Simula

5 1 0
                                    

Makulimlim na kalangitan na tila nakikiramay sa puot na nadarama habang dahang-dahang pumapatak ang mga butil ng ulan na masakit sa balat na parang mga karayom, ngunit lahat ng iyon ay tila hindi pansin ng babaeng umiiyak sa gitna ng kalsada habang kalong-kalong ang malamig na katawan ng kanyang minamahal na ama. Pumapatak ang mainit na luha, ni hindi man lang magawang tumayo at magpasilong, nanginging na mga kamay habang nanunuot ang lamig sa kanyang kalamnan.

Tinignan nya ang mukha ng kanyang ama na nasa bisig na tila natutulog lamang. Dugo'y dumadaloy sa kalsada, minamansahan ang purong puti na kanyang suot, habang sumasama ito sa agos at pagbuhos ng ulan. Parang may kung anong tumutusok sa kanyang dibdib at tumatagos, tumatarak papunta sa kanyang humahapdi at nagdurugong puso dahilan upang bumuhos ang nag-uumapaw na sakit na nadarama, ni hindi magawang maitago ng ulan ang iyak ng kanyang pighati.

Lahat ng taong nakakita ay hindi magawang lumapit at tumulong dahil sa labis na takot matapos marinig ang umaalingawngaw na putok ng mga baril. Napuno ng mga ingay ang paligid mula sa tunog ng mga seren ng pulis at ambulansya. Nagkagulo ang lahat sa kanilang nasaksihan.

Saglit na napagmasdan nya ang kanyang ina na hindi maipinta ang mukha habang nakasalampak sa kalsada, basa at nababalot ng putik. Ang mga mata'y puno ng emosyon habang bumubuhos ang mga luha, ni hindi antala ang sakit at pasa sa tuhod habang dahan-dahang gumagapang at lumalapit sa asawa.

"Ma'am, ano po bang nangyari dito? Nakatanggap nalang po kami ng report na may nagbarilan." ani ng medya ngunit tila isa syang bingi na hindi naririnig ang mga sinasabi nito.

Patuloy sa paghikbi ang kanyang ina, kahit anong gawin ng kanilang mga kapitbahay upang patayuin ay hindi ito magawang kumalma. Dahil sa labis na sakit, habang mahigpit na nakahawak sa kanyang dibdib ay bigla nalang itong nawalan ng malay.

Nabigyan sya ng lakas na tumayo nang may humintong ambulansya sa kanyang harapan. Hindi nya magawang bitawan ang kanyang ama at sumisigaw habang inaalalayan ito papasok sa sasakyan kasama ang walang malay na ina. Saglit na nagtagpo ang kanilang paningin sa lalaking hindi nya kilala. Nakasuot ito ng itim, matangkad at may dumaan sa kanyang mata na nakakasilaw. Isang baril?

Napatingin sya sa kalsadang puno ng dugo. Hindi nya alam kung bakit nya pinulot ang baril ng kanyang ama at itinutok sa kanyang sintido. Nagsama ang init at lamig ng kanyang luha at ng ulan habang umaapaw ang emosyon na kanyang nararamdaman. Tila naging blanko ang kanyang isip at unti-unting nawawalan ng saysay ng kanyang buhay. Gusto na nyang mawala ang sakit na nararamdaman.

"Elena!" May biglag umagaw sa baril. "Ano ba? Gumising ka! Kumalma ka!" Biglang may mahigpit na bisig na yumakap sa kanya. Tila lahat ng naradama ay biglang nawala nang maramdaman ang init ng bisig ng kababata.

"Niko, hindi ko alam ang gagawin ko." iyak nya.

"Tumahan kana. Alalahanin mo ang kapatid mo." ani nito ng mahinahon dahilan upang magising sya. Pinunasan nito ang pisngi ng babae at niyakap muli ng mahigpit.

Napasulyap ulit sya sa lalaking nakaitim ngunit wala na ito sa kinatatayuan. Hindi alam ng babae na napasulyap din ang kanyang kababata. Matalim nitong tinignan ang mamahaling sasakyan na nakapadara sa may unahan. Hindi nya kita ang nasa loob ngunit alam nya kung sino ito. 

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon