Hindi naglagal ay nalaman nya na totoo ngang nakalaya si Nikolai Rosales. Ito din ang tumawag sa kanya at nagdoor bell ng hating-gabi para iparating na nakalabas na sya ngunit bale wala naman ito sa kanya. Sinubukan na ni Christy na ireport ito sa nakakataas ngunit hindi naman na sila makiki-alam kasi legal na nakalabas talaga ito. At eto siya ngayon nasa loob ng apartment si Christy. Hindi na maalala ni Christy kung paano ito nangyari at nadatnan nya nalang ang lalaki na trespassing sa bahay nya.
"Wala ka bang bahay?" tanong nya rito habang nakalagay ang mga kamay sa beywang.
"You confiscated them, remember? Kaya dito muna ako." sabi nito habang prenteng nakaupo at may hawak-hawak na malaking bowl ng pagkain at may juice pa sa mesa. Nagtataka sya kung balik umaasta itong kaibigan niya na matagal na hindi nakikita. Sya ang nagpakulong dito ngunit para itong walang paki-alam. May nangyari ba dito sa loob ng isang buwang nasa bilangguan?
"Marami kang pera kaya maghotel ka nalang." sabi ni Christy. Labag ito sa kanya na may ibang tao sa bahay, lalo na at isa pa itong ex-convict. "Hindi ka welcome dito."
"Nagtitipid ako ngayon." sabay inom ang juice na parang sa kanya ang bahay. Wala man lang bang bahid ng kahihiyan ang katawan nito? Gusto nya sana itong ipaalam kay Uno ngunit ayaw nya namang bigyan pa ito ng problema ngayon na nagkakamabutihan sila ng kaibigang si Elena. Iniisip nya rin na baka hindi kayanin ni Elena na malaman na nakalabas si Dos.
"Ano ba ang kailangan mo sakin?"
Nakuha naman nito ang atensyon ni Niko at bigla itong napalingon sa kanya. "Call me Dos and also you have to pay me for putting me behind bars."
Natawa nalang si Christy. At ang kapal talaga, sya pa ang sinisi. "Sige nga. Kanino bang kasalanan na nakulong ka, ha?"
"Yours. So you have to pay. Hindi kita lulubayan."
"Sa pamamagitan ng pambubwesit sakin?"
"That's cheap. There's a better and legal way to keep you tied with me." sabi nito na may pang-aasar na ngiti. Nakaramdam sya ng kaba at napagpasyahan na hindi na muna sya kakausapin.
Napabuntog-hininga nalang si Christy sa lahat ng nakatambak na paperworks sa lamesa nya. Hindi naman mawala-wala sa isip si Dos na nandoon sa bahay at baka may ginagawa na naman itong ikakapahamak nya kaya hindi sya maka-concentrate. May biglang naglapag ng malamig na milktea sa mesa at nakitang si Vlad lang pala yun. "Nilibrehan ko na ang lahat. Nakakahiya naman kung ikaw lang ang iinom."
Nagfile sya ng leave para mabantayan ang lalaki sa bahay. Wala syang tiwala rito. Wala na syang magagawa sa kaso ni Dos at yon ang nagpapasalit sa ulo nya. Pagbukas nya ng apartment ay may mabagong amoy at music na sumalubong.
"You look so beautiful in white." kanta nito na nagpataas ang kilay nya nang makita si Dos na nagluluto sa kusina habang naka-apron. "And from now to my very last breath, this day I'll cherish. You look so beautiful in white. Tonight."
Mahina itong kumakanta habang sinasandok ang niluto sa isang plato. Hindi na ito nagulat nang makita sayang nakasandal habang nakatingin sa kanya. Ningitian sya nito dahilan upang mapaiwas sya ng tingin. May maganda pala itong boses. Humila ng upuan para doon sya paupuin. "Kain ka na, Officer. Ipinagluto kita."
Natatakam sya sa amoy ng pagkain ngunit pinigilan nya ang sarili. "Sinong nagsabi na mangialam ka sa kusina ko?"
"Come on, Officer. I'm a tenant here. It's the least I can do for living here free." sabi nito at hinila na sya paupo. Kumalam ang tyan nya habang nakatingin sa adobo sa mesa.
Nilunok nya nalang ang pride. Hindi nya alam kung magugulat ba sya o maiinis. Sobrang sarap ng pagkakaluto nito. Dahan-dahan lang syang kumain na parang hindi nya nagustuhan. "Pasado na."

BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
Lãng mạnSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...