"Lily, nandito na 'ko! May ibibgay ako sa'yo." sabi ni Elena pagbating ng bahay. "Gamitin mo 'tong perang ibinigay ni Angel para sa bayarin mo sa school. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa kanya ng personal mamaya ha?"
"Opo, ate. Salamat po." niyakap ang kanyang ate at lumabas na sa kwarto habang siya naman ay nakahiga sa kama sa sobrang pagod. Nakatulala siya, pinagmamasdan ang umiikot na ceiling fan.
Narinig niya ang pagdating ng isang motor. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Niko. Tila tumigil ang oras nang makita niya ang preskong mukha nito. Nakasuot ito ng leather jacket. Dumating na ang tanging tao na alam niyang masasandalan niya. Hindi niya inakalang magkakatagpo ang kanilang tingin nang bigla itong tumingala sa kanyang bintana at kumaway, sabay ngiti nang matamis. Kumaway din si Elena at nagulat silang dalawa nang may biglang pumatak sa noo ni Nikko, mainit-init pa at amoy dahon. Ipot pala ito ng ibon. Hindi mapigilang tumawa ni Elena at tila nalilito naman si Niko'ng hinawakan ang ipot.
"Ay, tae!" sigaw nito. "Eww. Malas naman!" tugon nito at tila babatuhin pa ang ibong tumae sa kanya. Narinig ni Niko ang halakhak ni Elena at tila nabunutan naman siya ng tinik dahil napatawa niya ito.
Sinalubong siya ni Elena sa labas at may dala-dala itong tuwalya at pinunasan ang kanyang noo. Ddug ddug. Sigaw ng puso ni Niko. Bigla siyang naestatwa habang namumula ang kanyang pisngi. Pinigilan niya ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng dalaga. Hindi niya mapigilang ilapit ang kanyang mukha dito. Naeengganyo siya sa natural na amoy nito ngunit biglang lumabas si Lily sa kwarto at sinalubong si Niko.
"Kuya, nasaan ang pasalubong ko?" masiglang tanong ni Lily.
Binigyan naman ni Niko ng paper bag si Lily na may lamang regalo. "Advance happy birthday, Lily."
Biglag niyakap ni Lily ang binata bago tumakbo pabalik sa kanyang kwaro. "Thank you, kuya!"
"Naku, di ka na dapat nag-abala pa." tugon naman ni Elena.
"Maliit na bagay lang naman yon at tsaka deserve naman ni Lily na mabigyan dahil napakasipag niya mag-aral. At tsaka mahal niya rin ang ate niya kagaya... ay basta. Gusto kong bigyan si Lily dahil may pera pa naman ako. Huwag kang mag-alala, di kita sisilingin para dun." napangiti naman si Elena sa rason nito.
"Sige, pasok ka. Magpahinga ka muna dun sa sala." ani ni Elena. "Anong gusto mo juice, kape?"
"Ikaw." sabi ni Niko habang nakatitig sa kanya.
"Ha?" tanong ni Elena na may bahid ng pagkagulat.
"Sabi ko ikaw bahala."
"Ay, sus palusot. Sabihin mo na lang na gusto mo ko." pabirong saad nito at tumawa lamang si Niko. Sinabi ito ni Elena ngunit hindi niya alam kung totoo ba talaga o pabiro lamang ang sinabi ni Niko o baka may pagtingin talaga ito sa kanya.
"Balita ko may bagong raket ka dun sa bar malapit sa dating cafe na pinagtatrabahuan mo." tumango lamang si Elena kay Niko. "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na tutulungan kita sa mga problema mo. Hindi mo na kailangang magtrabaho ng doble-doble pa."
"Nahihiya na kasi ako dahil sa dami na ng naitulong mo sa amin." inilapag nito sa lamesa ang juice at pandesal.
"Bakit ka ba mahihiya eh para naman na tayong pamilya. Hindi na kayo iba sa akin. Alam mo naman na delikado ang magtrabaho sa bar. Hindi naman lahat ng oras ay nasa tabi mo ako."
"Hindi naman." hindi nya magawang sabihin sa kaibigan ang nangyari dahil alam nya na mas lalo itong kokontra sa kanya.
Ininom nito ang juice. "Kamusta naman? Kailan ka nagsimula? Saang bar? Anong pangalan?"

BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
RomansaSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...