Habang nakatingin ako kay Elijah na iniikot ang tingin sa buong silid ko ay naalala ko ang sinabi ni Kio kanina. Kung sinabi daw ba sa akin ni Eli na ang papa mismo ang may nais na hindi ako malapitan ng mga lalake. I know my father is just being protective of me, pero alam ko rin na hindi naman siya ganoon kaingat to the point na bawal akong malapitan ng ibang lalake unless if may bago na naman banta sa buhay ko at lahat ay pinagdududahan niya.Should I talk to papa? Pero sa pagbalik na niya.
But looking back, I don't remember Eli ever saying that it was papa's order. I just assumed because he's taking orders from my father. Pero kung pakikipagkaibigan lang naman ay siguro hindi bawal. Should I open this to him? Mukha namang kalmado na siya ngayon at hindi tulad kanina na parang pag may narinig siya na hindi niya nagustuhan ay magsusungit na naman siya.
"Have you finished with your dinner?" tanong niya pagkabalik ng pansin sa akin. Ilang segundo rin niya na tinitigan ang buong silid ko.
"Hindi pa. Katatapos ko lang rin sukatin ang mga damit na dala ni Ate Lena," sagot ko. He looked at me and crossed his arms. Hindi naman ako nagbawi ng tingin 'di tulad kanina.
"Can we talk now about your classmate?"
And he's really serious! Si Sebastian itong tinutukoy niya, 'di ba? Why is he so interested to him all of a sudden? Ni hindi ko alam na pansin niya rin pala si Sebastian dahil sa ibinigay niya na mga detalye tungkol dito kanina.
"Eli, I thought we're done with him?" tanong ko.
"I never said anything like that, princess. Malinaw na sa pagbalik ko ay mag-uusap tayo tungkol sa lalakeng 'yon."
What's with Sebastian?! Bakit ba parang kuhang-kuha nito ang inis niya!
"Can we not talk about him?" dahil para sa akin ay walang mahalagang dapat pag-usapan tungkol dito. Isa pa, malakas ang pakiramdam ko na mukhang magtatalo kami sa pag-iisang linya ng mga kilay niya sa video call pa lang kanina.
Pagbabawalan pa nga ako.
At tulad ng inaasahan ko ay hindi siya papayag. Umiling siya at inilahad ang isang kamay niya. Napatitig ako doon. He's asking for my hand, nagtataka man ay ibinigay ko 'yon sa kaniya na agad niyang hinawakan.
"Aren't you gonna rest first? Kagagaling mo lang sa byahe at tiyak na pagod ka. Kumain ka na rin muna or at least have some water to drink."
Naglakad siya at hinila ako palabas ng balcony ng kwarto ko. A cold wind welcomed us, napaangat ang isang kamay ko para pigilan ang buhok ko na hinahangin. Iniipit ko pa 'yon agad sa likod ng aking tainga nang mas malakas ang dumaan. Nilamig ako at napahimas ako sa aking braso.
Is it not enough to talk inside my room? Mas pribado ba ang sasabihin niya? Dahil mukhang ang pag-ikot niya ng tingin kanina ay ang pwesto ng mga CCTV ang tiningnan niya. Pero ano ang kaso? Alam ko na siya lang rin naman at ang papa ang may access sa CCTV sa kwarto ko at sa mga lugar na malapit dito sa silid ko.
"Eli, what are we doing here?" tanong ko ng nagtataka.
Madilim-dilim rin sa parte na ito at walang nakakakita. Likod rin ang kwarto ko at natatakpan ng naglalakihangg puno ng mga narra.
"We're going to talk here."
Dito? As in? So I guess what he wanted to talk about is really private.
"It's too dark here and I-- Eli!" My words were cut off, and I gasped when he suddenly pulled me and turned me around.
Maingat naman pero nabigla talaga ako nang isandal niya ako sa balustrade ng balcony. Hindi ako nasaktan dahil nakaalalay ang isang kamay niya sa baywang ko habang nakaharap siya sa akin.
"I want us to talk here," pagkasabi niya non ay naramdaman ko na lumakad pababa ang isa pang kamay niya at umiba ang mga 'yon ng pwesto at nang bumaba ang tingin ko ay nakahawak na nga sa magkabilang gilid ko habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Elijah is caging me while gazing intently at me with his sharp, piercing eyes. Ikinalunok ko 'yon ng malalim.
How can he still look so admirable with such an intimidating face?
At oo madilim, pero hindi ko alam kung bakit sobrang linaw niya pa rin sa paningin ko.
"Now. Let's talk."
"W-We're talking inside earlier, Eli. Ano ang pinagkaiba ng sa loob at dito?"
"You'll avoid my eyes, and I can't do anything to make you look at me if we're inside, princess."
Ano? Anything?
Pero nakumpirma naman ang nasa isip ko ng mga sinabi niya. Kaya pala siya tumingin sa paligid! At alam niyang iiwas nga ako ng tingin sa kaniya! But it's not because may itinatago ako tungkol kay Sebastian tulad ng nasa isip niya ngayon, kung hindi iyon ay dahil hindi ko kayang tagalan ang titig ng mga mata niya sa akin!
At syempre hindi ko maaaring sabihin 'yon na nanghihina ako sa pagtingin niya dahil baka ano ang isipin niya. Elijah is smart; he can read actions and understand emotions just by looking into someone's eyes at hindi ko nga alam... baka minsan na niyang naisip na may gusto ako sa kaniya.
Huwag mo kalimutan na nakikita ka lang niya as little sister, Pristine. Brothers are possessive and protective. You don't have one, so you might not know, but you're not ignorant of the fact that this is what Elijah is doing.
"Sasagutin ko naman ang mga tanong mo--"
"But without looking at me. At kapag hindi ka sa akin nakatingin ay maaaring hindi totoo ang mga isasagot mo."
"Eli, are you accusing me that I will lie to you?" hindi makapaniwala na tanong ko.
Hindi siya sumagot na ikinailing ko.
"Gosh, It's just Sebastian, okay? Why are you so annoyed? Dahil ba hindi ko sinabi kaagad na nakausap ko siya? Ngayon lang umaga dahil nagkaroon ng sandaling pag-uusap kami ng mga kaklase ko. Saka papa knows him, alam mo rin na mabuting kaibigan at business partner ng papa ang daddy ni Sebastian. So, if we're talking, I don't think there's a problem with that. Papayag naman rin si papa sigurado kung siya ang iniisip mo."
Pero siya ay mukhang hindi.
Haa. Hindi ko nga alam bakit ako nagpapaliwanag ng ganito sa kaniya ngayon.
"This is the first time that he talked to you, right?"
"Oo," sagot ko na sinabayan ko pa ng pagtango.
"Do you know that he's been watching you since I guard you?"
Napataas naman ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Eli. Pero nakuha rin ang atensyon ko sa mga huling narinig ko sa kaniya.
"It's normal that he's watching me because we are schoolmates saka halos lahat naman 'di ba?. Pero hindi niya ako kinakausap. Hindi ko rin matandaan kung kailan iyong huli. Matagal na, Eli. But I'm sure like the others, Sebastian doesn't want to be close to me because if he--" napatigil ako sa pagsasalita nang muli siyang mapayuko sa harapan ko.
I felt him move closer too, still breathing heavily. Tumatama ang hininga niya sa gawing didbib ko--ganoon kami kalapit na dalawa sa isa't-isa at nang gumilid ang tingin ko sa kaliwang kamay niya ay nakita ko na humigpit ang hawak non sa baluster.
What's with him? Ngayon lang siya naging ganito.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...