Kabanata 1

3 1 0
                                    

Pagod na umuwi galing sa trabaho at halos hindi na siya makatayo sa labis na pagod. Kinuha niya ang pitaka at binilang ang kanyang pera nang may biglang kumatok sa kanyang pinto.

"Pasok." ani niya at binuksan nito ang pinto at bumungad sa kanya ang kapatid. "May kailangan ka ba Lily?"

"Ate, may project na naman kami sa school kailangan namin ng pambayad."

"Magkano ba?"

"Mga tatlong daan ate para sa isang project tapos mga anim na raan din para sa tatlong librong kailangan naming bayaran." sabi nito ng may pag-aalinlangan. Alam ng kapatid ang sakripisyong ginagawa ng ate para sa kanya at kahit nahihiya man syang humingi dito ay wala syang magagawa.

Tila pinagsakluban naman si Elena ng langit at lupa nang dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. "Hayaan mo Lily gagawan natin iyan ng paraan. Kailan ba dapat mabayaran iyan?"

"Bukas ko na kailangan iyong tatlong daan ate at sa susunod na linggo ko naman kailangang bayaran yong anim na raan."

"Sige, bibigyan kita ngayon ng tatlong daan at sa susunod na araw ko na lang ibibigay yong anim na raan. Medyo gipit din si ate ngayon." lintanya niya at ngumiti ng mapait. Hindi nya gustong mahirapan pa ang kapatid at magfocus nalang ito sa pag-aaral.

"Salamat po, ate." inabot niya kay Lily ang pera at tiningnang muli ang kanyang pitaka, wala na siyang allowance para sa susunod na mga araw.

Napabuntog hininga nalang sya sa sitwasyon. Hindi pa sumisikat ang araw ay bumiyahe na siya patungo sa kanyang pinagtatrabahuan. Dito sumalubong sa kanya ang mukha ng kanyang boss na puno ng kolorete. Mapula ang labi nito na parang sasalang sa pageant habang kumekembot ang bewang sa paglalakad.

"Elena, girl! Di ba naghahanap ka ng ibang raket? May irerekomenda ako sayo." sabi nito na may matinis sa boses pero halata naman na iniipit nya lang ito para magboses babae.

"Sige, ano ba yon? Siguraduhin mo lang na hindi yan iligal. Baka mapahamak ako diyan." tugon niya nang pabiro sa kanyang boss.

"Hindi, kilala ko ang may-ari at papasok ka lang naman bilang waitress doon sa bar, pang night shift. Maganda rin ang sweldo at gwapo pa iyong boss. Kyaa!' kinikilig na sabi ng bakla. Hindi niya napigilang mahampas din ang kanyang boss habang ngumingiti rin nang malaki. Labis nyang ipinagpapasalamat na narinig ng Panginoon ang dasal nya.

"Boss, pwede po ba akong mag-advance pay? May babayaran kasi si Lily sa school." pakiusap niya.

"No problem, girl. How much ba?"

"Pwede po bang mga two thousand boss?" sabi nya. Nilunok nya ang lahat ng hiya at pride dahil kailangan. Tumango naman ang kanyang boss at kumuha ito ng pera sa kanyang wallet. Ibinilang nya ang pera. "Hala boss, sobra naman po itong binigay niyo."

"It's okay, I love your sister. Nag-aaral naman siya nang mabuti, kaya laban girl!" hindi niya mapigilang maiyak at yakapin ang kanyang boss.

"Uy girl, hindi tayo talo." tugon nito ng patawa. Sobra ang pasasalamat niya dito at napagtanto niyang napakaswerte niya parin kahit sa dami ng mga pagsubok na pinagdaan niya sa buhay.

"Salamat Panginoon at binigyan mo ako ng pag-asa ulit." saad niya sa kanyang sarili. Sinimulan na niyang punasan ang mga lamesa at inayos ang mga upuan habang nakangiti parin ang mga labi dahil sa labis na tuwa.

Muntik na niyang makalimutan na kailangan niya pa palang bisitahin ang kayang ina na ngayon ay nasa rehab. Tiningnan niya ulit ang kanyang relo at naghanda na para sa kanyang pagbisita. Bumili muna siya ng pagkain, isang basket ng iba't-ibang uri ng prutas para ipasalubong. "Sana matuwa si mama dito."

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon