Kabanata 3

9 0 0
                                    

Kabanata 3

It was a tiring morning as another week began. I was busy all weekend dahil hindi pa rin kami nakakapag-hire ng mga new employees.

Mabuti nalang talaga at wala masiyadong pinapagawa sa amin sa school kaya naasikaso ko ang mga dapat asikasuhin sa trabaho. I yawned and glanced at the clock before hurriedly getting up, realizing I was late for school!

Napasarap ang tulog ko dahil sa puyat ko kagabi, bakit ba hindi ako nagising sa alarm? Tsk, stupid.

Naging mabilis ang pagkilos ko, ang halos dalawang oras na pagkilos ko tuwing papasok ay napagkasya ko ng 15 minutes lang ngayon.

I hurried and got ready in just 15 minutes instead of the usual two hours. Kada lakad ko ay hindi ko mapigilan mapatingin sa wrist watch ko. Kung kailangan naman si Sir Quizon ang first subject namin ay saka pa ako na-late, may quiz pa naman kami. Siguro kahit mga 15 minutes ay makakahabol pa ako sa quiz, no? E, ano naman kayang idadahilan ko kung bakit ako na-late? Strict pa naman isang 'yon.

I was quite close to the school when I heard a familiar voice quickly running towards me. Shiz, not now!

"Hoy, Diego, teka!" her annoying loud voice. Pero kahit anong bilis pa ng lakad ko ay naabutan pa rin ako nito. "Doon ka pala banda nakatira?" tanong niya nang mapansin kung saang direksyon ako nanggaling.

"Nagmamadali ako." sabi ko habang hindi siya tinitingnan at patuloy pa rin sa paglakad.

"First time ma-late?" tumawa siya. "Second subject kana lang pumasok,"

"Hindi pwede."

"Sus, ako nga break time na papasok e," natatawang sabi niya. "Doon ako sa campus field tumatambay, walang tao dun kapag ganitong oras,"

I tousled my hair. Bakit ba ako iniimpluwensyahan nito?

"Gusto mo sumama sa akin?"

"Aloha Velasco, baka nakakalimutan mo, we're not friends?" pagpapaalala ko sa kaniya.

She laughed. "Iniisip mong bad influence ako, no? Siguro nga pero in your case, naisip ko na minsan ay kailangan mo ring mag-enjoy. Graduating kana ng high school and you only go to high school once in your entire life. Bakit hindi ka mag-enjoy kahit minsan? Enjoy your last minutes in high school?"

Hindi ko siya pinansin. Wala na akong time para sa page-enjoy na 'yan. I wanted to graduate and start my own business, wasting time never crossed my mind.

"Napaka-seryosong tao naman nito. Siguro kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend kasi lahat ng babae ay sinusungitan mo, no? Kunwari, may nag-confess sa'yo tapos ni-reject mo, mat-trauma siguro?"

What the heck? Hindi naman ako masungit, ayoko lang sa maiingay. Kung anu-ano talagang pumapasok sa isip ng isang 'to, na kung ano ang maisip niya ay bigla nalang lalabas sa bibig niya. Should I become used to her not considering her words before speaking?

Laking pasasalamat ko talaga nang makarating ako sa school. Sumulyap ako sa wrist watch ko, 45 minutes late!

"I'll see you after class, don't be late." sabi ko kay Aloha at mabilis na naglakad palayo.

"Sungit!" narinig ko pang sigaw niya at malakas na tumawa. Napailing nalang akong tumakbo papunta sa building namin.

Pagdating ko sa room ay nagq-quiz na sila, mukhang patapos na nga yata. Nag-excuse nalang ako, mabuti nalang at mukhang good mood si Sir Quizon at pina-take pa rin ako ng quiz kahit late ako. Binilisan ko na nga lang sa pagsagot, mabuti nalang at pamilyar ako sa mga tanong dito at halos parang review nalang sa akin.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now