Gumaan ang loob ko sa naging pag-uusap namin ni Kio tungkol sa nangyari nang gabing 'yon. Nabawasan ang mga tanong sa isipan ko pati ang galit sa ginawa ni Elijah. I will still give him a chance to explain himself, pero iyon ay kung pagbalik niya ay may balak talaga siya na magpaliwanag sa ginawa niya.I may be young, but I understand how I feel about him and I am ready to face the consequences of my actions. Alam ko ang ginawa ko na pagtugon sa halik ni Elijah at alam ko rin ang iisipin ng mga nakarinig nang malaman ng mga ito na naghalikan kaming dalawa. Pwede na may iba na nakarinig at makarating sa lolo at papa pero wala akong naging takot sa isipin na 'yon. Sa tatlong araw ay mas nanaig ang inis ko dahil sa ginawa ni Elijah.
"Pristine, let's go?"
Esther tapped my shoulder. Hindi ko namalayan na kami na lang tatlo pati si Sebastian ang natitira sa loob ng classroom at nakalabas na ang lahat. It's 11:30 am, maaga ang lunch break namin kaya nag-usap kami kanina na sa field manatili para maglunch. Nasabi ko na rin 'yon kay Kio at siya na ang bumili ng pagkain namin.
"I'll just fix my things," sagot ko dahil hindi ko pa rin nailalagay ang mga gamit ko sa loob ng aking bag.
Tumango naman siya at naupo sa tapat ko. She's watching me. I know Esther has a lot of questions on her mind right now, but she's hesitant to ask because she knows how emotional I was that night. What happened is something she probably thinks she shouldn't ask about.
Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakasandal si Sebastian sa upuan niya, nakapikit ang mga mata habang may airpods na nakalagay sa kaniyang magkabilang tainga. When I was done putting my things inside my bag ay saka tumayo si Esther at nauna nang maglakad. Pasunod na ako non nang magsalita si Sebastian na ikinatigil namin na dalawa.
"He's not with you again. Don't tell me he became a total ass and runaway?"
All this time, he knew. Siya ang unang nakapansin at sumunod lang si Kio. There's no reason to deny what he told me about Elijah liking me, especially since it became more obvious after what they saw that night.
"Then, I won't tell you," simangot ko na sagot.
"Hindi nga?" bigla ay tanong naman ni Esther na hinawakan pa ako sa braso. Nasa mukha niya ang gulat.
"Nakakainis naman kung ganon. Akala ko pa naman ay isang mabu--" Esther didn't finish her words because Sebastian suddenly appeared in front of us.
Nagsalubong ang mga kilay ko. He--how... ni hindi man lang namin siya naramdaman na palapit!
"Hindi siya nagpakita pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo?" may galit at hindi makapaniwalang tanong niya. Hawak niya ako sa braso pero hindi mahigpit 'yon.
"Ynares--"
"What the hell that asshole's doing? He really run away?"
Napabuntong hininga ako at inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Maybe this is the time to talk to them about what happened.
"Here I thought, you two were having a good time after what happened that night at the gala..." mahina niyang sabi. Siguro ay tinanong lang niya ako kanina na tumakbo si Elijah at hindi siya talaga ganoon ka-seryoso. Pero nang malaman niya na umalis nga ito ay saka siya ngayon nagalit.
Nasa mukha pa rin niya na hindi siya makapaniwala.
"Huwag na lang sana makakarating sa iba ang nangyari nang gabing 'yon."
"O-Of course, Pristine. Hindi ko sasabihin sa iba, ewan ko lang sa isa diyan na may gusto sa 'yo baka gamitin niya pa na--"
"Hindi ako madaldal at chismosa, Esther. And there's no reason I would do that. Damn. Anong ginagawa ng lalakeng 'yon?"
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...