Kabanata 10

2 1 0
                                    

"You seem to be living well with that officer of yours." kalmadong sabi nito habang umiinom ng vodka at nakadekwarto.

"Her name is Christy and I'm the only one who can call her that." matalim na sabi nya sa kapatid.

Tinitigan sya nito pero hindi na sya ang dati na natatakot kaagad sa mga matatalim na mga mata nito. "You've changed, Dos."

"Seems like you're also living well with Elena." sabi nya nya na nagpasama sa expresyon nito.

"Don't ever mention her name with that disgusting tongue of yours." sabi nito na may bahid ng pambabanta sa kanya dahilan upang mapangiti sya ng wala sa oras.

"You are just like me, brother. We are not so different after all. Don't worry. I've reflected on my wrong doings and already apologized to her."

Pagkalabas na pagkalabas nya sa kulungan ay si Elena ang una nyang pinuntahan at humingi sya ng tawad sa lahat ng ginawa nya. Hindi man sya mapatawad ng babae ay ang importante nasabi nya ito.

He was a fool and became an obsessed na hindi na nya nakikita ang tama sa mali. Sa isang buwan na nasa bilangguan sya ay doon nya napagtanto na sobrang laki ng kanyang kasalanan at para makabawi ay babayaran nya na sana ang lahat ng gastusin ng ina na nasa rehab ngunit binayaran na pala ito ni Ace kasama na ang lahat ng utang ng ama.

Wala na silang koneksyon ni Elena ngayon kasi may nagbabakod na dito. May sinusuyo naman na sya ngayon at gusto na nyang iwanan ang dating sarili para sa kanya.

"You think I didn't know?" sabi ni Niko sa gitna ng katahimikan. "You used Christy to get Elena and get me out of your way."

"As you said, we are not so different." Tinitigan sya ng nakakatandang kapatid at sumipsip sa baso nito. "Your method may be the quickest and easiest but mine is an assurance."

"You're more twisted than I am." hindi maipinta ang expression ni Dos. Tunay ngang iisa lang ang dugong dumadaloy sa mga ugat nila. Ginamit lang sya ng kapatid para sa isang babae.

"No. I'm using my brain, not the barbaric method that you knew."

Bigla nyang naalala si Christy. Ito yung babaeng nagpabalik sa bati nyang pagkatao. Yung makulit, masayahin, at mapang-asar. Hindi kailanman nilubayan ng babae ang isip nya at sa ilang linggong nakasama nya ito ay may kung anong emosyon ang nangibabaw sa kanya. Iba sa naramdaman nya para kay Elena.

Hindi nya alam kung kailan nagsimula at gustuhin nya mang magalit sa babae ay hindi nya magawa. Tila isa itong kandila na may apoy at sya naman isang insekto. Hindi nya mapigilang lumapit dito kahit alam nyang delikado at nakakaapaso. Natutuwa sya sa mga reaksyon ng babae kasi alam nyang may epekto sya dito. Iniisip pa lang nya ito ay napangiti na sya na parang baliw, ika nga ni Christy.

"How about Tristan?" tanong ng kapatid.

"I don't know. Pursuing Victoria maybe?" sagot naman nya. Wala na syang balita dito kasi busy sya sa sariling buhay.

"But she already has a fiance. What is he planning?"

Tres, katulad niya at ni Uno, ay gustong makuha ang lahat ng gusto nito. Dahil ba lumaki silang iba sa karaniwang mga tao kaya sila naging ganito? O baka ganito lang talaga ang lahi nila na nababaliw sa babae? Napatingin sya sa relo na nasa palapulsuhan. Nagulat sya nang makitang malapit na pala ang out ni Christy kaya bigla nalang syang napatayo at hinablot ang coat na nasa armrest. "I need to go."

Dali-dali nyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa istasyon na pinagtatrabahuan ng babae. Kung dati ay kinalikot nya ang kotse nito para masira at hindi umandar para masudo nya ito, ngayon naman ay nakasanayan na ng babae na sinusundo na sya.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon