Kabanata 34

1 0 0
                                    

Kabanata 34

Sa mga sumunod na araw, napapadalas ang pagbisita ni Diego sa ward 16. Madalas din siyang nagdadala ng pagkain sa office ko, ang kulit niya talaga. Pakiramdam ko nga, ang personality na pagiging makulit ang na-develop sa kaniya sa mga nagdaang taon.

"Nakita niyo ba siya? Ang gwapo 'no?"

"Sila ba ni Dra. Velasco? Lagi siyang nagdadala ng pagkain sa office niya, e."

Habang naglalakad ako sa hallway ay agad na naagaw ng atenyon ko ang mga nurse na nag-uusap.

"Baka naman relative sila o di kaya magkaibigan lang?" one suggested, trying to make sense of it all. "Kasal kaya si Dra. Velasco?"

"Malay natin," mahina namang sabi ng isa. "Saka kamamatay lang asawa niya."

"Edi may pag-asa pa pala ako kung magkataon." tumawa naman ito.

Umayos ako mula sa pagkakatayo at tumikhim dahilan para malipat ang atensyon nila sa akin. Agad na sumeryoso ang mukha nila nang makita ako.

"Bakit nagkukumpulan kayo rito? Naka-duty kayo, diba?"

"Uh, we were just... um, talking about... the new schedules, Dra." kabadong sagot nila.

"We just wanted to make sure everyone was ready for the shift, Doc." napapayukong sabi naman ng isa.

I gave them a knowing look. "Well, let's get back to work." I said before walking away.

Akala ko tapos na ako sa phase ng chismisan tungkol sa aming dalawa ni Diego, hanggang dito pa rin ba naman? Dapat talaga hindi na kami nagkakasama ni Diego sa iisang lugar, e. Ang kulit niya kasi.

Sinulyapan ko ang phone ko upang tingnan kung may message si Desiree sa akin. Niyaya niya kasi ako mag-coffee. Pumayag naman ako pero sinabi ko na sa malapit lang para mabilis din agad akong makabalik ng hospital kung magkaroon man ng emergency.

When I saw a new notification, I quickly texted her that I was on my way. After that, I tidied myself up. As I walked toward the coffee shop, each step felt more excited about our catch-up. When I arrived at the coffee shop, I spotted her sitting in a corner. Agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Hi," bati ko at nakipag-beso sa kaniya. She was sipping an iced coffee while I ordered a cappuccino.

"Mabuti naman at nakalaya ka?" she chuckled, agad ko naman siyang tinarayan.

"Patient first," sabi ko at umupo sa harap niya.

"Diego's here... I mean, nakita ko siya noong isang araw lang." sabi niya na para bang excited pa siyang ibalita sa akin ang bagay na 'yon.

"I know." kalmadong sagot ko kaya lalo siyang nagulat.

"You knew? 'Di mo manlang chinika sa'kin?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di naman gano'n ka-importante para pag-usapan. Isa pa, masiyado akong busy sa hospital."

Bumuntong-hininga siya.

"Kumusta?"

"Kumusta ako? Or kumusta ang naging pagkikita namin?"

"Both." she took a sip of her drink while her eyes still on mine.

"Sa unang pagkikita namin, inalok niya ako ng kasal." nanlaki ang mga mata niya kaya agad ko iyong dinugtungan. "But I refused, now he's making an effort."

Nanatiling gulat ang ekspresyon ng mukha niya. Alam kong hindi talaga kapani-paniwala dahil kahit ako ay ganoon din. Ni hindi ko nga inakala na babalik pa siya.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now