"Hindi ko inaakala na makiki-alam ka." sabi ni Christy na lalaking nasa harapan. Nandito sila ngyon sa isang coffee shop na hindi kalayuan sa bar na pinasukan nya dati. Nag-resign naman na sya kasi tapos na ang trabaho nya matapos maaresto si Dos at malaman ang lahat tungkol sa Grigorovich Mafia Group.
Ace Rosales Grigorovich. Kilala rin sa palayaw na Uno na may insignia na Agila. Sya ang nagmana sa lahat ng iligal na business ng pamilya nila bilang panganay na anak na naging sanhi ng hidwaan nila ng pangalawang kapatid na si si Dos o mas kilala bilang Niko. Matagal na nyang dinisband ang mafia at nanatili sa states upang asikasuhin ang maraming negosyo nito. Idinonate nya sa gobyerno ang lahat ng pera at nilinis ang pangalan. Kamakaylan lang ito umuwi sa bansa upang ayusin ang gulo ng mga kapatid. Sikat din ang taong ito sa industriya at kilala bilang isang napakagaling na negosyante. Libot halos sa buong mundo ang pangalan nito kaya aanhin nya ang mafia kung mas mayaman pa sya sa royal family?
Nikolai Rosales Grigorovich. Kilala rin sa palayaw na Dos na may insignia na Ahas. May malaki itong galit kay Uno dahil sa mana. Marami ang hindi umayon sa pagkawala ng grupo ni Uno kaya gumawa sya ng paraan upang makuha ang mga miyembro nito at mapasali sa kanya. Ito din ang dahilan upang makagawa sya ng mga crimen na hindi man lang nadudungisan ang pangalan. May pagtingin ito kay Elena na naging sanhi ng pagkamatay ng ama nito, si Arthur Cruz. Dahil din doon nakahanap ng lead si Christy at naaresto nya si Dos. Nakalukuyan namang pinaghahanap ang mga miyembro ng grupo ni Dos ng pulisya habang ito ay nakakulong. Patong-patong ang kaso nito ngunit wala ng magagawa ang mga tauhan nito na ilabas sya. May pagkabaliw din ito sa prinsipyo nito.
Tristan Rosales Grigorovich. Kilala rin sa palayaw na Tres na may insignia na Leon. May-ari ito ng Lusty Tres at iilan pang kilalang bar. Wala syang masyadong alam sa lalaki at kasalukuyan pa itong iniimbestigahan. Kailangan nila ng konkretong ibidensya na kasali ito sa mafia.
"I did it for Elena." sabi nito bago sumipsip sa kape.
Napasulyap naman si Christy sa babaeng nasa counter habang may inaasikasong kustomer bago bumalik ang paningin sa lalaking nasa harapan. "You like her, don't you?"
"She is my responsibility. My brother caused her many unfortunate events. Also, he is getting out of hand so I put him in place." sabi nito na walang halong emosyon sa boses. Hindi nakatakas sa mga mata nya ang pagtingin ng iilang mga babaeng napapadaan sa lalaki habang humahagikhik na parang kinikiling. Talaga namang napakagwapo ng lalaki, hindi nya ipagkakaila.
"Kaya mo binayaran ang witness?" tukoy ni Christy kay Tonyo. Binayaran ni Dos si Tonyo ng one hundred thousand para tumahimik pero bigla naman syang umikseka at binayaran ito ng one million para magsalita.
"I will not confess." sabi nito dahilan upang matawa sya. Ano man ang sasabihin mo ay magagamit ito laban sayo. Dahil ba ay pulis sya? O dahil ay galing ito sa mafia? Si Uno ang panginahing informant nila at tumulong kay Christy na ipakulong si Dos. Isang buwan na ang nakakalipas simula noon ngunit ito ang unang pagkakataon na makausap nya si Uno at magpasalamat dito.
"Ace." malambing na boses ang tumawag sa lalaki dahilan upang lumambot ang ekspresyon nito bago lumingon ay Elena. Napatanga nalang sya, nagulat sa bilis ng pagbabago ng emosyon. Nasaan na yung striktong lalaki na kausap nya kanina?
"Elena, are you done with your shift?" sabi nito at tumayo na tila nakalimutan na may kausap pa sya sa mesa. Para siyang naging invisible sa gitna ng paglalandian ng dalawa.
"Oo, pinaghintay pa kita." sabi ni Elena at kinuha naman ni Uno ang bag nito ng walang pag-aalinlangan.
"It's alright. Shall we eat before heading home?" sabi ni Uno na nagpataas ng kilay niya. Sobra naman ata to sa responsibilidad na sinabi ng binata.
BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
Storie d'amoreSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...