Napahimas ako sa braso na bahagyang nanakit ang muscles dahil sa push up kanina.
"Grabe siya sa'kin, aish!" angal ko habang papalabas ng station.
"Avery!"
Napalingon ako at nakita si Logan na papalabas na rin.
Logan Grey Ymiñez, he was tall with a friendly demeanor. Tulad ko ay isa itong fore officer. Maikli ang buhok nito at sobrang neat kung tingnan, laging nakangiti at friendly sa team namin.
"Oy!" I greeted.
"Pauwi ka na? Hatid na kita."
Tinanguhan ko lang ito bago kami nagsimulang maglakad. Panay pa rin ang himas ko sa braso ko.
"Napag-initan ka ata kanina," panimula niya. Alam ko na kaagad na si Sei-jey ang tinutukoy nito.
"Para namang hindi sanay," pabiro kong saad.
"Halata namang strikto yong bago nating captain diba? Akalain mo 'yon? Papalampasin sana ni Supervisor na nalate ka kanina pero si Captain gano'n ginawa sa'yo," daldal na sabi niya na para bang takot kay Sei-jey. "Imagine... first met pa lang 'yon ah. I think he'll be rigid. Tsaka alam mo ba?"
"Bakit?" tanong ko na para bang interesado, na para bang hindi ko pa kilala si Sei-jey, when in fact I know him better than anyone else.
"Ang ganda raw ng reputation niya sa Department. Narinig ko pa na naging paborito ito ng chief at isa siya sa mabilis at magaling sa trabaho kaya maaga siyang napromote," Logan's words about Sie-jey were filled with admiration, the kind of awe you'd expect when talking about a figure of authority. Tingin ko nagresearch siya tungkol kay Sei-jey.
Magaling talaga siya, of course, baby ko 'yon eh.
Napangisi ako sa tumatakbo sa utak ko. Kahit ako ay humahanga sa galing nito sa trabaho. Hindi 'yon maipagkakaila dahil lagi niyang sinasabi sa 'kin na pangarap niya talaga 'tong profession na 'to.
Mas hinahangaan ko siya higit pa sa paano siya hinahangaan ng iba. Ando'n ako e, simula noong bata pa lang kami hanggang ngayon.
"Pero mukha talagang hirap biruin si Captain," dagdag pa niya.
Napatawa ako sa sinabi nito, "Masasanay ka rin sa kaniya," aniko.
Nasanay na akong gano'n siya.
"Thanks for walking me back," saad ko nang nasa tapat na kami ng gate ng apartment ko.
"Anytime," sagot ni Logan as he flashed me a big smile. "Matulog ka na ng maaga, huwag ka ng malate bukas. Mag-iingat ka kay Captain, mahirap na baka pag-iinitan ka talaga noon," dagdag niya na ikinatawa ko.
Pag-iinitan?
Kung alam niya lang kung pa'no kami mag-asaran ng akala niyang sobrang seryoso at maangas naming Captain.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomanceAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...