I stood shoulder to shoulder with the squad while holding the heavy hose. The flames nearly under control. Hindi ganoon kalaki ang sunog sa naging mission namin ngayon.
My body seems moved on autopilot, parang naging kabisado na nito ang gagawin. I keep glancing on Sei-jey who's few feet away from me. Abala ito sa pagbibigay ng command sa mga kasama ko. Mas umalingawngaw pa ang boses nito sa tainga ko kumpara sa ingay na nangyayari sa paligid ko.
Sinundan ko ito ng tingin nang binuhat ang isang ale na nagkasugat sa may tuhod. Ang gwapo niyang tingnan. Laging seryoso ang itsura niya, but even then, I could see the traces of exhaustion.
He's been busy lately.
'Yon ang nasa utak ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang hindi isiping nagalit ito sa akin. Hindi man lang niya ako kinausap ulit pagkatapos ng nangyari. Hindi ko alam kung makaramdam ba ako ng guilty dahil doon o magtatampo.
Magtatampo? Sa kaniya?
How could I? Hindi ito nanuyo at mukhang hindi nga nagustuhan ang ginawa ko. Nakakapanibago iyon. Marahil ganoon siya ka dedicated sa trabaho niya. Lagi naman niyang sinasabi na bawal magkamali.
My grip on the hose tightened. Nilingon ako nito, dahilan kung bakit tila tumigil ang lahat sa paligid ko. Agad na hinanap ng mata ko ang reaksiyon niya, ang emosyon sa mga mata niya, pero hindi ko ito mabasa.
"Avery!" tawag nito na siyang nagpahinto sa akin. Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag ako. Parang ngayon ko lang muling narinig ang boses niya.
Ewan ko ba kung bakit ako napapatigil. Na-miss ko siya. Na-miss ko ang boses niya.
I blinked, startled, realizing I had been staring at him for who knows how long. May inuutos ito, pero pinapakinggan ko lang ang boses niya at tila ba hindi ko naiintindihan lahat ng sinabi niya.
Pero hindi pa rin ako natinag. Para akong naging tuod sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan lang siya na halatang nagtataka na kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ko. Hinayaan ko lang. Naisip ko na... if I waited a little longer, maybe... just maybe, he'd walk over. Na-miss ko na kasi talaga itong lumapit sa akin.
And he did. Irita itong lumapit sa pwesto ko. Ang seryoso niyang naglakad habang nakatingin nang diretso sa akin. Kumabog ang dibdib ko. Ngumingiti na ako sa utak ko.
Nakatitig pa rin ako sa kaniya nang tuluyan na itong lumapit sa 'kin. I smell his scent. Is it weird if I felt like I want to hug him right now?
May kung anong masakit sa puso ko, na-miss ko talaga siya.
"I said, adjust your position by two meters..." narinig ko sa sermon niya. Napatigil ito nang magtama ang mata namin.
Bahagya siyang nagulat. Tinikom nito ang bibig niya at nahinto sa pagsasalita. Lumapit pa ito sa akin at kung may anong kinulikot. Ilang saglit lang iyon at umatras na ulit ito bago bumalik sa pwesto niya.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomansaAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...