Kabanata 7

2 1 0
                                    

"Papatayin nila ako pag nagsalita ako."

"Ako ang papatay sayo pag hindi ka nagsalita." naiinis na sabi ng chief nila, si Vlad. Bago itong nadistino sa prisinto nila.

"Chief." sabi ni Christy at pumasok na sa interrogation room. "Ako ng bahala dito. Magpahinga ka muna."

Tinignan lang sya ni Vlad at tinapik ang balikat nya bago ito lumabas. May kabataan pa ito at halatang mainitin ang ulo pero mabuti naman itong tao. Sadyang may galit lang talaga ito sa mga kriminal lalo na pag dating sa droga, murder at human trafficking. Umupo si Christy sa silya at inilapag ang clipboard na may picture ng mga ebidensya. Napabunto-hininga syang napatignin kay Ben. "Ben, may pamilya ka ba?" paunang tanong nya rito dahilan upang magkasalubong ang mga mata nila.

"May asawa at anak ako." takot na nakaupo at nakaposas.

Tumango si Christy. "Saan sila ngayon?"

"Bakit ko naman sasabihin?" sabi na may halong pagdududa. Siguro ay hindi nito pinagkakatiwalaan ang mga pulis, pero nagawa itong magtiwala sa organisasyon nila habang hawak-hawak ang pamilya? Anong klase syang ama at asawa?

"Sige, ganito nalang. Ang sabi dito ay kasalukuyang nagtatrabaho ang asawa mo bilang nurse sa isang hospital at nag-aaral naman ang anak mo sa isang private school." inilapag nya ang picture ng dalawa sa harapan ni Ben na nanlulumo. "Alam ba nila?"

Hindi naman nakapagsalita si Ben at nakatitig lamang ang mga mata sa litrato. Halata ang pagsisisi at panghihinayang. Marami ng nakitang ganitong reaksyon ni Christy at hindi na ito bago sa kanya. Sobrang dami na na halos hindi na nya mabilang at matandaan. Marami na syang naipakulong at mga pamilyang nabigyan ng hustisya. Oo nga't naipakulong na nya ang mga may sala sa pagkamatay ng mga magulang ngunit may malaki itong organisasyon at hindi naman nya gusto na may madamay pa at matulad sa kanya kasi hindi naman biro ang sakit at pigkati ng mawalan ng pamilya.

"Hawak nila ang pamilya mo..." sabi ni Christy dahilan upang mapatingin si Ben sa kanya. "... kaya ka hindi makapagsalita."

"Oo, but what can you do? Hawak nila ang pulis!"

"Oo, siguro nga pero hindi lahat." inilapag nya ang cheke na may logo na nakita nya sa opisina nito sa lamesa. "Gusto mo bang kumalas sa organisasyon? Alam mo na hindi kailanman magiging ligtas ang pamilya mo. Mas pipiliin mo bang isakripisyo ang buhay nila?"

"Tutulungan mo ba ako?" sabi nito.

"Kung tutulungan mo ako." sabi naman ni Christy. "Let's make a deal in exchange for the safety of your family. Sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo."

Bumuntog-hininga si Ben at kinuha ang clipboard nya na may lamang impormasyon. "Grigorovich, isang malaking organisasyon. Mafia. May tatlong sangay ito; agila, ahas at leon na pinamumunuan ng mga Grigorovich."

"Russian? Base sa ahas na tattoo sa leeg mo, kasali ka sa pangalawa." sabi nito at tumango naman si Ben. Alam na nya ito ngunit hindi nya pa rin alam kung sino-sino ang mga leader ng masabing mafia organization.

"Tumatanggap lang ako ng utos mula sa nakakataas sa pamamagitan ng text pero hindi ko pa sila nanakita o nakilala man lang." sabi nito. Sinubukan na nilang i-trace ang lahat ng records sa telepono nito ngunit wala naman silang nakita. "Ang tanging alam ko lang ay may bar ang isang leader ng organisasyon pero bihira lang itong pumunta."

Bar? Perpektong lugar para sa droga. "Anong pangalan?"

"Lusty Tres."

Napabuntog hininga si Christy nang makarating sa apartment nito. Nagsalin sya ng malamig na tubig sa baso. Mabagsak nyang nilapag ito bago lantakan ang sandwich na dala nya galing sa trabaho. Ni wala na syang lakas para magluto pa. Umupo sya sa harap ng laptop at agad na hinanap sa internet ang sinabi ni Ben na bar. Sikat pala to at may maraming branches sa buong bansa. Kung minsan ay pumupunta ang may-ari nito, sigurado na nasa malapit lang ito nakatira. Sinubukan niyang humanap ng picture ng may-ari ng bar ngunit wala syang nakita, tanging pangalan lang nito na Tres. Walang apilido.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon