Kabanata 12

1 0 0
                                    

Natapos ng mag-impake si Victoria para sa kanyang pag-alis ng bansa. Pupunta siya sa US para doon mag-training. Sakto namang nandun din ang kapatid ni Tres na si Uno. Malamang sa malamang ay magkikita sila nito. Magkalapit din ang loob nilang dalawa at parang kapatid din ang turingan.

Hindi naman malayo ang agwat ng kanilang edad at muntikan na rin silang maikasal ng kanilang mga pamilya. Buti na lang at matigas din ang ulo nitong Uno kung kaya't hindi ito natuloy sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam. Kinuha ni Victoria ang telepono nito na nakapatong sa lamesa at tinawagan ang kaibigan na naiwan niya kagabi.

"Hello, I'll be leaving the country this afternoon. Do you have time?" ngunit tila walang naririnig ang kabilang linya. "Hello?"

"Oh, I'm sorry. Ano nga ulit 'yon?" sagot naman ni Tres. Ramdam sa boses nito ang kalungkutang mararamdaman na pilit itinatago.

"Do you have time? I'll be leaving this afternoon. I need to go to the States. Can you take me to the airport?" saad nito sa binata. Ganito talaga silang dalawa. Hatid sundo ang isa't-isa. Mapamalayo man o sa malapit lang. Ngunit sa pagkakataong 'to ay tila matagal pa bago sila muling magkita.

"It's still 7:00 in the morning right now. Anong time ng flight mo?"

"Around 2:00 in the afternoon." maikling sagot ni Victoria.

"Alright, I'll be there right now." saad ni Tres.

"No, no. I'll be there at the usual place aside sa bar."

"Alright." naintindihan agad ng binata ang nais nitong ipahiwatig. Agad na pinaharurot nito ang kotse, papunta sa private race track na pagmamay-ari ng pamilya ng dalaga. Soon ay nagkita agad sila at sinalubong ang isa't-isa nang may mapang-asar na ngiti.

"You're late. Bal" kung 'Tres' ang tawag ng iba kay Tristan ay 'Bal' naman ang tawag ni Victoria sa kanya kapag sila lang dalawa.

"Shall we start?" saad ni Tres sa dalaga. Nagbihis agad ang dalawa ng pang racing suit at sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Agad na pinaharurot ang mga 'to at nagkarerahan. Kaunting mga staffs lamang ang nandoon dahil sa higpit ng seguridad. Nang matapos ang karera ay lumabas na sila sa kani-kanilang sasakyan.

"That was fun." sabi ng dalaga.

"Shall we do it again after some time?" ani ng binata habang nakatitig.

"Sure." tugon nito habang dahan-dahan na hinubad ang helmet dahilan para masilayan ng binata ang maamo nitong mukha.

Kahit pawisan na ay hindi mahahalata dahil sa awra na ibinigay nito. Napatampal naman ang binata sa kanyang pisngi dahil sa kanyang mga imahinasyon. Sunod namang hinubad ng binata ang kanyang suot na helmet at tumalikod. Nasilayan naman ng dalaga ang matikas nitong pangangatawan. "You look buff. You've been going to the gym na pala?"

Namula naman ang pisngi ng binata na tila hindi maaninag dahil sa buhok nito na nakatakip sa kanyang mukha. Inihawi naman nito ang buhok na parang superstar at kwelang sumagot. "Of course. I'm hot and I know it."

"Yuck. Whenever I give you compliments you always throw nonsense at me." napairap na lang ang dalaga.

"Ito naman hindi mabiro." saad nito sa dalaga Bigla namang tumunog ang telepono nito. "Hello? Oh yes, I'm currently around the area. I have something urgent. I want you to handle the company on my behalf. Thanks."

"You're always busy. Mas busy ka pa sakin, Vee." pabirong sabi.

"Yeah, it's always been like that. I actually have something t—" hindi na natapos ni Victoria ang nais niyang sabihin.

"Where's your fiance? Diba siya dapat ang maghahatid sa'yo papuntang airport?" tanong ni Tres.

"What fiance?" nanlaki naman ang mata ni Tres nang marinig ito. Hindi nito maitago ang ngiti sa labi sa sobrang galak.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon