Chapter 24

217 5 0
                                    




Kaaalis lang ni Elijah ngayong umaga. Wala pa ngang isang araw na wala siya. And he said earlier that after three days he will come back. Kasi mukhang hindi rin basta-basta ang ipinunta niya sa Karmona. Naunawaan ko na 'yon, eh.

Pero ngayon naman ang sinabi niya na dalawang linggo na mawawala siya na naging tatlong araw na lang at ngayon ay ito at pauwi na! Hindi ko ba alam kung ikatutuwa ko na uuwi na nga siya dahil para bang abala 'yon sa mga maiiwan niya sa trabaho. Also, the friend he mentioned surely knows he will be back to his duty right now.

Eli is not the type who would lie because he is a righteous man. And when he says something, you can trust that it's the truth. Those who know him understand that he stands by his word at sa halos isang taon na kasama ko siya bilang bodyguard ko ay 'yon ang isa sa mga napatunayan ko talaga.

Ang kaibigan na binanggit niya naman rin ay mukhang mahalaga sa kaniya. The way he said his name though. Kung kliyente rin kasi ay tiyak na hindi niya ganon ia-address. Ang iniisip ko lang ngayon ay baka ang isipin naman nito ay masyado kaming mahigpit kay Elijah. Wala na ngang day-off ng halos isang buong taon ay ito at dalawang linggo lang hindi pa napagbigyan.

"Eli, it's fine. Okay na ang three days."

"I am on my way," he responded sharply.

Pauwi na ngang talaga!

He's driving and it's not safe to drive while talking to me. Dahil kahit na matagal ang tingin niya sa daan ay binibigyan niya pa rin ako ng pansin. I let out a deep breath, I nodded even though I still didn't agree.

"Eli, it's already late. Go back, and then let's talk calmly, okay?"

"Do I look like I'm not calm, Pristine?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Halata naman kasi na hindi!

First, he was giving me an icy look. His irritation was clear on his face, and he was speaking in a way that was very unusual for him.

Second, he's calling me Pristine! Like every words he's making me feel that he's upset.

"Ilang oras pa kasi ang byahe mo papunta dito sa mansion. Saka sigurado na pagod ka rin dahil maghapon ka na may ginagawa. I understand, Eli. Sige na."

"Why do I feel like you don't want me to come back right away, princess? Didn't you not want me to leave in the first place?"

Napatigil ako sa mga sinabi niya. O-Of course I want him back! Alam nga niya na takot ako pag wala siya, eh! Why is Elijah being like this? Parang hindi siya ang kausap ko. Or maybe because he's irritated? Gumagalaw na naman ang panga niya at ibig sabihin non ay inis talaga siya.

"I am just concern about you. Naunawaan ko rin na naging selfish ako na gusto ko na dito ka lang. At kahit na trabaho pa rin ang ipinunta mo sa Karmona, naisip ko rin na you're doing that for a friend. Kaya okay na ako, Eli."

"Is it because of that Sebastian? Kasi alam mo na pagbabawalan kita na makausap at makipagkita sa kaniya?"

Wait, what? That made me speechless for a moment.

"Pagbabawalan mo ako?" mahina ko na tanong, sinisigurado ang mga narinig ko.

Ang layo naman rin ng sagot niya sa mga sinabi ko! And why is he so focused on Sebastian?

"Elijah."

Hindi siya sumagot. And when I saw that he stopped his car, he looked at me intently.

Pakiramdam ko ba ay may ginawa akong mali. Pero para sa akin ay wala naman. Hindi naman mali na nakipag-usap ako kay Sebastian. Oo nakakainis ito, pero siguro, concern lang rin talaga siya sa akin. After all, this is the first time he talked to me, mayabang man at hindi tama ang mga binitawan na salita ay iisa lang naman rin ang intensyon non, 'yon ay ipinaparamdam niya na ayaw niya lang akong maloko ni Esther.

But Esther... I felt she's real. She's not afraid to defend me and talk back to the people in our university.

"We will talk once I come back."

I pouted. Mas mabuti pa nga.

"Sige. Mag-iingat ka."

"Don't pout your lips, Pristine."

Napatanga ako dahil pagkasabi non ni Eli ay inilayo rin niya ang tingin. I saw his jaw clenching intensely.

Bakit ba ganito siya ngayon?

P-Pati pa ang pagnguso ko ay bawal?

Ako na ang unang nagpaalam sa pag-uusap namin ni Elijah at hanggang huli ay nag-iisang linya ang kilay niya at ang seryoso ng mukha niya. Bago ko rin ibaba ang tawag ay muli ko na inulit sa kaniya na hindi naman kinakailangan na umuwi na siya dahil okay na okay rin ako kay Kio. Also, he has nothing to worry about if lolo will come tonight dahil tiyak na ang mga sinabi niya kay Kio ay susundin nito kasama na doon na huwag akong hahayaan na masaktan ng lolo.

Hindi ko lang maintindihan, why now I felt like he's in a hurry to go home?

That's when he learned about Sebastian. And he kept talking about him. But... why? Is my classmate a threat? May napansin ba siya dito na hindi maganda? Pero ano naman 'yon?

Too many questions was formed in my mind. Napabuntong hininga ako at naupo na lang sa sofa habang hinihintay na bumalik si Ate Lena at Kio.

And while waiting I received a message from Sebastian--again. Why does he keep on perstering me right now? Saka seryoso ba talaga siya sa sinabi niya na araw-araw niya ipapaalala sa akin na hindi totoong kaibigan si Esther? I hate him. He's so judgemental. Kahit naman na hindi katulad namin si Esther, ramdam ko na totoo ito.

"Your sht emotionless bodyguard. Where is he now?"

Nakakainis talaga siya! At bakit niya ba hinahanap si Eli?

"Hindi sht emotionless ang bodyguard ko. And why do you care about him, Ynares? Stop messaging me! Iba-block kita!"

Pagkasend ko ng reply na 'yon ay nakita ko na nagta-type siya pero nang mareceive ko na ay voice message 'yon. Pinindot ko ang play button at narinig ko agad ang boses niya.

"Sebastian, Pristine. I already told you to calle me Sebastian."

Sa inis ko ay nag-voice message rin ako.

"Ayoko! Hindi tayo close! At huwag mo na akong kausapin!"

And it was fast when he replied with another voice message!

"This is the first time I've heard you speak like this, with anger and almost shouting. Nagagalit rin pala ang anghel."

W-What? I gulped and then didn't reply dahil sa isipan ko ay nakangiti at naaaliw siya sa mga sinabi niya.

"Why is Sebastian being like this now?"

Nang ibababa ko na ang cellphone ko dahil wala na akong balak replyan ito ay nakatanggap naman ako ng mensahe kay Eli. My heart throbbed. Pagdating kay Eli ay palaging bumibilis sa pagtibok ang puso ko.

"Don't entertain any calls or message from that man, Pristine."

That... man? Pero nasundan pa ang mensahe niya na 'yon na ikinakagat ko sa aking pang-ibabang labi.

"Your sht dumbass classmate."

Si Sebastian!

Napangiwi ako dahil nakailang reply na ako dito bago pa man niya ako masabihan.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon