I pushed the cart down the aisle of the grocery store. Excitement bubbled inside me habang hinahanap ang ingredients na kakailanganin ko.
I keep thinking of what I need. Parang naging listahan ito sa utak ko. Napahinto ako nang mapadpad ako sa baking aisle.
Napangiti ako bago hinila ang cart ko papunta roon. May iilang tao ring nandoon para mamili. I quickly reached for a large bag of all-purpose flour.
"Perfect," I uttered to myself. Naiimagine ko na kaagad ang magiging itsura ng cake na gagawin ko. Dapat maging malambot ito.
Next, I grabbed a container of granulated sugar. Okay, sweet parang ako lang. Natawa ako sa utak ko nang maisip ko 'yon.
Tingnan natin kung hindi niya pa rin ako kakausapin kapag natikman niya ang gagawin ko. I scanned the shelves, searching for baking powder. Then, my fingers brushed against a small jar after I found it.
Napangiti ulit ako bago ito inilagay sa cart ko. Kumuha na rin ako ng cocoa powder. Gusto kong chocolate ang maging flavor ng gagawin kong cake. Velvet 'yong dating.
After that, I headed to another area para maghanap ng itlog. Nauubusan na kasi ako nito sa apartment dahil madalas iyon ang convenient para ulamin araw-araw.
Kumuha na rin ako ng butter at iba pang kakailanganin kong sangkap. Halos mapuno na 'yong cart ko, pero kulang pa iyon.
"Supervisor!"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Logan. Nakangiti itong tiningnan ako habang may hila-hila ring cart. Mukhang namimili rin ito.
"Logan," bati ko habang tuluyang inilagay ang mga kinuha ko sa cart ko.
"Ang dami niyan ah," aniya bago napatingin sa cart ko. "Magb-bake ka ba?" pabirong tanong niya, pero nahulaan kaagad nito ang gagawin ko.
Marahan akong napatango. Sumabay ito sa akin habang hila-hila namin ang kaniya-kaniya naming cart.
"Chocolate?" tanong niya. Ang kulit nito, napansin niya pa talaga ang cocoa na kinuha ko at ilang chocolates na nasa cart.
"Oo," tipid na sagot ko sabay ngiti, panay pa rin nag tingin sa naka-display.
"Wow!" initeresadong saad niya. Para itong humanga sa simpleng sagot ko.
"Gusto niya kasi ng chocolate kaysa sa ibang flavor," pagkukwento ko. Napakagat kaagad ako ng ibabang labi ko para huminto sa pagsasalita.
They didn't know we were close. They didn't know it was his birthday. They didn't know his favorites, likes, and dislikes, but I knew him very well.
Gustong-gusto niya ang chocolate kaysa sa ibang flavor ng icing. Aside sa gusto niya iyon ay hindi ito na-spoiled ng mama niya na kumain ng chocolate. That's what his inner child wants.
Pinilit kong huwag ngumiti nang maalala ko kahit ang simpleng detalyeng iyon. Matagal na niyang sinabi iyon sa akin. Ito lang din ang unang pagkakataon na gagawan ko siya ng gusto niyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...