Kabanata 6

8 0 0
                                    

Kabanata 6

"Pakitabi nalang po rito," Aloha said to the Driver.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng kulay pulang gate. After we got off, she rang the doorbell and a woman who was probably in her mid-60s came out. Agad naman na nagmano si Aloha rito.

"Oh, napaano 'yang paa mo?" iyon agad unang napansin nito at napatingin sa akin.

"Good evening po," I greeted.

"Tita, si Diego po, ka-schoolmate ko," pagpapakilala ni Aloha sa'kin.

Ngumiti ito. "Halika, pasok kayo sa loob."

"Salamat po pero hindi na rin po ako magtatagal." I said.

"Naku, nagkapagluto pa naman na rin ako ng hapunan,"

Tumingin sa'kin si Aloha. "Dito ka na mag-dinner." she said. "Bawi ko na rin. Para sa pagpayag mo na sa apartment mo tayo mag-aral."

Lumipat ang tingin ko sa Tita niya. She gave me a convincing look and smile. I do nothing and just shrugged.

"Nice, tara sa loob."

Hinila niya ang kamay ko pero hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay agad na niyang ininda ang paa.

"Are you okay?"

"Oo, tara na!"

Dahan-dahan siyang lumakad habang hawak pa rin nito ang kamay ko bilang suporta para hindi siya matumba. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad na inalok ng Tita niya ang sofa na malapit sa pintuan para makaupo kami roon.

"Apat kami rito sa bahay. Driver ng taxi ang asawa ni Tita, mamaya pa ang uwi. Si Angela naman, pinsan ko, nasa kwarto niya gumagawa ng assignment." sabi ni Aloha at tumango naman ako.

Iginala ko ang paningin, ang bahay nila ay sakto lang ang laki para sa isang pamilya na mayroong dalawang palapag. Malinis naman pero napakaraming gamit.

Maya-maya ay bumaba ang isang batang babae na bitbit ang isang notebook. Hindi maipinta ang mukha nito nang makababa pero nang mapatingin sa direksyon namin ni Aloha ay umaliwalas ang mukha niya.

"Hi Ate!" bati nito kay Aloha at humalik sa pisngi. "Hirap ng assignment ko," sabi at napakamot sa ulo.

"Sige, gawin natin 'yan mamaya." sagot ni Aloha at ngumiti naman ang bata.

"Hi," bati nito nang mapatingin sa akin. "Klasmeyt ka ni Ate Aloha?" tanong niya.

"Hindi, kaibigan 'yan ni Ate,"sabi niya sa bata at tumingin sa 'kin. "Si Angela," she said and smiled awkwardly at me. Hindi ko alam kung ano ang irerespond ko, so I did the same.

"Kain na tayo," her Aunt from the kitchen.

Tumayo ako agad para alalayang makatayo si Aloha pero bago ko pa man gawin 'yon ay nakatayo na siya at humawak sa magkabilang balikat ni Angela.

"Tara," sumenyas siya sa'kin at wala naman akong nagawa kundi ang magkibit-balikat na lamang at sumunod sa kaniya.

I don't know how to act around the two of us.  She seems to be a different blend ever since we arrived. Maybe I'm just used to her loud voice and mischievous behavior? I don't know.

"Ako na po riyan, Ta." she said. Kinuha niya ang panandok ng kanin at ulam.

Kaldereta ang niluto ng Tita niya at mukha nga itong masarap kung titingnan.

"Kain kana," aniya nang maipagsandok niya ako ng kanin at ulam.

"Thanks." nahihiyang sabi ko.

Beyond the Heart's GraspWhere stories live. Discover now