Chapter 8

1.4K 25 5
                                    




I was playing with my fingers while looking at my phone. Waiting for Elijah's message. Kahit nang sinabi ko kanina na sa number ko na lang kami mag-usap ay hindi pa rin ako nagpadala ng message o sinagot ang mga mensahe niya. I am still sulking, ewan ko. Ngayon lang ako nag-inarte ng ganito siguro dahil nga umasa ako na mananatili siya.

And he never said na three days na lang siya na mawawala!

Nalaman ko 'yon kay Kio na. O baka naman kasi hindi pa sure na makakabalik siya after three days?

"Do you know who that friend Elijah was talking about is? The one who needs his help?" tanong ko kay Kio.

Tumingin siya sa salamin at dahil nakatingin rin ako sa kaniyang gawi ay nakita ko na napangiwi na naman siya. That means what I asked is something I shouldn't know--pero alam niya. Bawal lang sagutin.

Napabuntong hininga ako at itinago na lang ang cellphone sa loob ng aking bag. Mukhang wala rin balak na magpadala ulit ng message si Elijah because he looked so pissed. Mas nadagdagan pa siguro dahil pinagpatayan ko siya.

"Nag-aalala ba kayo kay Elijah, Ma'am?" tanong ni Kio.

Nasa labas na ng bintana ang atensyon ko. Umiling ako nang hindi siya tinitingnan. May tiwala ako sa kakayahan ni Elijah. Hindi ko man siya nakikita pa kung paano totoong makipaglaban, but because of him--how he can predict that danger might happen, iyon ang naging batayan ko na hindi ako sobrang nag-aalala.

"Eh bakit po parang hindi po kayo mapakali simula nang umalis siya kanina ay parang gusto ninyo na siyang pabalikin?"

"It's because of my grandfather," sagot ko. Mahina kaysa sa boses ko kanina nang nagtanong ako sa kaniya.

Sa gilid ng mga mata ko ay muling napatingin si Kio. Mukhang naunawaan naman niya ang sagot ko dahil hindi na siya nagtanong pa ulit.

"Ganoon pala kayo katakot sa lolo mo, ma'am. Pero sabagay. Marami na rin akong narinig na hindi magagandang bagay na ginawa niya. Wala talagang gustong bumangga sa kaniya. Kaso ikaw naman ang binabalikan ng mga taong kaaway niya."

I smiled bitterly and nodded.

"They thought lolo cared for me so much. That I am the gem of the family. Ingat na ingat, mahal na mahal. Pero hindi ganoon."

Napahawak ako sa pulsuhan ko nang maalala na halos isang linggo akong nakatali dati sa basement dahil lamang sa isang napakababaw na dahilan. Kabilin-bilinan noon sa mga kasambahay na huwag akong palalabasin ng silid ko at hindi ko 'yon alam. Pero dahil sabik na sabik ako na ipakita sa lolo ang test papers ko na maraming stars ay walang pasabi ako na pumunta sa silid niya--habang may kausap siyang kliyente.

Iyon lang. Pinarusahan niya ako agad. I was crying and shouting for him to release me. I was only eight years old when it happened.

"Iyon rin kasi ang ipinapakita niya sa publiko, Ma'am Pristine. He talked as if he's been a good grandfather to you. Haven't you see the news? Kahit sa dyaryo? Sinabi niya pa nga na ikaw ang makakasama niya sa Charity gala and he was excited kasi iyon ang magiging unang public appearance mo kasama siya."

Mas mapait akong ngumiti nang marinig ang sinabi ni Kio. He was never excited to be with me. Kapag nakikita niya ako ay kitang-kita ko ang pagkaasiwa sa mukha niya.

"Sa isang araw na 'yon," sagot ko na ikinatango niya.

"Yes, ma'am."

Nakatanggap na rin ako ng mensahe mula kay Ate Lena na kung hindi ngayong gabi ay bukas ng umaga siya darating sa mansion para ipakita ang mga gowns. Pero ang lolo ay sinabi niya na bukas ng tanghali makakapunta.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon