Ilang segundo akong nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ni dad dito sa headquarters.
Kumakabog ang dibdib ko, parang hindi na 'ata ako kumalma dahil sa nangyari kagabi.
Huminga ako ng malalim sabay ayos ng suot kong uniporme bago pinihit ang pintuan ng opisina ni dad.
Sumalubong sa 'kin ang malamig na aircon ng opisina niya. Hindi ko alintana 'yon dahil kanina pa ako nanlalamig at pinagpapawisan sa kung anong sasabihin niya sa'kin.
Tumambad sa'kin ang ilang furnitures sa loob, sa may kanan ay makikita ang naglinyahang plaques, awards at commendations ni Dad.
SELVIO L. MONTIERO
FDR Director'Yon ang nakalagay sa desk name plate na nasa mesa niya. Doon, makikita si dad na nakaupo sa swivel chair, diretso ang likod habang may ginagawa sa mga naglalakihang tumpok ng papel. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatutok lang at patuloy sa pagpirma.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya. Bahagyang umingay ang tunog ng boots ko dahil sa pagtama nito sa tiles na sahig.
Tumayo ako ng tuwid bago itinaas ang kamay ko para sumaludo. "Good afternoon, sir!" may pormalidad na bati ko sa kaniya.
Napatingin ito saglit sa'kin bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya. "At ease," he muttered.
Tumayo na ulit ako ng matuwid. Kinuyom ko ang palad ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Ang dami ko pang tanong, kung bakit sa kaniya 'yong restau na 'yon? Kung bakit ang luto ko ang pinili niya? Na galit ba siya? Na maiintindihan niya ba ako, this time?
Pero mukhang napapaurong ako dahil parang gusto ko na lang kalimutan ang nangyari kagabi.
"D-dad..." tawag ko. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko. "Sorry."
Bahagya itong napahinto sa sinusulat niya. Napatingin lang ito sa papel, para bang napahinto dahil sa sinabi ko.
Lalo akong kinabahan dahil sa naging reaksyon ni Dad.
"Do you have any idea, kung ano ang pinasok mo kagabi?" seryosong tanong niya sa 'kin pero hindi pa rin ako tinitingnan. Alam kong na-disappoint ko siya.
"I wanted to give it a try..." mahinang tugon ko, bahagyang nanginig ang boses ko.
Padabog nitong ibinaba ang ballpen niya bago napatingin sa 'kin. That usual cold stare.
Nasanay na ako sa tingin niyang iyon, pero natatakot pa rin ako.
"You're distracted, Avery!" saad niya, bakas sa tono nito na galit siya.
Napayuko ako, lalo kong kinuyom ang kamay ko dahil sa sinabi niya. I already expected this to happen.
"You need to understand where your priorities lie. If you keep this up, you'll never amount to anything in this field," he added.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
Любовные романыAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...