𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑰𝑽

1.5K 51 52
                                    

"Captain, may problema tayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Captain, may problema tayo. Hindi na'tin kayang i-stabilize ang mga kotse nang sabay-sabay, kukulangin 'yong equipment," Aidan reported.

Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang sitwasyon ng ni-report na irirescue namin ngayong araw. Hindi ko ineexpect na gano'n kalala.

Nagkabungguan ang dalawang kotse—ang SUV at isang Taxi. Pareho itong nasa gilid ng tulay, malapit ng mahulog. Nang magsalpukan ang dalawang kotse nahagip pa nito ang kalapit na isa pang kotse— isang Sedan, na ngayon ay bumaliktad sa gitna ng daan.

Sa hindi kalayuan ay ang natumbang motorsiklo at nakahandusay na driver nito. Base sa natanggap na report namin, ito ang dahilan kung bakit may salpukan na nangyari sa tatlong kotse dahil lasing ang nagmamaneho ng motor na iyon.

"Unahing i-stabilize 'yong kotse na may pamilya sa loob! Lubid 'yong gamitin sa Taxi para pigilan ang pagkahulog" Sei-jey ordered, his voice cutting through the chaos.

Kumuha na ito ng mga equipment at mukhang ang SUV ang uunahin niya dahil madami ang kailangang iligtas.

"Aidan!" Sei-jey called.

"Captain!" alertong sagot sa kaniya ni Aidan

"You're in charge of the flipped car," he ordered again.

Dali-daling pinuntahan nila Aidan ang kotse na nasa gitna, basag-basag ang salamin at masasabing ang sama ng pagkabunggo nito. Na-stuck pa ang driver nito kaya nahihirapang ilabas agad.

Napatingin si Sei-jey sa ikatlong kotse, looking frustrated by the situation. Isang metro lang ang layo nito sa pangalawang kotse, na inaassist nila Aidan.

"Ako na ang bahala ro'n," I said as I quickly ran over there.

"I need other officers here, naglileak 'yong oil!" rinig kong sigaw ni Aidan. Kita kong sinenyasan ni Sei-jey ang ibang mga firefighters na puntahan ang direksyon nila. Hindi ko na ito pinansin at abala sa Taxi na ngayon ay nasa harapan ko na.

The car's position was precarious, its wheels spinning in the air, barely clinging to the edge of the bridge. Binuksan ko ang pintuan nito sa likod at bahagyang dumungaw para tingnan kung ilan ang nasa loob.

"M-mahuhulog na ako! A-ayoko pang mamatay," natatarantang sabi no'ng driver habang mahigpit ang kapit sa braso ng isang babae na nasa passenger seat.

"Hindi kami makaalis," sabi ng babae. Pakiwari ko ay pasahero.

"H'wag muna kayong gumalaw, kami ang bahala," saad ko. Tumango ang babae, bakas sa mukha niya na natatakot na rin siya pero kalmado pa rin naman kumpara sa driver na ngayon ay nagsisimulang magdasal.

"Ayoko pang mamatay, ayoko pa, please please..." He pleaded.

Mabilis kong kinuha ang lubid para subukang i-stabilize ang kotse at agapan ang pagdaosdos nito. Itinali ko ito sa may likod ng sasakyan. Lumapit na rin si Logan para lagyan ng blocks ang gulong ng kotse at tulungan akong itali ang lupid sa may lamp post at railings ng tulay.

Burned in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon