Kabanata 15

2 0 0
                                    

"Good morning." bungad sa kanya ni Tres habang nakahiga pa siya sa kama. Napasarap ang tulog nito at hindi pa nais bumangon.

"Here's your breakfast." saad ni Tres habang ipinatong sa makeshift table ang agahan ni Victoria. Tinulungan naman siya nitong bumangon.

"Five more minutes, please." sabi ni Victoria sa binata habang nakasenyas ang kamay. Hinawakan naman ng binata ang kamay nito at hinalikan.

"You need to wake up na. It's already 9:00 in the morning. Your company has called for you." tugon naman ng binata sa malambing na boses. Hindi na nagawang umimik ni Victoria at ngumiti na lang ng matamis sa binata. Sinimulan na niyang kumain at akmang susubuan naman siya ni Tres nang titigan niya ito nang matalim.

"Come on. I'm not a kid." tugon pa ni Victoria. Napatawa na lang si Tres dahil sa sinabi ng dalaga.

"You can take a shower once you're done." sabi naman ng binata at hinalikan sa noo si Victoria. Lumabas naman ng kwarto si Tres at iniwan si Victoria na nag-aagahan pa. Magkatapos ng ilang sandali ay natapos na si Victoria sa pagbibihis. Biglang tumunog ang kanyang telepono at nakatanggap siya ng inaasahang tawag.

"Good morning, Miss Vee." bati ng kausap.

"Yes, Claire." tugon naman ni Victoria. Si Claire ang kanyang secretary sa Agust Pictures, ang kompanyang pagmamay-ari niya.

"There's an urgent meeting po regarding sa mga shareholders. Nandito na po silang lahat hinihintay kayo." saad ni Claire.

"Alright. I'll be there." matipid nitong sagot. Lumabas na si Victoria sa kwarto at dumungaw sa kanya ang binatang si Tres na nakapormal din ang suot.

"Hatid na kita." saad ng binata.

Tumango lang si Victoria at pumasok na sa sasakyan nito. Habang binabaybay nila ang daan ay nais sana ni Tres na magkaroon ng pagkakataon na tanungin si Victoria tungkol sa biglaang proposal nito sa kanya no'ng nasa mansion sila. Ngunit nawala ang sigla nito nang masulyapan si Victoria na may kausap na naman sa telepono.

"Tell them to start the audition for the main roles as well as the supporting leads. Make sure that the production team is prepared to make it possible. I'll be right there. I'm on my way, already." tugon ng dalaga sa kausap.

Makalipas ang ilang saglit ay dumating na sila sa kompanya ni Victoria, ang Agust Pictures. Napakalaki ng buong building at may helipad sa rooftop kung saan nakaparada ang emergency aircraft ni Victoria.

"Thanks, Bal." saad ng dalaga pagkatapos lumabas sa sasakyan.

"Let's make it fast. Naghihintay na sila ." sabi ng binata habang sinarasarado ang pinto kung saan lumabas ang dalaga.

"Alright." tugon ng dalaga nang may ngiti sa labi. Pumasok na sila sa building at sinalubong agad sila ng mga empleyado. Bumati ang mga ito sa kanila at tumugon din naman sila ng ngiti at mga pagbati. Nakarating na sila sa elevator at doon ay pinindot ni Tres ang ninth floor, kung saan nakatalaga ang conference room na pupuntahan ni Victoria.

"We're here." sabi ng binata at magkasabay na pumunta kasana si Victoria sa conference room.

Hindi mawari ng dalaga kung anong nais gawin ng binata dahil kanina pa ito ngiti ng ngiti kapag magkasalubong ang kanilang titig. Hindi pa man sila nakarating sa conference room ay sinalubong na agad sila ni Claire, ang secretary ni Victoria.

"Good morning, Miss Vee and Sir Tristan." bati nito at binuksan ang pinto ng conference room.

Tumayo naman ang lahat at binati si Victoria. "Sit down."

"Let's begin." panimula naman niya. Nasulyapan naman ni Tres si Clark na nakaupo malapit kay Victoria. Sakto namang may bakanteng upuan na katabi nito at dito niya napiling umupo.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon