"Ate, may family day kami bukas. Alam kong busy ka, pero kapag may pagkakataon, pwede bang ikaw ang dumalo?" tanong ni Lily.
"Sige, Lily aabsent na lang ako bukas." sagot nito. Kinabukasan, sinundo ni Niko si Elena at Lily gamit ang sasakyan.
"Wow, ang ganda ng kotse mo kuya." masayang saad ni Lily.
"Hindi ko akalaing may ganito ka palang kotse." si Elena.
"Ibinilin to sa'kin ng kapatid ko."
"Sinong kapatid?"
"Iyong kapatid kong galing States."
"Ipakilala mo naman ako sa kapatid mo nang mapasalamatan ko siya nang maayos." tumawa lamang si Niko sa sinabi ni Elena.
"Sige, sa susunod kapag may pagkakataon."
Dumiretso na sila sa paaralan. Pribado ito upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral. Dito napiling paaralin ni Elena ang kanyang kapatid simula nang mamatay ang kanilang ama. Nag-aalala siya para sa kaligtasan nito kaya kahit na medyo mahal ang matrikula ay pinag-aral niya pa rin ito sa private school. Bumungad ang makulay na mga bandiritas. Napuno ng tawanan at halakhak ng mga bata ang paligid.
"Lily, ayos lang ba sa'yo na kami muna ng ate mo ang tatayong magulang mo?" tanong ni Niko. Tumango si Lily at napangiti. Napasulyap naman si Elena kay Lily at tinignan ang ekspresyon nito. Kung ito ba ay naiinggit sa mga kaklase nitong kumpleto ang pamilya. Napabuntong hininga na lamang siya at nabunutan ng tinik nang matingnan niyang ayos lang ang kanyang kapatid.
Sinalubong sila ng homeroom teacher nito at iginiya sila sa covered court. Narron ang mga palarong pambata gaya ng sack race, luksong-lubid, luksong-baka, newspaper dance, at talent portion para sa mga magulang. Napasali naman si Niko. Pumwesto si Elena sa harapan ng stage kasama si Lily habang hinihintay ang susunod na kandidato. Umupo ito sa gitna ng entablado habang inaayos ang microphone at gitara. Napuno ng mga bulungan ang mga paligid dahil sa kagwapuhan nito. Narinig naman ni Elena ang pag-uusap ng dalawang babae sa likod.
"Hala bes, ang gwapo niya." saad ng babae sa kanyang kaibigan.
"Sa tingin niyo may nobya na kaya iyan?" hirit pa nito.
"Iyong mga mag-asawa nga naghihiwalay, 'yong magkasintahan pa kaya? Tsaka kahit na may nobya pa iyan ay kaya naman ating yang agawin." saad ng babae sa kanyang kaibigan sabay halakhak.
"Psst. Huwag na kayong maingay nagsisimula na siya." sabi nito sa kaibigan sabay tili.
"I dedicate this song to the girl that I love the most. Hindi niya alam na may gusto ako sa kanya pero sana sa pamamagitan ng kantang ito ay malaman niya ang itinitibok ng puso ko." pagkatapos magsalita ni Niko ay napuno ng hiyawan ang gym.
Tanging si Elena lamang ang hindi umiimik at nagtataka kung sino kaya ang tinutukoy ni Niko na babae. Siguro napakaswerte nito kasi ang bait ni Niko at boyfriend material. Sinimulan ng patugtugin ni Niko ang gitara at halos mabingi si Elena sa sigawan na daig pa ang concert sa lakas nito.
"Kuya! Sa'kin ka nalang!" sigaw ng madla na halatang kinikilig. Nakatitig lamang si Elena kay Niko habang nakapikit ito, dumadama ang tugtog ng gitara. Parang lumilindol sa pagwawala ng mga tao.
"Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin." panimula nito sa kanyang kanta. Napakalamig at napakasarap sa tengang pakinggan ng boses nito. Ramdam na ramdam ang bawat liriko ng kanta. Kahit nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanya ay nakatitig lamang ito kay Elena. Nakangiti lamang din si Elena habang nakabidyu sa kanyang telepono. Hindi nya alam kung sino ang ibig-sabihin ni Niko.
"Mapupulang labi at matingkad mong ngiti." ngumiti ito ng matamis sa kanya habang hindi pinuputol ang titig. Parang may kung ano namang humaplos sa puso ni Elena.
![](https://img.wattpad.com/cover/375824608-288-k960264.jpg)
BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
RomanceSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...