Kabanata 21

5 0 0
                                    

Kabanata 21

Dalawang araw ang nakalipas at dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Aloha. Malaki ang school kaya hindi nagk-krus ang landas namin. Hindi ko rin alam kung pumapasok siya sa Digo's because the last time I went there was before the celebration. Lahat ng paraan na alam ko para iwasan siya ay gagawin ko, hindi ko pa siya kayang makita.

"Is there something wrong, Diego?" Mom asked. I just lay on the bed and looked up at the ceiling habang nakatutok naman ang camera ng phone ko kung saan ka-FaceTime ko si Mom.

"I'm just thinking about something, Mom." I answered.

"Do you want to talk about it?"

Umiling ako. "Don't want to," sabi ko. "Huhupa rin naman 'to, Mom." sana lang.

I heard her sigh. "Okay, if you're not comfortable yet," kalmadong sabi niya. "I know you'll get through this."

Lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Thanks, Mom." I smiled. "You're the best."

Going back to the gym is something I want to add to my routine. I haven't been able to go back to working out for a few weeks now because of other things I've been busy with in the past few weeks. Kailangan kong ibalik ang daily routine ko.

Gumaganda ang mood ko kapag productive ang araw ko. And I think this is the only right way to clear my mind. I know I shouldn't be affected just because of that situation but I can't stop thinking. Pero, ayokong maapektuhan ang mga importanteng ginagawa ko dahil lang sa nararamdaman ko ngayon.

The next day, I went to school na lumulutang pa rin ang utak. I'm fully aware of what I am doing, sadyang wala lang talaga roon ang isip ko. Nasa parking ako nang hindi sinasadyang marinig ang usapan ng grupo ng mga kababaihan.

"Grabe naman, pabago bago ng lalaki,"

"After dun sa senior high, ngayon dun sa varsity naman. Gusto niya atang i-try lahat ng lalaki rito sa school, e."

"Sigurado ako, after ilang weeks, bago na naman 'yan."

"Kala mo nagpapalit lang ng damit,"

My jaw clenched. Lutang akong naglakad paakyat ng building namin. May recitation pa naman kami ngayon at malaki ang hatak nito sa grade namin. Nakapag-review naman ako kagabi kahit gaano ako kapagod sa gym, ayoko pa ring walang maisagot.

"Delgado!" hindi ko napansin na nakadalawang tawag na pala sa akin si Miss Ron.

Tumayo ako nang magsimula na siyang magtanong. Sinubukan kong alalahanin ang mga nabasa't na-review ko kagabi. Alam kong alam ko ang sagot sa tanong niya pero medyo nahirapan ako kung paano ko 'yon id-deliver. Gladly, nasagot ko pa rin naman but it wasn't what I expected.

Hindi ako bumaba sa Cafeteria gaya ng madalas kong ginagawa tuwing breaktime. Dahil nag-announce na hindi papasok ang isang subject namin ay bumaba nalang ako sa library para doon matulog.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na nang magising ako. 40 minutes pa lang pala ang naitutulog ko pero pakiramdam ko ay ang haba na ng naitulog ko. Nagsisi akong bumalik agad sa room dahil wala pa pala ang last subject namin, mukhang hindi na rin papasok. Pakiramdam ko, patamad nang patamad ang mga subject teacher namin ngayong dalawang buwan nalang, graduation na.

Bumaba na ako ng building para umuwi na. Hindi pa man ako nakakarating sa parking lot nang makita ko si Aloha mag-isa, hindi ko alam kung saan siya galing. Gusto ko sanang magpanggap na hindi siya nakita pero may pumipigil sa akin na 'wag umalis sa kinatatayuan ko. Our eyes met, parang nagulat siya nang makita ako.

"Diego,"

"Hm?" I try to act normal.

"Kumusta?"

"I'm good... you?"

"Okay lang din," tipid siyang ngumiti. "I'm sorry, hindi na ako nakapagsabi sa'yo nung nakaraan. Bigla kasing nagyaya 'yung mga friends ko," she said.

I nodded while gritting my teeth. "Friends,"

She lied. Iyon lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon. Bakit hindi niya nalang sabihin ang totoo? Gusto niya ba talagang magmukha akong siraulo?

"Oo, e. Alam mo na... hindi ko na kasi sila masiyadong nakakasama simula nang magka-work ako,"

Tinitigan ko siyang mabuti sa mata, ibang-iba sa madalas kong nakikita noon. Being with Aloha is the best feeling I've ever felt, pero hindi ko alam na kirot at sakit din ang mararamdaman ko ngayong tinitingnan ko siya. I no longer feel the same feeling I used to feel.

"Ano nga pala 'yung gusto mong sabihin?" tanong niya pero parang wala talaga siyang interes na malaman.

Umiling ako. "Wala 'yon, hindi naman ganoon ka-importante." I said instead. "And nawala na rin sa isip ko."

"Gano'n ba?" tiningnan niya ang relo niya at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Nga pala... kailangan ko na palang umalis. May lakad pa kasi ako ngayon,"

I nodded. "Okay,"

She smiled at me, while I tried to fake my smile.

Napapikit ako at malalim na paghinga ang pinakawalan nang makaalis siya. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo? Nagsinungaling siya sa akin, pinapatunayan niya lang na tama lahat ng sinasabi nila tungkol sa kaniya. No matter how hard I want to defend her from what my mind's saying, hindi ko magawa kasi talo na agad ako.

Kung nagawa niyang magsinungaling sa akin ngayon harap-harapan, hindi rin imposibleng lahat ng pinakita niya sa akin noon ay kasinungalingan lang. Akala ko kilala ko na siya. Akala ko, mas kilala ko siya kaysa sa kanila. She made believe that.

Mabibigat na paghakbang ang ginawa ko papunta sa parking. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko nang matanaw ko si Aloha na sumakay sa sasakyan nang lalaking nakita kong kasama niya sa Mall. Nagtiim ang bagang ko at kahit na anong pilit na gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay hirap na hirap ako.

Pakiramdam ko, pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko. I know I have no right to feel this way because there is nothing between the two of us. But she makes me feel that it is possible, that there is hope.... or masiyado lang talaga akong umabot sa gano'ng expectation sa aming dalawa?

Hindi ko alam. Gulong-gulo ako. Pero walang ibang pumapasok sa isip ko ngayon kundi ang pagpapasalamat na hindi ko nasabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Baka inadya talagang hindi yon matuloy para matigil na 'tong kalokohan ko na 'to.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now