Kabanata 14

3 0 0
                                    

Kabanata 14

Our set up continued. We work together, we have lunch together at hinahatid ko siya kapag out na namin. She's only been at work for a week but I noticed that she's already close to the staff here. I'm not surprised, alam kong friendly talaga siya.

"Miss ko na mag-aral," she randomly said. We're having lunch with other staff.

"That's new." I replied.

"I don't miss school, I miss studying us together." she answered while focusing her attention on the food.

"We can study after work," I simply said. Hindi siya sumagot pero puno ng amusement ang mukha niya, nakangiti na naman siya gaya ng madalas kong makita sa kaniya.

Tinapos na namin ang pagkain para makabalik na rin sa trabaho. May ilang mga staff ang nagtataka kung paano kami naging close ni Aloha, knowing na hindi ako palakaibigan. But nakakausap nila si Aloha, I'm pretty sure na nai-chismiss na niya sa kanila kasi tumigil na rin sila sa pagtatanong. Hindi naman ako ang kinukulit nila, kundi si Aloha.

The whole afternoon, I was busy with papers Trina gave me, and I even took care of the deliveries that arrived. I didn't see Aloha much because I was in the employee area while she was on duty.

"Water?" I felt her presence, inabot niya sa akin ang isang bottled water. She smiled at me and I just smiled back. Lumabas din agad siya sa employee area, mukhang dumaan lang siya rito para iabot sa akin ang tubig.

Madilim na at malakas ang ulan nang umalis kami ni Aloha sa restaurant. Napagkasunduan namin na mag-stay muna siya sa apartment ko since marami ring nagsasabi na mataas na ang baha papunta sa kanila at may mga sasakyan na tumitirik. Mas malapit ang apartment ko sa restaurant and luckily, basa lang ang kalsada papunta roon.

Pagdating namin sa apartment ay nagluto ako agad ng soup as she requested dahil malamig ang panahon. Gusto niya pa ngang tumulong sa pagluluto pero hindi naman siya marunong kaya hindi ko na pinatulong.

"Ano feeling na nagt-trabaho habang graduating?" she asked, holding the remote. Nanonood kami ngayon ng movie na naguguluhan ako sa mga eksena, sabi niya tragedy dahil mahilig daw siya. "Naisip ko kasing ipagpatuloy ang pagw-working student hanggang college. Ayokong iasa kina Tita lahat,"

I turned my attention to her. "Well, it requires more diligence and persistence. Importanteng marunong kang mag-manage ng time." sagot ko. Kung hindi nagbago ang pagkakakilala ko sa kaniya, I would have thought that she wouldn't be able to handle it. But right now? I believe she can, because of her strong spirit.

"Tingin mo kakayanin ko?"

"Oo naman," I simply answered. "Kaya ngayon pa lang, practice being a good steward of your time."

She looks amused. "Dami ko talagang natututunan sa'yo, no? Hindi lang sa acads, but also being practical in life."

I shrugged. "Brought by being independent for three years."

Ngumuso siya. "Nagkakamali ka ba?"

"Bakit?"

"Ang perfect mo kasi," pabiro siyang umirap, bahagya naman akong natawa. "Alam mo, natatakot akong maraming makakilala sa'yo."

I frowned. "Why?"

"Baka kasi kapag nalaman nilang nage-exist ka, ma-echapwera nalang ako."

Bahagya ulit akong natawa. Ganito talaga siya ka-honest sa mga tumatakbo sa isip niya, she wouldn't be Aloha if she wasn't this brave. I wish I had the same courage to be honest about how I feel.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now