Kabanata 6

1 1 0
                                    

"Lahat kayo, dapa! Mga kamay sa ulo!" sigaw nya at lahat naman ng mga tao ay nagulat dahil sa nakita habang nakatutok ang baril nya dito. "Huwag niyong subukang gumalaw! Mga pulis kami!"

Senenyasan nya ang mga kasama na pumasok sa loob. Amoy alak ang spa imbis na sabon at pabango. Maraming mga maliliit na pakete sa mesa at may putting powder na halatang ilegal na droga. Sinulyapan nya ang mga nakadapang mga tao na halos nakahubot-hubad. Napailing nalang sya sa nasaksihan. Kay bata pa ng mga ito ngunit marami ng kabalastugang ginagawa. Hindi pa man lumilipas ang sampung minuto ay lumabas ang mga kasama nya habang may hila-hilang tao na malaki ang tiyan at may ahas na tattoo sa leeg. May malalaking gintong alahas rin ito.

"Sir, maaari naman nating pag-usapan to. Ano bang gusto nyo? Pera?" sabi nito at dali-daling bumunot ng pera sa bulsa.

Lumapit sya sa lalaki at pinusasan ito. "Sa presinto ka nalang magpaliwanag. Dalhin nyo na yan."

Isinakay na ang lahat ng sangkot sa patrol habang nanatili naman sya kasama ang ilang pulis, imbestigador at isang detective. Nilibot nila ang lugar hanggang sa napunta sya sa isang opisina. Magara ang loob nito na may mamahaling gamit. Marami ring malalaking plastic ng droga na nasa mesa at may mga bundle ng sandamakmak na pera. May mamahaling alak at amoy ng malansa. Hindi na nya gustong malaman kung ano man ang ginagawa ng matabang lalaking iyon dito.

Lumapit sya sa mesa ngunit nakasarado ang mga drawer nito. Kinuha nya ang lockpick kit sa bulsa at sapilitan itong buniksan. Marami na namang pera at mga importanteng dokumento ang laman. Kinuha nya ito at kinalkal.

Karaniwan dito ay mga record ng shipping transaction ng mga iligal na droga na pumapasok at lumalabas sa bansa. Mga mamahaling sasakyan, mga bomba at armas, at marami pang iba na hindi dumadaan sa customs. May mahabang listahan din ng mga pangalan kasali na ang ilang korap na mga pulis, mga bigating astista, at pulitiko. Habang nagbabasa sya sa logbook ay napansin nya na may nahulog na isang piraso ng papel. May logo ito sa taas na letrang G. Walang anumang pangalan ang nakasulat dito pero pamilyar sa kanya ang logo. Tanging halaga lang ng binilyong pera ang nakasulat. Nakarinig sya ng mga yapak ng paa na papalapit kaya ipinasok nya ang cheke sa bulsa ng uniform. Bigla nyang naalala ang gabi kung saan nawala sa kanya ang lahat.

Naglalaro sya sa bakuran kasama ang alagang aso nang bigla siyang tinawag ng kanyang ina. "Anak, pasok ka muna.."

"Yes po, mommy." sabi nya at sumunod naman sa kanya ang alaga papasok sa bahay nila.

Hindi naman sila mayaman, hindi din naman mahirap. Yung sakto lang. Isang guro ang kanyang ina sa isang prestiyosong unibersidad habang ang kanyang ama naman ay isang magaling na pulis. Marami na itong nahuling mga kriminal at gusto nyang maging katulad ng ama nya paglaki na nakakatulong panatilihing ligtas ang mga tao at ang bansa. Itinuturi nyang mga bayani ang kanyang mga magulang. Bata pa lamang sya ay kita na nya ang pagmamahal ng mga ito sa kani-kanilang mga trabaho at labis nya itong hinahangaan. Kahit naman busy ang mga ito ay hindi parin nawawalan ng oras para sa kanya. Pakiramram nya ay sya na ang pinakamaswerte sa mundo kasi sila ang naging mga magulang nya.

"Nandito na ako." narinig nya ang boses ng ama.

"Daddy!" masaya syang tumakb,o silang dalawa ng kanyang aso upang salubungin ang ama na galing sa trabaho na agad naman syang kinarga at hinalikan sa pisngi.

"Kamusta ang prinsesa ko, ha?" sabi nito na may pangigigil habang natawa naman sya. "How's school?"

"Ayos naman po, daddy. I had fun at sinundo ako ni mommy at ni baby pag-uwi. Look." pabibo nyang sabi habang pinapakita ang nakatatak na maraming stars sa braso.

"Wow, ang galing talaga ng prinsesa ko. Mana sa daddy." sabi nito na may masayang ngiti sa labi.

"Nandito kana pala, Honey." dumating ang kanyang ina at kinalikan ang asawa sa labi. Mapatakip naman sya sa nasaksihan habang nakangiti kung gaano kaayos ang relasyon ng kanyang mga magulang.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon