Kabanata 27

5 0 0
                                    

NOTE: This is the beginning of Aloha's POV until the next chapters so that no one gets confused. Thank you & happy reading!

Kabanata 27

"Ikaw lang ata nakita kong masaya sa mga bagsak na grade, Aloha." puna sa akin ni Desiree nang makitang malaki ang ngiti ko habang nakatingin sa report card ko. Magkakasama kami ngayong nasa labas ng faculty room kasama ang mga students na may mga failed subjects din.

"Pagkakataon ko na 'to para maging close kay Diego Delgado," sabi ko at humagalpak ng tawa.

"Jusko! Hanggang ngayon si Mr. long hair pa rin, Aloha?" sabat ni Lou. "Dalawang taon mo ng crush 'yun, hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-move on?" 

E sino ba namang hindi makaka-move sa gwapo na, matalino pa? Hindi talaga ako makaka-move on dahil ni isang ngiti, hindi ko manlang naranasan sa kaniya. Nakakainis nga, e pero mas lalo akong nac-challenge. Habang tumatagal, lalo akong nagiging interesado sa lalaking 'yun.

Malinaw ko pang naaalala kung paano ko siya naging crush. Nakita ko siyang pambato ng section nila sa mga quiz bee, matik laging siya ang panalo. Naattract ako sa hairstyle niya tska kung paano siya laging sumagot sa mga tanong. Ewan ko ba, hindi naman siya yung tipikal na campus crush dito sa school gaya ng mga nasa varsity pero sobrang gwapong-gwapo talaga ako sa kaniya. Feeling ko talaga, dudumugin 'to ng mga babae kapag nagpa-clean cut e. Buti nalang dahil mukhang wala siyang balak magpagupit kaya ako lang ang nakakaappreciate ng kapogian niya.

Dahil sobrang mysterious niya, kung anu-ano ang ginagawa ko para lang mapansin niya. Hindi pwedeng hindi ako dadaan sa room nila araw-araw, ito ang kumukumpleto ng araw ko kapag badtrip ako sa mukha ng mga classmates ko.
Tipong di pa tapos ang 24 hours pero makita ko lang siya, kumpleto na araw ko. Minsan ko lang kasi siya makitang bumaba ng building nila, parang kahit breaktime ay nag-aaral pa rin siya. Grabe talaga.

Hinanap ko lahat ng social media account niya pero hindi ko talaga mahanap, instragram niya lang nakita ko tapos naka-private pa. Kung anu-anong account ginamit ko para mag-send ng follow request sa kaniya pero hindi manlang inaaccept. Ewan ko ba, kahit wala naman akong napapala sa pagka-crush ko sa kaniya, tuwang-tuwa pa rin ako. At sa dalawang taon na 'yun, hindi pa rin niya ako napapansin, napakadamot niya kasi sa interaction!

Nalaman ko na isa pala siya sa mga inaassign ng nga teachers sa mga bagsaking estudyante rito sa school, naiingit nga ako sa kanila kasi kahit manlang sa pag-aaral ay nagkakaroon sila ng interaction sa kaniya.

At ngayon, ilang buwan nalang gagraduate na siya. Hindi ako papayag na aalis siya sa school na hindi manlang kami nagiging mag-close. Kaya ang unang pumasok sa isip ko, ibagsak ang halos lahat ng subject ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako matalino pero kahit kailan ay hindi ako bumagsak. Pero sigurado akong ito nalang ang pag-asa para mapalapit sa kaniya. Alam ko namang mababawi ko pa 'yung grade ko.

"Hoy! Wag nga kayong etchosera, kaniya-kaniyang paraan lang 'to." sagot ko sa kanila . "Trust me, hindi matatapos ang taon na 'to, mapapasa'kin din 'yang si Diego Delgado," mayabang na sabi ko sa kanila. Binigyan nila ako ng "good luck look" at sabay-sabay kaming nagtawanan.

Ang iba sa mga kasama ko ngayon dito ay taga-ibang section na hindi ko naman talaga close at karamihan lalaki, pero dahil machika talaga akong tao, wala silang choice. Daming babaeng estudyante dito sa school na may galit sa 'kin kasi yung mga jowa, crush or ka-m.u nila ay ako ang bet. Aba, pakialam ko ba sa kanila. Ang papangit naman ng mga 'yun, wala ata silang taste e. Kaya karamihan ng tropa ko, lalaki. May mga tropa rin naman akong babae, sila Desiree na solid din talaga. Walang inggitan sa'min, laitan pwede pa.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now