Kabanata 17

2 0 0
                                    

Kabanata 17

Aloha and I continued our routine as if nothing had happened. Tuwing uwian ay nagsasabay kami papunta sa Digo's, kapag maaga naman ang out namin ay sabay kaming nag-aaral since naglabas na agad ng schedule for prelim examination. Siyempre, hindi pa rin nawawala ang mga mata ng mga estudyante lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Wala naman kaming pake kaya hinayaan nalang namin.

"Next month's the restaurant's second anniversary. What will our plan be?" tanong ni Trina. Sarado na ang restaurant, halos pauwi na rin kami, but we decided to have dinner together to discuss the anniversary plans.

Last year, nag-outing kami para mag-celebrate. Kakaunti pa lang ang mga staff nun kaya nakapagplano kami agad.

As part of our anniversary celebration, we offered promotions and discounts to customers simula ngayon hanggang sa matapos ang anniversary. Dahil doon mas lalong dumami ang mga customer kaya mas lalo rin kaming naging busy.

"Bar tayo para maiba naman," suhestiyon ni Joey.

"Oo nga, sakto madami naman tayo," pagsang-ayon naman nina Sage.

The majority of them agreed. Karamihan kasi sa kanila ay mahilig talagang pumarty at marami talaga silang alam dahil nagsisimula na silang mag-mention ng mga sikat na bar dito sa Manila.

"What about you, Diego? Are you okay with that?" Trina asked. She probably knew I wasn't into it.

All eyes were on me, waiting for my answer, halatang kabado silang hindi ako mag-agree. Nang tingnan ko si Aloha ay naghihintay lang din siya ng sagot ko, kalmado.

"Whatever the majority wants," I simply said.

Their smiles widened na parang bang sinasabi nila sa isip ang "yes!". Nagsimula namang mag-take down notes si Trina habang kinukuha ang mga details about sa Anniversary.

Bago kami maghiwa-hiwalay ay nakapag-plano na kami kung saan magc-celebrate. We agreed on a popular bar somewhere in Makati.

"Okay lang ba talaga sa'yo na dun tayo magc-celebrate?" tanong ni Aloha nang kami nalang dalawa. We're now in the car driving to their house.

"Bakit?" pangbabalik ko ng tanong habang diretsong nakatuon sa daan.

"Alam ko namang di mo bet sa mga matatao at maiingay na lugar. Halata namang napilitan ka lang kanina kasi halos lahat may gusto."

"Isang araw lang naman ako lalabas sa comfort zone ko," I answered. "Anniversary naman ng Digo's, so I guess there's no reason not to be Kj even once."

"Talaga? Baka mamaya takasan mo kami," panunuksong sabi niya.

"Why would I do that?"

"Kasi biglang nagbago isip mo? Or na-realize mo na hindi mo talaga kayang mag-stay dun," giit niya.

"I've made up my mind. Don't worry about it,"

She sighed. "Fine," she said. "Basta kapag nagbago isip mo, pwede ka namang hindi tumuloy dun, sasamahan kita mag-celebrate,"

Bumuntong-hininga ako. Ang kulit niya talaga, but I appreciate her concern. Hindi ko naman talaga hilig pumarty pero hindi naman ako ganoon ka-KJ para hindi makisama sa kanila. Kung kaya ko naman mag-adjust, gagawin ko naman talaga. Isa pa, kasama ko na sila sa pagtataguyod ng Digo's at sino ako para sirain ang simpleng kasiyahan na 'yon.

Pagdating namin sa bahay nila ay naabutan namin ang Tita niya sa labas ng gate, nilabas ata yung trash bag na puno ng basura. Magmamano sana kami ni Aloha pero tumanggi ito dahil marumi raw ang kamay niya. Uuwi na rin sana ako agad pagkahatid ko sa kaniya pero pinilit pa ako ng Tita niya na mag-stay sa loob ng bahay. Hindi na ako nakatanggi.

"Kumain na ba kayo?" tanong nito nang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Opo, Tita, tapos na po," sagot ni Aloha.

"Thank you nga pala, Diego kasi lagi mong hinahatid pamangkin ko," pagpapasalamat niya. "Hindi ka ba pinapagalitan sa inyo kapag ginagabi ka?"

Nagkatinginan kami ni Aloha bago ko ibinalik ang tingin sa Tita niya. "Nasa ibang bansa po ang Mom ko,"  magalang na sabi ko at muling tiningnan si Aloha. "I just want to make sure that she gets home safely, kahit pa gabihin na po akong makauwi." I smiled.

Aloha snorted and held her nape, she looks blushing. Sa isip ko ay gusto kong ngumisi, kung hindi ko lang kaharap ang Tita niya.

"Nanliligaw ka ba kay Aloha?" diretsong tanong nito. Napansin ko agad ang pagkataranta sa mukha ni Aloha.

Tumikhim siya. "Sobrang gabi na pala, no? Mukhang gusto na ni Diego magpahinga, Tita," paglilihis niya ng usapan. "Magpahinga kana rin, Ta. Ihahatid ko na si Diego sa gate,"

Bahagyang natawa ang Tita niya. "Nagtatanong lang naman ako," she replied. "Sige na, magpapahinga na rin ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Diego ah?"

I nodded. "Good night po,"

She just smiled in reponse.

Hinintay naming tuluyang makaayat ang Tita niya bago kami naglakad ni Aloha palabas ng gate nila.

"Sorry. Umeedad na kasi si Tita kaya kung anu-anong sinasabi minsan," paliwanag niya.

"Not a big deal," I replied.

She laughed. "Pero ikaw ba... if you were given a chance to date me, would you do it?" she asked directly, even though I knew the tone of her voice was joking.

"Is that a question or you're asking me to do it?" I raised my eyebrows.

"Depends kung anong dating sayo," she simply said.

"Bakit ikaw?" pangbabalik ko ng tanong. "If you--"

"Yes."  she said bravely.

My lips parted, I was stunned to speak.

"You're not hard to like, Diego,"

I stared at her for a few minutes, not knowing what to say. We were filled with silence, but she didn't bother me to speak. But I feel like she's waiting for an answer.

"Umuwi kana nga, gabi na," she broke the deafening silence.

I took a deep breath.

She watched me get into the car. But before I started it, I opened the car window. She was about to leave when...

"Aloha," I called her

Humarap siya. "Hm?"

I took a deep breath again.

I really want to tell her that I will take every opportunity to like her and to be with her. She's truly a gem, hindi na dapat pinapakawalan pa.

But then.

I was led by fear. Fear that something might change. Baka kapag umamin ako, maraming magbago. I'm not yet ready for the changes and adjustments between the two of us. Masaya naman ako sa ganito muna.

"Have a good night rest," I said instead.

"Good night," ngumiti siya at tumalikod na para isara ang gate.

Napapikit kong hinampas ang steering wheel. Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago pinaandar ang sasakyan paalis.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now