𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑿𝑿

418 34 34
                                    

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Sei-jey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Sei-jey. Wala ito sa opisina niya at wala rin sa ground. Marahan kong pinihit ang pintuan ng kwarto niya sa bunk room.

I scanned his figure inside. Nothing.

Still, he's not there.

Napabuntong hininga ako, ni hindi ako ginising nito kaninang umaga sa apartment ko.

"Si Captain ba hinanahanap mo?"

Bahagya akong napatalon dahil sa gulat. Napalingon ako sa likod ko at nakita si Logan na bahagyang sumilip sa kwarto tulad ng ginagawa ko.

Maya-maya pa ay umayos ito ng tayo habang hindi inalis ang ngiti na nakaguhit sa labi niya. Ganoon lagi ang itsura nito, friendly simula una pa lang. His FRD delta uniform was neat as always.

"H-huh? Ahm ano..." Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko alam ang irarason. Hindi pa nila alam na kami na ng Captain, hindi ko naman alam paano sabihin 'yon o baka nahalata na nila dahil sa pagyakap ni Sei-jey sa'kin noong nasa hospital.

Napakagat ako ng ibabang labi ko sabay pikit. Bakit parang nap-pressure pa ako ro'n? Para tuloy akong teenager, tapos mga kuya ko 'yong buong squad at hindi ko alam kung anong anong magiging reaksiyon nila pag nalaman nilang boyfriend ko 'yong tropa nila.

Pero kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala sa 'min ni Sei-jey hanggang ngayon.

"Wala siya sa office ngayon, mukhang nabusy si Captain. May inaasikaso na naman 'yon," paliwanang ni Logan.

Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tsk, 'yong isang 'yon. Hindi man lang ako inupdate!

"Mukha nga..." Napatango-tango na lang ako.

"Bakit?" curious na tanong ni Logan habang nagsimula kaming maglakad sa may corridor.

Wala lang, namiss ko lang 'yong Captain natin.

Pwede bang ganoon 'yong isagot ko? Napatawa na lang ako sa utak ko dahil sa inisip kong 'yon.

"Just updating about the position—" napatigil ako sa pagsasalita at napaharap kay Logan.

Natigilan ako dahil hindi ko dapat sinabi 'yon. Dad called me on his office today. Gustong niyang pag-usapan ang pagiging interim supervisor ko. Ibig sabihin noon, magiging temporary appointed Supervisor ako dahil wala na si Aidan habang inaantay 'yong magiging bagong supervisor.

Kaya lang, sa station namin, the choices are between me and Logan since we both hold rank. We are both officers. The rest of the squads are firefighters and recruits, they are under training at wala ng mas qualified kundi nasa aming dalawa lang.

Logan’s smile faltered slightly nang napansin niyang napatigil ako "The director called you?"

Napatingin ako sa mata nito. He's too innocent. Ayokong isipin niyang more personal over professionalism ang ginawang pag appoint ni dad sa'kin kahit temporarily lang 'yon. Deserve niya rin naman kung sakaling may promotion na para sa position as supervisor.

Burned in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon