"Every time firefighters head out on a mission, there’s one thing we need to be prepared for above all else—getting people out of dangerous situations. Kasi buhay ang unang unang nakasalalay sa 'tin. Their lives depend on how quickly and safely we can evacuate them.”
Diretso lang ang tingin ng mga interns kay Aidan habang nagsasalita ito sa harapan nila.
"It’s not just about dragging someone out. You need to know how to carry someone who might be injured, unconscious, or too weak to move on their own," dagdag pa ni Aidan at ngayon ay palakad-lakad sa harap nila.
Napatango-tango ang mga interns, nakikinig pa rin kay Aidan. As usual, nasa gilid lang kaming ibang officers habang pinagmamasdan lang sila. May alam na kami sa mga tinuturo ni Aidan dahil part na iyon ng routine training namin bilang firefighters.
"There are different methods for carrying someone, depending on their injury or situation. You’ve got your standard fireman’s carry, the shoulder drag, and for lighter victims, the cradle or bridal carry," paliwanag ni Aidan, iniisa isa niya pa ito habang parang nagbibilang sa kamay niya. "You’ll need to assess the situation fast and choose the method that works best."
Napatango na naman ang interns habang seryoso pa rin silang lahat sa pakikinig. Seryoso rin akong nakatingin pa rin sa kanila.
"Montiero?"
Agad na napakunot ang noo ko nang tinawag ako ni Aidan.
Ako na naman ang nakita niya.
Ngumisi ito ng nakakaloko sa 'kin. Pumunta ako sa harapan at alam na agad kung ano ang gusto nitong gawin ko.
"Sino ang papartner kay Avy para sa demonstration?" tanong ni Aidan habang ibinaling uli ang tingin sa ilang mga kasama ko.
"Ako, Supervisor!"
Mabilis na humakbang si Logan habang itinaas ang kamay niya. Napatingin ang mga interns habang lumapit ito sa harap.
Nginitian ko si Logan ng nasa harap ko na siya.
"Uh, okay! I’ll carry Avery—"
Hindi pa man siya nakatapos sa pagsasalita ay kinuha ko na ang braso nito para ilagay sa leeg ko bago inangat ang mga paa niya. Now, I'm carrying Logan in a bridal way habang diretso lang ang tingin sa mga interns na nasa harapan namin.
Bakas sa mukha nila ang gulat na parang natatawa dahil sa naging senaryo naming dalawa.
"Wha—!" Logan blurted out. Napatingin ako sa kaniya na ikinataas ng kilay ko. Bakit siya namumula? Marahil ay nahihiya ang isang 'to.
Hindi mapigilang humagalpak ng tawa ang mga interns, ganoon rin ang ibang officers. Halatang natutuwa sa nangyayari.
Hindi makapagsalita si Aidan habang nakatingin lang sa 'kin.
Napahinto silang lahat sa pagtawa nang bumukas ang pintuan ng training room at iniluwa doon si Sei-jey.
"What's with the commotion—" Napahinto ito sa pagsasalita nang makita kami sa harapan. Kitang-kita kung paano saglit na napaawang ang bibig niya bago napalitan ng pag-igting ng panga niya at pagkunot ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...