Binuksan ni Sei-jey ang pintuan ng kotse niya, agad akong naupo sa passenger seat bago niya isinara ang pinto at umikot papuntang driver seat.
Tahimik akong sinundan siya ng tingin hanggang sa pagpasok at pag-upo niya.
Nakaramdam na naman ako ng pag-alala lalo na't hindi ko alam kung paano siya tinanong kanina.
Nag-aalala pa rin ako sa magiging resulta ng imbestigasyon.
"Anong klaseng titig 'yan?" pabirong tanong niya pero bakas sa tono ng boses na hindi ito ganoon kasigla.
Napakunot ang noo ko dahil napansin kong dumugo ang gilid ng labi niya. May sugat si Sei-jey.
"Who did that?" maawatoridad na tanong ko habang ipinako ang tingin ko roon.
He looked at his self at the rear view mirror of his car. He reached up and pressed his finger against the wound. Mukhang bago pa iyon.
"Nothing, just a scratch, Avy," palusot niya habang ngumiti sa akin.
Parang sinaksak ang puso ko habang tumingin sa paraan ng pagngiti niya.
Naiinis ako kung bakit nagawa niya pa akong ngitian kung kasalanan ko kung bakit nandito kami ngayon. Sobrang guilty ko pa rin.
"Was it Dad?" seryosong tanong ko sa kaniya. Halata sa tono ng boses ko na galit ako.
Pakiramdam ko, sasabog ako sa inis ngayong araw.
"Umuwi na tayo, Avy," malambing na sabi niya na para bang walang narinig. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Marahas akong napabuntong-hininga habang sinamaan siya ng tingin. Alam kong pinatawag si Sei-jey ni Dad sa opisina niya kanina pagkatapos ng interrogation.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila. Basta ang alam ko ay nagkasugat na ito sa gilid ng labi niya. Ano na naman kaya ang ginawa ni Dad.
"Sinaktan ka ba niya?" tanong ko ulit. Nagsalubong na ang kilay ko habang ipinako ang tingin sa mukha ni Sei-jey.
Ngumisi lang ito sa'kin, he's trying to lighten the mood. Pero hindi ako natinag dahil naiinis na ako.
"Umuwi na tayo," sabi niya ulit bago ako kinabitan ng seatbelt. Napabuntong-hininga ito nang mapansin ang reaksiyon ko.
Alam kong nababasa niya ako.
"I'll talk to Dad!" inis kong sambit bago tinanggal ang seatbelt.
Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng kotse niya pero i-nilock niya na ito.
I looked at him with annoyance.
Inabot nito ang balikat ko bago pinaayos ulit ako ng upo. Ikinabit niya ulit ang seatbelt sa akin.
"Avy..." tawag ni Sei-jey sa'kin.
Idiniin ako nito sa upuan na para bang sinisiguradong hindi ako bababa sa kotseng 'yon.
BINABASA MO ANG
Burned in Silence
RomansaAvery Montiero is a fire officer, driven by a sense of duty and by the expectations of her father. Though her profession as a firefighter is her duty, her true passion lies in cooking, a dream stifled by her father's strict prohibitions which silent...