Kabanata 24

0 0 0
                                    

Kabanata 24

I've recently come to realize that I shouldn't allow my personal situation effects the important things. Life can be difficult, pagalingan nalang kung paano mag-handle.

We graduating students have spent the last few weeks accumulating what needs to be submitted for clearance week, isabay pa ang mga practice para sa graduation. Next week ay graduation na namin, nakapag-book na rin ako ng flight papuntang US as I promised Mom. Naging simple na lang sa akin ang mga araw dahil naging maayos na ang daily routine ko. Wala naman akong naging problema sa clearance week dahil lahat ay kumpleto ako.

One of the things I noticed, many of my lower-year students wanted to be friends with me. Ang weird lang kasi biglang may mga estudyante akong hindi kilala na bumabati sa akin. Hindi na rin napipirmi ang notification ko sa instagram sa daming nags-send ng follow request.

Halos kasabayan namin ang batch nila Aloha sa graduation pero magkaiba kami ng schedule ng mga practice kaya hindi rin nagk-krus ang mga landas namin. There are times when I see her in the Caf and outside their building with her friends, pero kapag alam kong magkakatinginan kami ay umiiwas na ako agad. I don't know, after what I said to her? Nawalan na ako ng lakas ng loob na makaharap siya kahit matingnan manlang sa mata.

Nakikita ko siyang masaya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya at ayaw kong bigla maputol iyon. Ayokong makita na unti-unting mawala ang ngiti sa mga mata niya kapag nagkatinginan kami, sigurado akong maaalala niya lang lahat ng mga masasakit na salitang binitawan ko.

I don't want that. I don't want to be the reason for losing her smiles.

We had just ended the graduation practice, so I walked to the parking lot. The practice took about four hours, but since I was going to Digo's straight after practice, I brought the car. I only bring it when I go to Digo's after school.

"Ano ba?! Ayaw ko nga sabi!" I heard a familiar voice shout. I was about to open the car door when that voice suddenly caught my attention. I frowned and followed where it was coming from.

"Bakit ba ang arte mo?! Normal lang naman 'to na ginagawa ng magka-relasyon."

Sumilip ako sa likod ng kotse na katabi ng akin upang kumpirmahin na tama ang hinala ko.

"Bitawan mo ako, please!"

My eyes widened when I saw how Aloha struggled to get out of her boyfriend's grip, who was trying to bring his face closer to hers.

"Rex, p-please... let me go!"

Hindi niya pa rin binibitawan si Aloha. Biglang nagdilim ang paningin ko at natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinugod ng suntok ang lalaki bago pa man dumapo ang labi nito kay Aloha.

He lay on the floor and I didn't hesitate to rush over to punch him. Nothing else comes to my mind but this boy is a jerk. Wala akong pakialam, gustong-gusto kong tanggalin ang bawat parte ng mukha niya.

"Diego!" I heard Aloha shout pero hindi ko siya pinakinggan.

How could he do that to Aloha? Wala siyang karapatang pagsamantalahan siya. Iniingatan ko si Aloha at nirerespeto ko siya tapos gaganunin niya lang? Hindi ba siya tinuruan ng nanay niya kung paano tratuhin ang mga babae?

Naramdaman kong may mga tao na ang umaawat sa akin but I didn't budge. This boy needs to be taught a lesson.

"Diego, tama na..."

I felt Aloha's arm hugging me at doon lang ako natauhan. My hand was full of blood and the boy was unconscious. I swallowed before standing up. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. I still have Aloha's arms. When I looked at her, she was also shocked and her cheeks were full of tears.

"Dalhin niyo agad 'yan sa clinic!" sigaw ng Principal. "Delgado and Velasco! Go to my office!" dagdag nito.

Doon ay pareho kaming bumalik sa wisyo ni Aloha. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Tahimik kaming naglakad papunta sa Principal's Office.

Naupo kami sa upuang nasa harap ni Principal Dichoso at magkatapat naman kami ni Aloha. Ang daming tanong ni Principal Dichoso at si Aloha ang sumagot ng lahat ng 'yon, samantalang tahimik lang akong nakatungo habang ang kamay ko ay may benda.

"Alam mo bang pwedeng-pwede kitang hindi pag-martsahin next week dahil sa ginawa mo, Delgado?" sabi nito at hindi ako sumagot. Ramdam ko ang mga mata ni Aloha sa akin, pareho silang naghihintay ng Principal sa sagot ko. "Aren't you going to say anything, Delgado?"

I took a deep breath. "Gawin niyo po kung ano ang nararapat." I simply said. Mahalaga sa akin ang graduation pero pagkatapos ng mga nangyari, hindi na iyon ang nasa isip ko ngayon. Parusahan na nila ako sa ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan.

Madami pang pangaral ang pinakawalan ni Principal Dichoso bago kami pinadala sa detention room. Mags-stay kami ni Aloha sa room na 'to hanggang sa mag-uwian ang ibang mga estudyante.

Pagpasok ko sa detention room ay hindi ko nakitang sumunod sa akin si Aloha, siguro ayaw niya talaga akong makasama. Pero sana pinauwi nalang siya ni Principal Dichoso dahil wala naman siyang kasalanan, siya ang biktima rito ng manyak na lalaking 'yon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit makikitid utak ng mga tao rito sa school pagdating sa ganitong issue.

Kulob ang loob ng room and there wasn't much furniture, there wasn't even a chair so I sat on the floor and thought. Inaalala ko kung anong nararamdaman ni Aloha ngayon. I'm sure, she's still shocked by what happened. I felt sorry for her. She doesn't deserve this, she deserves to be happy.

It was almost 20 minutes ago when the door of the detention room opened and Aloha entered. Ang buong akala ko ay nakauwi na siya. She sat on the floor next to me but left a little space between us.

Walang nagsalita sa amin pero nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin pero nanatili ang paningin ko sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Sobrang tahimik dahil walang nagsasalita sa aming dalawa.

Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko or kung paano ako magsisimula.

"Diego..." ilang minuto pa ang nakalipas bago niya binasag ang katahimikan. "I'm sorry... I'm really really sorry... puro perwisyo nalang ang naidudulot ko sa'yo," she said tearfully.

I looked up and looked at her. Tiredness was evident on her face and tears were forming in her eyes. I can't look at her like this, I want to hug her but I stop myself.

"Alam kong nag-iba na ang tingin mo sa akin, hindi ko naman kontrolado ang mga tumatakbo sa isip mo, e..." she said and swallowed. "But believe it or not... hindi ko kayang magsinungaling sa'yo. Lahat ng pinakita ko sa'yo, totoo... walang pagpapanggap."

I didn't say anything. I just kept looking into her eyes, I could clearly see how she was trying to stop her tears from falling.

"I've been true to you, Diego," she said. "And I was hurt because I thought, you already know me... n-na hindi mo kayang maniwala sa iba kasi mas makilala mo ako..."

I didn't let her speak again because I immediately locked her in my arms. "I'm sorry..." I said and then she started to cry. I stroked her back and kissed her head. "I'm so sorry..."

Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay muli akong nakabalik sa tahanan ko. Wala na akong pakialam sa mga nagdaang pangyayari dahil ang importante sa akin ngayon ay nandito na ulit siya.

"I'm sorry, let's fix this... I don't want us to stay in this situation. It's making me insane." I said as I released her from my arms.

She nodded and smiled. I wiped her tears using my hand and cupped both of her cheeks with my palm.

"I missed you.... so much." I said and kissed her forehead. I looked at her. "Are you feeling good now?"

She smiled. "Feeling better... don't leave."

I nodded. "I won't... I'll stay by your side as long as you want."

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now