I've never been this mad at Elijah before. Ever. Kung dati ay sobra ang takot at kaba ko na iwan niya, na hindi na siya bumalik ay ngayon walang ganoong pakiramdam. All that I am feeling right now is madness.Why?
Because he was a jerk that night at the gala! He made me feel the kiss shouldn't have happened in the maze after he kissed me! He's a damn asshole! A complete asshole! Hindi ako nagbibitaw ng mga ganito na salita kahit sa isipan ko pero ito talaga ang nararamdaman ko ngayon!
Naiiyak ako sa inis kapag naaalala.
"E-Elijah..."
My lips are sore, and I was having a hard time to breathe because even after a few minutes he still didn't want to let me go. Sandali lang na lalayo at pasasagapin ako ng hangin pero muli na naman akong hahalikan.
I can hear the sound of our lips, naririnig ko rin pati ang pagdaing niya at ang sa akin. Ang sa isipan ko ay paano ko siya haharapin ulit? K-Kakausapin after this hot kiss? Lalo na ngayon na alam na rin niya ang nararamdaman ko. I have nothing to hide about my feelings. Is he gonna stay? O-Or itutuloy niya ba ang alok sa akin na umalis kasama siya?
"Pristine? Pristine!"
But while we're kissing, I heard Esther's voice followed by Sebastian's.
"Pristine!"
T-They're now looking for me! At si Kio? For sure he's also! Pero hindi lang ako ang natigilan doon dahil pati na rin si Elijah. Para siyang napaso at natauhan na lumayo sa akin. Nang matitigan ko siya ay nasa mga mata niya ang gulat habang nakaawang ang mga basang labi.
"E-Eli..." I called his name but he turned his back and I saw his hands clenched. Pati ang panga niya ay nagtatagis.
"Damn it. Fck. What are you doing, Elijah?!"
That's what I heard from him that made me stunned. Para akong nanlamig. Nagsisisi ba siya? At nasagot agad ang tanong ko dahil sunod-sunod na mura ulit ang narinig ko sa kaniya, na tunog pinagagalitan niya ang sarili sa ginawa.
N-No... bakit?
My eyes heated up and I tried to walk towards him na siyang pagharap rin sa akin ni Eli.
"W-Why?"
Now he's back to avoiding my eyes again. Bagsak ang mga balikat ko na tumingin sa kaniya. At habang naririnig ko ang pagtawag nila Sebastian at Esther sa akin ay hinarap ko si Elijah at seryosong tiningnan.
"You are the one... who kissed me, Eli," I said with pain in my voice.
"Pristine," and I thought I could get an explanation from him to his actions but he raised his phone.
Taas-baba ang dibdib niya. Galit. Pero alam ko na hindi sa akin.
"Pumunta ka na rito. Get her and go home. She's drunk."
Nang marinig ko 'yon ay napailing ako. I turned my back and took my purse when I realized what was going to happen.
"I am not drunk, Elijah," puno ng inis na sabi ko sa kaniya paglapit ko. Napaatras pa siya!
Ibinaba niya ang cellphone at tumingin sa akin, umangat ang isang kamay na gustong humawak pero nanatili lang sa ere. Napailing akong muli.
"If you thought I am drunk that's why I kissed you back then no! You heard what I feel toward you! Eli, ano ba?! Ikaw rin ang humalik sa akin and--"
"That's something that shouldn't happen, Pristine."
My lips parted in shock. Nakaramdam ako agad ng kirot sa dibdib ko sa mga narinig ko. I took a step back, shaking my head at him. Hindi makapaniwala sa mga narinig na binitawan niyang salita.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...