𝑷𝒓𝒐𝒍𝒐𝒈𝒖𝒆

2.9K 71 52
                                    

Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng tulog dahil sa biglaang pagbuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng tulog dahil sa biglaang pagbuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ko.

"Ano ba!---"

Marahas akong napatingin sa kung sinong walang hiyang nagbuhos ng tubig sa akin ng ganito kaaga, only to see the person I least expected to see standing in front of me right now, Sei-jey.

He was dressed in a standard Fire and Rescue Department (FRD) uniform. A black and red-orange. The fabric hugged his broad shoulders. Below are well-fitted trousers and shiny boots.

Rinig kong nagwawala ang puso ko nang tumambad ang gwapong mukha nito na nakadungaw sa akin. Teka, bakit siya nandito?

This must be a dream—

Nabalik ako sa reyalidad nang binuhos nito ang natirang tubig sa akin. Inis akong napabangon sa higaan ko.

"Kitang-kita ko yung dibdib mo!" reklamo niya habang inabot ang basang kumot at itinakip sa katawan ko.

"Mag bra ka babae!" usal niya.

Ibinaba ko ang tingin ko at tama nga siya. Kitang-kita ang bundok ko lalo na't see through ang isinuot kong damit. 'Sus, kung makareklamo 'to parang hindi siya 'yong nag buhos sa 'kin.

"Ba't ka ba nandito tapos mambubulabog ng ganito kaaga? May duty ka 'di ba?" iritang tanong ko sa kaniya habang niyayakap ko ang sarili ko, ngayon ay ramdam kong nilalamig na ako.

He's grinning at me at hindi man lang sinagot ang tanong ko. Parang walang narinig.

"Bakit ka pa tulog? 'Di ba may training kayo?" tanong niya pabalik. "Come on, Avy, you don't want to know what happens if you're late for training!"

Kung kanina ay nalilito ako sa biglaang pagtambad niya sa harapan ko at sa kung bakit siya nandito, ang gulat ko ngayon ay napalitan ng kaba nang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.

Sumulyap ako sa alarm clock na nasa bedside table bago napagtantong...

"Pakshet! late na ako!"

Narinig ko pang tumawa si Sei-jey, naiinis pa man ay hindi ko na ito pinansin at dali-daling tumayo sa higaan. Kinalkal ko ang closet ko para kunin ang activity uniform ko.

Tumama sa akin ang isang basang unan nang itinaas ko na sana ang damit ko para maghubad at magbihis.

"Alam mong nandito pa ako 'di ba?"

Ramdam kong nakatingin sa akin si Sei-jey, pero dahil sobrang nagmamadali na ako ay hindi na ako makapag-isip nang maayos. Pakiramdam ko, nasa panganib ang buhay ko pagdating ko sa station ngayon dahil late na ako. Hayss!

"Lumabas ka kasi, ako pa mag-aadjust ngayon!" sermon ko rito.

"Mauuna na ako sa labas, dalian mo." Narinig ko na ang yapak nito palabas ng kwarto ko.

Burned in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon