. Pero sabagay rin walang nakakalampas na balita sa lolo. Lahat dito ay nalalaman niya. He has eyes and ears inside this mansion.
"I'm done with my work, sir."
"Three weeks, and you're done with barely a single day completed?" sagot ng lolo habang napapailing. Hindi kumbinsido sa sagot ni Eli.
Hindi naman na niya tinuloy ang pagtatanong dahil na sa akin na ulit ang pansin niya. Ang nanlilisik na mga mata. Umayos ako ng tayo at nakatingin lang rin sa lolo. He doesn't like it when he's talking to me and I'm not looking at him.
"Gael will no longer be your fiancé, Pristine. If he ever talks to you or shows up in front of you, let me know right away."
My stiff hands suddenly relaxed when I heard what he said. I mean, it's something I should be happy about that I'm no longer tied to that arrogant person—pero may kaba ako na nararamdaman dahil siguradong may ibang kapalit ito.
"I understand, lolo. Sasabihin ko po sa inyo," sagot ko at sinabayan ko ng pagtango.
Lolo Yago leaned back in his chair and massaged his temple, na para bang nasagad ng sobra ang galit niya kaya nakaramdam ng pananakita ng ulo.
"At hindi na ako tutuloy sa charity gala."
What?
"Hindi na po tayo matutuloy?" pero bakit pinatuloy niya pa rin dito ang Ate Lena at sumang-ayon pa siya sa damit na pinili ko? Not to mention he even want everything prepared well.
"Are you listening, Pristine? I didn't said that 'us'. Ako lang ang hindi matutuloy. Ikaw ay pupunta."
Oh gosh. A-Ako lang? I can't! Kahit na natatakot ako sa lolo, hindi ko pa rin kaya na mag-isa lang doon lalo at walang kakilala! I knew what people think about us Vera Esperanzas' And si Elijah, for sure he won't stay by my side every second once we get there!
Just by overthinking everything, I'm feeling anxious now.
"Lolo, but I can't go there a-alone..."
"Hindi ka mag-iisa," sagot niya. Mas kalmado na ang tono pero nasa boses pa rin ang inis at pagkairita.
"Sebastian Marco Ynares will be your date. Siya ang makakasama mo."
I took a step-forward because I felt like what I heard was wrong.
"Lolo..."
"You knew him, right? Imposible na hindi mo kilala ang batang 'yon."
Of course! I-I know him! Kanina lang ay kausap ko ito at pinag-uusapan namin ni--
Napatigil ako sa iniisip ko at napalingon kay Elijah. And when I saw his dark expression, eyes sharply looking down and his jaw clenched, I stared at him for a long time. Natigilan ako sa galit na ekspresyon ng mukha niya.
"Eli..."
Why does he look... r-raging mad?
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumayo ang lolo pagkasindi nito ng sigarilyo at humarap sa bintana na nasa likod ng upuan nito mismo. He's not facing us that's why I got a full view of Elijah's face.
Hindi siya makatingin sa akin, pero ang atensyon at galit niya na mga mata ay parang may tinutuunan ng pansin sa klase ng pagkakatitig niya sa baba. And even though I called him for the second time, in a low voice that I made sure he will still hear, hindi pa rin niya ako tinititigan.
"Sebastian personally picked you, Pristine. That damn boy. He made me mad, but I also admired his courage to speak to me."
What is this? A-Ano ba ang ginagawa ni Sebastian? Pinaglalaruan ba niya ako? Because that's how I see it. Lalo na sa naging pag-uusap namin kanina and now, by lolo's words that he 'picked' me. Ano naman ang pinaplano niya?
Pero hindi lang 'yon ang nakapagpagulat sa akin dahil pagkahahrap ng lolo at nang magkatinginan kami ay napatigil ako sa sumunod niyang mga sinabi.
"You will go out with him for the next days, Pristine. To get to know more each other."
What for?!
"Po? Bakit po, lolo? Kung makakasama ko lang naman po ito sa charity gala."
Umiling naman siya at bumuga ng usok. Itinuro niya pa ako bago itapon sa ashtray ang hawak na sigarilyo.
"Too many questions, Pristine. But he will not only be with you in charity gala. Mas madalas kayo na magkikita."
At bago pa ako makapagtanong muli dahil naguguluhan na rin ako ay nagpatuloy ang lolo.
"Sebastian Marco Ynares will become your fiancé after a few months."
I froze and stared at him, unable to believe what I had just heard.
A-Ano? Hindi na si Gael, and it's Sebastian this time? Kaya ba sinabi niya kanina na kung lalapit sa akin si Gael ay sabihin ko agad?
"L-Lolo..." I stammered. My voice cracked.
I can't even say a word! At least give your opinion, Pristine!
"Sa susunod na buwan ang pag-uusap ng ating mga pamilya. And I will agree to you and your father this time. After you turned twenty, you'll get married to him."
I noticed that Elijah's gaze lifted, and I could see the fiery anger in his eye. Diretso ang tingin na ginawwa niya sa Lolo Yago na parang ito lang ang nasa silid ngayon.
His eyes narrowed. He was... breathing heavily b-because of anger.
"Do you see your granddaughter as a toy to be given to those fcking assholes?"
At nang marinig ko ang mga sinabi niya--na sobrang hindi ko inaasahan ay naalarma ako lalo pa at paglingon ko sa lolo ay nag-isang linya ang mga kilay niya.
O-Oh God. No.
Sa takot na nakita ko ay hindi ko na rin napigilan na hawakan ang braso ni Elijah lalo na at sa itsura niya ay parang aatakihin niya sa galit ang lolo ngayon.
"E-Eli... stop..." I said, afraid that something bad might happen to him after talking like this to my grandfather.
"What... did you just say, young man?"
Napapikit ako ng mariin nang marinig ang tanong ng lolo na may halong pagbabanta.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...