Kabanata 2

11 0 0
                                    

Kabanata 2

"May recitation daw ngayon kay Sir Quizon?" tanong ni Laurence, kaklase kong mahilig mag-cutting class kapag may mga recitation at quiz.

I nodded while reading my notes. Hindi naman ako kinakabahan dahil nakapag-review ako kagabi, lahat naman ng itatanong ay na-tackle naman sa amin.

Wala na si Laurence nang dumating si Sir Quizon, sigurado akong nakatakas na 'yon. Tahimik ang lahat nang kunin ni Sir Quizon ang index card mula sa envelop nito.

"Close your notes."

Isa pa naman ito sa mga striktong guro na kahit anong ingay ng mga kaklase ko ay talagang tatahimik kapag naramdaman ang presensiya niya. I don't have a favorite subject, nakadepende lang talaga kung gaano kagaling magturo ang teacher.

Ramdam ko ang kaba ng mga kaklase ko nang magsimulang magtawag si Sir Quizon. Nang matawag si Monice ay ramdam ko ang kaba niya pero nasagot naman niya nang maayos ang question.

Matapos niya matawag ay ako na ang sumunod, it went good and smooth. Marami namang nakasagot pero may iilan ding hindi at ang iba ay nauutal pa, siguro dahil na rin sa kaba.

Wala naman na kaming masiyadong ginawa kaya pumunta na ako sa Caf. Mabuti na lang hindi masiyadong matao ngayon dito, mukhang busy ang iba sa pagr-review para sa recitation. Mabuti nalang talaga nauna kami sa kanila.

"Diego!" i heard a familiar voice.

Lumingon ako kay Aloha na kasama ang mga kaibigan niya, ang dami niya palang kaibigan kaysa sa iniisip ko. Karamihan ay mga lalaki, mga bulakbol din. Iniwan niya sila para lumapit sa akin. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng 'to.

"Nice meeting you here," nakangising sabi niya dahil ngayon niya lang ako nakita rito.

"Yeah," I replied, not wanting to start a conversation. Pero makulit din talaga ang isang tao, hindi naman kami close para kausapin niya ako randomly.

"Wala kang kasabay kumain?"

"Meron ba?" I asked sarcastically.

She laughed.  "Gusto mo 'kong kasabay?"

"Hindi, sa classroom ako."

"Hindi naman ako magpapalibre, no!"

Hindi ko alam kung bakit ko ba ito kinakausap. May mga kasing-edad din naman niya akong na-meet last year pero hindi ganito kakulit at kaingay. Naiilang ako kasi kung umarte siya ay parang close kami.

"Parang wala kang kaibigan, e. Oh, sorry... didn't mean to offend you, ah? But you know, mas masaya kaya kapag may mga kaibigan,"

I wasn't offended. Many people said that to my face, but I didn't take it as an insult, I was used to it.

"I have to go, magkita nalang tayo mamaya sa lib." I said, about to leave, but she spoke again.

"Nga pala, pwede ba next week nalang? Friday naman ngayon, e. I have personal things to do, you know,"

"Okay."

"Thanks." ngumiti siya. "Ay wait, accept mo naman follow request ko sa ig!"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Sabi nga nila, women are good at investigating. So, you should be proud of me, pa-mysterious ka kasi!"

Baka kamo you're good at stalking, pinaganda pa 'yung term. Tss.

"Hindi kita ma-stalk, naka-private 'yung ig mo e!" umirap siya na parang kasalanan ko pa.

"I have to go." naglakad na ako agad dahil baka kung ano pa ang sabihin niya.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now