I could barely see the road through my blurred vision. My feet pounding against the pavement as I run.
Pakiramdam ko, pinupunit ang puso. Tuluyan akong bumagsak sa mismong tapat ng apartment ko. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, naguguluhan ako pero isa lang ang alam ko, nasaktan ako sa sinabi niya.
Paano niya nasabi sa 'kin ang bagay na 'yon? Kailan niya pa ako tiningnan ng ganoon?
Pakiramdam ko, nanginig ang katawan ko sabay ng malakas na paghikbi ko. Nakayuko lang ako sa lupa habang walang tigil na pumapatak ang luha ko.
Kailan? Kailan niya pa naramdamang hindi niya pala ako mahal—hindi... mahal niya ba talaga ako? Bakit ganoon na lang ang ipinaramdam niya bigla sa 'kin?
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, pero nabigo ako. Hindi ko na napigilang tuluyang pakawalan ang hagulgol ko. Ang daming tanong na sumasagi sa isip ko kahit ang totoo ay hindi ko pa lubos na naproseso lahat ng nangyari. Ang lahat ng sinabi ni Sei-jey.
I cried harder, my hands gripping my arms as my body trembled. Niyakap ko ang tuhod ko. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong tumahan pero ayaw ng sarili ko. Ngayon lang ito nangyari sa amin. Ngayon ko lang nakitang nagkakaganoon si Sei-jey. Ngayon niya lang ako pinagsalitaan ng ganoon.
"Avery!"
Hindi ko napansing nasa gilid ko na pala si Logan. I was too lost at the moment, too consumed by the weight of it all. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaaharap ako sa kaniya.
Nagtama ang mata namin dahilan para makita niya kung paano ako umiyak. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" natatarantang tanong sa 'kin ni Logan.
I barely registered his words. Parang wala akong narinig kun'di tanging tunog lang ng malakas kong hikbi.
"Avery! May nangyari ba?" Logan’s voice was filled with panic, and he was speaking quickly, his words tumbling over each other.
Sinubukan kong sagutin siya pero walang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko, nanuyo ang lalamunan ko. Bakas sa mukha ni Logan na lalo itong nag-aalala dahil sa nakikita niya ngayon.
"Hushh, calm down Avery," pagpapatahan niya sa akin. Mahigpit pa rin ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat ko.
Halatang nataranta ito habang pinagmamasdan ako. Iniangat niya ang kamay niya, pero hindi niya alam kung ano'ng gagawin para tumigil ako sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...