Chapter 27

209 7 0
                                    




Sa halos isang taon nang maging bodyguard ko si Elijah ay ngayon lang talaga kami nagtalo ng ganito.

"What?" I snapped.

When he looked at me again, the moonlight helped me see the displeasure on his face. Parang nauubos na rin ang pasensiya niya sa usapan namin na ito--na hindi ko alam kung saan papunta.

"So innocent, he's looking at you differently, Pristine," he said as if he was struggling to release it. He even licked his lips. Ako ay mas nagtaka, nangunot ang noo sa inaakto niya.

"Eli, sa tingin ko walang kapupuntahan ang usapan natin na 'to. If you think masama na makipag-usap ako kay Sebastian at pagbabawalan mo ako then it's a no this time. Hindi ako susunod sa 'yo. I will still see it for myself. Hindi ako judgemental na tao at alam mo 'yon."

Hindi niya 'yon nagustuhan. Inilayo niya kasi agad ang tingin niya at pansin na pansin ko ang pagngangalit ng panga niya. Pinipigilan niya na magsalita dahil mukhang hindi maganda ang lalabas sa bibig niya.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang braso niya na nakapagpabalik ng atensyon niya sa akin.

"If Sebastian Ynares now changed his mind and want a friendship with me, I don't see anything wrong with that, Eli. Alam mo rin na matagal ko nang gusto magkaroon ng kaibigan. And if he's trying to be recognized as a friend—even though he's doing it in a harsh way because of what he said about Esther—then I'm willing to give it a chance."

Also, there's a sense of concern despite how rudely Sebastian delivered his words. Nagalit talga ako sa pag-akusa niya ng hindi maganda kay Esther pero hindi ko ikakaila na may pag-aalala pa rin ang ilan sa mga salita niya.

"Hindi lang tama ang mga napipiling salita ni Sebastian pero ramdam ko naman na may kabaitan pa rin ito. Kakausapin ko rin si papa, alam ko na papayag naman siya na maging kaibigan ko si Sebastian kung 'yon ang iniisip mo. As I've said, Sebastian can be arrogant and sharp-tongued, but I can't deny that he has his good qualities too."

"Fck good qualities."

He's so close to me that's why I heard that!

Napaawang ang mga labi ko nang marinig ko ng malinaw ang mga sinabi niya sa kabila ng kahinaan non. At sa haba ng mga sinabi ko ay iyon lang ang nakuha ko sa kaniyang sagot!

"Eli..." I said, scolding him with just the mention of his name. Para siyang bata! His lips are moving and I know it's because of irritation!

Nang muli niya akong titigan ay napasiksik na ako sa kinasasandalan ko sa muling paglapit niya. Now, he looked more aggressive! His body is pressing against me, shielding me from the strong wind. Ang lakas ng hangin ay ramdam ko na lang sa mga braso ko dahil wala nang tumatagos sa pagitan namin na dalawa.

"I am certain that he doesn't want friendship from you, Pristine," he said, his voice was colder than the wind. Talagang mas nilamig ako don kaysa sa hangin na dumaan!

Pero hindi naman ako nagpatinag. Sumagot pa rin ako sa kaniya.

"At kung hindi ay tapos ang usapan. Bakit ba pinapahaba mo pa ng ganito?" naiinis nang tanong ko.

"Eli, you are being arrogant right now, nagiging judgemental ka rin, hindi ka naman ganito," dagdag ko at humalukipkip sa harapan niya. Hindi na natutuwa.

Matagal siya na hindi sumagot at basta nakatingin lang sa akin. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at hinawakan ulit siya sa braso niya. I was trying to push him para makaalis na ako sa pwesto ko pero mas tumigas ang mga braso niya na ikinukulong ako.

"Elijah--" tawag ko na nauubusan na ng pasensiya pero naputol rin nang magsalita siya.

"Didn't you know that Ynares has feelings for you for a long time?"

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon