Pristine
Akala ko ay magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makausap ang Ma'am Kamila pero kinabukasan ay umagang-umaga, nagpaalam na rin ito sa akin na kailangan na nitong bumalik sa Russia. Naunawaan ko naman na abalang tao rin ito kaya naman sinabi ko na sa susunod na lang rin ang mga bagay na gusto kong itanong tungkol sa mama.
Masaya na rin ako na malaman na may isang taong nakakakilala sa aking ina at hindi lang basta kakilala, kung hindi isang matalik na kaibigan pa. At ang nakakatuwa pa ay mommy ito ni Elijah.
"Hindi ba talaga kayo close ng mom mo, Eli?"
Now, we are here outside. Nag-set siya ng blanket at nasa ilalim kami ng lilim ng isang malaking puno. Nakahiga siya sa kandungan ko habang nakapikit ang mga mata, habang ako naman ay pinaglalaruan ang mga hibla ng buhok niya. Malamig rin ang simoy ng hangin kahit na alas-dos pa lang ng hapon. At nakakatuwa dahil may mga ibon na lumilipad sa gawi namin.
"Hindi ko alam kung ano ang mga dapat pagbasehan para sabihin ko na close kami."
Napangiwi ako sa sagot niya. Sa totoo lang habang nakatingin ako sa kanila kanina ng Ma'am Kamila na magkausap bago ito umalis ay para lang silang magkaibigan--hindi mukhang mag-nanay. Aside from, Ma'am Kamila looks really young, si Eli kasi, iyong paraan ng pagkausap niya ay parang pormal na pormal. Siguro dahil rin nga boss niya ito? Pero kahit na... wala naman ibang tao at ako lang, kami-kami lang ang narito. Ramdam ko rin na ganito na talaga ang relasyon nila kasi simula kahapon kung paano rin niya kausapin ang Ma'am Kamila.
"Uhm, palagi ba kayong magkausap? Lumalabas ba kayo? Bonding moments ng mag-ina ganoon," sagot ko naman sa kaniya.
He opened his eyes and looked at me. Umangat rin ang kamay niya at inilapat 'yon sa pisngi ko.
"We never go out, baby. I also don't have any memories of her being a mother to me. But that's not something I should hold resentment toward her for because I understand our situation. My life was always at risk because of the kind of job she had as an assassin. And she's just protecting me."
Napatango naman ako sa sagot niya. There's not pain in his eyes, walang kahit anong makapagsasabi na malungkot rin siya.
"Strict ba siya sa 'yo?" tanong ko pa.
"I don't remember her being strict. Lumaki ako na malayo sila ni dad, makikita ko lang sila noong bata ako pero panandalian lang. Nang magkasama kami ay bakasyon ko lang sa Russia but they weren't always at home. I was often alone."
Sa mga narinig ko ay napagtanto ko na ayos lang rin sa kaniya ikwento ang nakaraan kahit na siguro marami siyang hindi magandang pinagdaanan pero narealize ko rin na hindi rin pala nagkakaiba ang pinagdaanan namin noon ni Eli.
At mas malinaw rin sa akin kung bakit parang inosente si Elijah sa ibang bagay nang dumating siya sa mansion. Siguro noon puro lang siya pag-aaral, walang oras maglaro. Puro training? Hanggang sa focus na siya sa mga naging trabaho niya.
"Pero mukhang... mabait naman ang mommy mo."
"To you," mabilis rin niyang sagot na ikinangiti ko. He put his hand down, pero hinuli ko naman 'yon at hinawakan. Then, Elijah intertwined our fingers.
"Alam mo na siguro na magugustuhan niya ako, 'no? Kaya wala kang kaba."
Tumango naman siya. "But I didn't know that you are that special to her, baby. Na anak ka pala ng pinakamatalik niyang kaibigan. Hindi niya sinabi sa akin 'yon at ngayon ko lang rin nalaman ang lahat. I also understand now why she was so protective of you, na kahit ako ay pinagbantaan niya nang malaman niyang mahal kita."
I chuckled and caressed his cheek. Pinisil ko rin 'yon.
"Hindi ka pinagkakatiwalaan ng mommy mo..." asar ko na ikinasimangot naman niya.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...