"KAPE NIYO!"
Tawag ko sa squad. I carefully placed each cup on the table, lining them up.
Kinuha ko sa tray ang isang cup. Bahagya ko itong nilayo dahil para kay Sei-jey ang isang 'yon. Napangiti ako habang pinagmamasdan pa ito. Kitang-kita ang usok mula roon, mainit pa.
The squad started filing in. Gabe smiled, clapping me on the shoulder. "Kaya mahal ka namin, Supervisor eh," pambobola nito.
"Ikape mo na lang 'yan!" pang-aasar ko.
Logan grinned wide, taking his cup and nodding in appreciation.
"Bakit?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.
"Just how I like..." Napatingin ito sa 'kin. "Just how I like it," pagpapatuloy niya.
Napakunot ang noo ko. Kaniya-kaniya sila sa pagluha ng kape.
"Captain!"
Naging tuod ako sa kinatatayuan ko nang tawagin ni Gabe si Sei-jey.
Tulad ng iba ay napalingon ako pintuan ng mess hall at nakita roon si Sei-jey na mukhang napatigil. Napatingin na rin ito sa amin.
"Kape, Captain!" aya nila at pinakita pa ang dala-dala nilang baso ng kape.
Ewan ko ba, pero para akong kinabahan. Marahil ay ilang araw na rin simula nang hindi kami nagkausap. Natatakot ako na baka hindi na naman ako pansinin nito.
Marahan kong hinawakan ang kape na itinimpla ko para sa kaniya. Hindi ko pa man agad na nabuhat ang baso ay nagsalita ito.
"No, thanks," seryosong sabi niya.
"Pero pinagtimpla ka ni Montiero. Ay... para kay Captain ba 'yan?" pangungulit ni Gabe sa akin. Napansin 'ata nito ang hawak-hawak kong kape.
Napansin kong napatingin si Sei-jey sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin. Wala na, naiba na naman mood ko. Tinanggihan ba naman ako—tinanggihan 'yong kape ko.
"Kay Logan 'to," I lied.
Pinandilatan ako ng mata ni Logan. Nagulat yata ito lalo na't may kape na siyang hawak-hawak.
"Sabi mo dalawa sa 'yo 'di ba?" naiiritang sabi ko.
Sumulyap ako kay Sei-jey. Wala itong reaksyon. Malamig lang ang tingin niya habang nakatitig sa kapeng ibinigay ko kay Logan.
Nakakainis na siya! Bakit niya ba ako iniiwasan?
Pero nag-iba kaagad ang tingin ko nang mapansin ang hawak-hawak niyang supot. Kumunot ang noo ko. Maya-maya pa ay umalis na ito nang hindi man lang nagsalita.
Nanatili akong nandoon, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
He bought foods? Kailan ulit siya naggaganon?
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...