𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑿𝑽𝑰𝑰

366 36 30
                                    

"Kailan ba ang balik ni Captain?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kailan ba ang balik ni Captain?"

Napatigil ako sa pag-inom ng kape ko dahil sa narinig kong usapan ng mga interns sa gilid.

"I heard he's still on leave because of the investigation," sumagot ang isa. "The IAU is handling it. The result will be out soon."

"Anong mangyayari kay Captain? Suspension kaya talaga ang magiging disciplinary action niya?" tanong naman ng isa.

"Hindi masususpend si Captain!" suway sa kanila ni Angel para matahimik silang lahat.

Napatahimik na lang ako habang mahigpit ang hawak sa mug ko. Wala pang one week kaya wala pang resulta.

Alam kong lahat sila rito sa station ay nag-aalala kay Sei-jey.

"Attention all units, attention to all units! We have a code red at the Chemical X Plantation on Highway 15. Reports of a major fire with possible hazardous materials involved. Firefighters, respond immediately. I repeat, respond immediately."

Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin dahil sa biglang pag-breakout ng emergency alarm sa station.

"All units are on this, move!" Aidan command. Siya ang naging acting Captain namin in case na may emergency habang wala pa si Sei-jey.

Mabilis kaming nagsitakbuhan sa gear room at isunuot ang coat, pants, boots, helmets, gloves, at kinuha ang SCBA at radios namin.

The usual adrenaline rushing towards the whole squad. Hanggang sa makasakay na kami sa truck at mabilis na pumunta sa area.

Tumambad sa'min ang umaapoy na planta. Kitang-kita ang maitim na usok na bumabalot sa itaas at amoy na amoy sa hangin ang iba't ibang kemikal kahit pa nakasuot na kami ng mask.

It was terrifying to looked at.

Rinig na rinig ang ingay sa paligid dahil sa nagkakaguluhang mga trabahante at tao.

"This is Fire Lieutenant Aidan Callejo from Station 1. We’ve arrived on the scene. We need more resource units," ani Aidan habang kausap ang dispatcher sa radyo, ina-assess niya ang sitwasyon ng lugar.

"Copy that, Fire Lieutenant Callejo.  I have you on scene. Other units are en route, including Station 5 and Station 7. The estimated time of arrival is about 15 minutes. Please proceed with caution."

"Roger that. We’ll coordinate with the team and keep you updated on our progress. Aidan out."

Ibinaba na niya ang radyo habang napaharap sa nasusunog na planta bago humarap sa amin.

"Agguero, Ymiñez, secure the perimeter. I want a clear route for the evac. Kailangang mailabas ang lahat bago pa sumabog 'to. Nasa side na 'yan ang chemical storage, 'yan ang danger zone natin. Pag tuluyang umabot ang apoy r'yan ay baka parang bombang sasabog, move now!" he commanded.

Burned in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon