Burned in Silence just gained 4.4k reads, and we are very thankful to everyone who has read, voted, commented, and added this story to their reading list. Thank you for giving this story a chance and for patiently waiting for updates.
"Captain?"
Marahan akong napakatok sa pintuan ng office niya kahit nakabukas na ito. I'd been wondering why he had called me.
Nakita ko itong nakaupo lang habang abala sa pakikipaglaro sa pusa na iniligtas niya noong nakaraan. Nakakainggit na talaga ang pusang 'yan. Napatigil ito nang mapansing andito na ako.
"Ang tagal mo," saad niya bago iniangat ang tingin sa 'kin, a smirk curling at the corner of his lips.
Napalingon-lingon ako sa paligid namin para tingnan kung may ibang firefighters bago tumingin kay Sei-jey habang nakangisi.
"Miss mo'ko?" asar na tanong ko.
"Oo," he teased.
Napatahimik ako dahil sa sagot niya. Napaiwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko.
Damn. Alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin.
Tinawanan lang ako ni Sei-jey bago may papel na kinuha sa drawer at iniabot 'yon sa 'kin.
"Ano 'to?" takang tanong ko.
"Tingnan mo," malambing na sabi niya habang nakatingin sa 'kin na para bang inaantay ang magiging reaksyon ko pag nabasa ko ang nakasulat doon. "Perma mo na lang kulang, Avy," dagdag pa niya.
Perma? Ibinalik ko sa kaniya ang papel bago sumimangot.
"Kung divorce paper 'to, ayoko!" pag-iinarteng sabi ko. Ayoko pang makipag divorce sa soon to be husband ko. Pero hindi ko lang talaga alam kung ano ang nakasulat doon.
Kumunot ang noo niya. "Hindi divorce paper 'yan. Hindi naman tayo mag-asawa!"
Ouch! Grabe na talaga ang isang 'to. Napakamanhid! Paano ba ako nagkagusto sa kaniya?
"Asa ka namang magf-file ako ng divorce kung maasawa na kita," pabulong na sabi niya.
Pinanlakihan ko ito ng mata bago mahigpit na napahawak sa papel. He really knows how to shut me up.
Cancel 'yong tampo, gusto pala akong maasawa e. Hehe!
"Sa barako mo ba namang 'yan," pahabol na sabi niya habang nakangisi sa'kin. Halatang inaasar pa rin ako. Aba!
Sinamaan ko ito ng tingin. Pero nawala kaagad ang inis ko pagkatapos tingnan ang papel .
"Culinary training?" takang tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko as I scanned the content of the paper.
"Regalo ko sana sa birthday mo pero ang tagal ko kasing nakuha 'yan," paliwanag niya.
Napatitig ako sa papel, it's my inner child dream na matuto sa pagluluto. Alam kong alam niya 'yon.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...