Naalimpungutan ako nang naramdamang may humahawak sa kamay ko. Dinilat ko ang mata ko para tingnan kung ano 'yon.
Tumambad sa 'kin si Sei-jey habang hinahawakan ng kamay niya ang kamay ko at pinugpog ito ng halik. Habang ang kabilang kamay niya ay ang naging unan ko buong gabi.
Niyakap ako nito buong magdamag, binabantayan akong matulog. Pero how can I? Kung grabe 'yong pakilig na ginawa niya?
"Good morning, love," bati niya habang nakangiti pa rin sa 'kin.
Naramdaman ko pa ang hininga niya sa kamay ko dahil hinahalikan niya pa rin 'yon.
Hindi na napawi ang ngiti niya simula no'ng naghalikan kami.
Kumabog na naman ang dibdib ko 'pag naalala ko ang tungkol do'n. Napatingin ako sa mata niya at bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Pero ano? Anong sabi niya? Love?
Biglang iginiya ni Sei-jey ang ulo ko palapit sa kaniya bago ako binigyan ng halik sa noo. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat.
Parang nanaginip ako! Pero totoo!
Maya-maya pa ay bumangon ito at nag-unat. Agad na kumunot ang noo ko dahil akala ko ay hahalikan ako nito.
Wait? What? Inisip ko talaga 'yon?
"Saan ka pupunta?" tarantang tanong ko nang makitang tumayo ito.
Napalingon si Sei-jey sa 'kin.
"Maliligo, love," sagot niya.
Napatango-tango na lang ako. Lumapad ang ngisi nito sa 'kin bago bumalik sa kama. Pero hindi ito humiga kundi pumaibabaw sa'kin. Itinuko nito ang braso niya sa magkabilang gilid ko, para bang kinukulong ako.
Now he's looking at me while grinning. Parang nabasa nito ang isip ko kanina.
"Don't worry, love" malambing na sabi ni Sei-jey. "We'll cuddle when I'm done with my shower."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.
"Shut up," nahihiyang sabi ko.
"I love you more," he replied. Still teasing me pero malambing pa rin ang tono ng boses nito.
Tinawanan lang ako nito bago tumayo ulit at pumunta na sa banyo. Sinundan ko lang siya ng tingin habang napakapit sa puso ko.
Aatakihin na 'ata ako.
Hinila ko ang kumot papunta sa mukha ko. Napatili ako ng bahagya. Kung ganito parati ang umaga ko, ay talaga namang masarap mabuhay.
"Kinikilig ka na naman."
Agad akong napalingon at nakita si Sei-jey. Napatigil ako sa pagtili. Nakatayo ito habang may bitbit na tuwalya, mukhang bumalik ito dahil nakalimutan niyang kumuha no'n.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...