Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other confesses and rejoices their intense passion together.
"Lily, are you ready?" kumatok si Elena sa pintuan ng kapatid.
"Yes po, ate. Saglit na lang po." tugon naman nito. Ngayon ang graduation day ni Lily sa high school at nais ni Elena na isorpresa ang kapatid kung kaya't naghire sila ng glam team para maayusan ito.
Halos hindi na makilala ni Lily ang sarili nang mapatingin ito sa salamin. Napakaganda niya at kamukhang-kamukha na niya ang ate niya. Ngumiti siya ng napakaganda at sinabi sa sarili. "Para sa'yo 'to ma, pa, ate."
Tumayo na siya at lumakad papalabas. Nagpasalamat muna siya sa mga tumulong na ayusan siya. Sinalubong siya ng kanyang ate at sabay silang bumaba ng hagdanan. Bumungad naman si Uno na nakapormal ang suot. May suot itong white long sleeves at dark colored blazer, belt, at slacks. Nakasuot din ito ng black leather dress shoes at naka side swept ang pagkakaayos ng buhok. Suot din nito ang isang rolex na isa sa mga koleksyon nito. Ang dalagang si Elena naman ay nakasuot ng dark grey puff sleeve dress na yumayakap sa hubog ng katawan nito at may kwintas sa leeg na regalo sa kanya ni Lily. Nakaheels din ito pero hindi gaano kataas. Napakaelegante niyang tingnan.
"Let's go." saad ni Uno. Sumakay na silang tatlo sa sasakyan ni Uno. Daghan-dahan lang ang pagmamaneho ni Uno hanggang sa nakarating sila sa venue ng graduation ni Lily.
Umupo na si Lily sa silay kung saan siya nakatalaga at naghintay naman sila Elena at Uno sa kabilang parte kung saan nakaupo ang mga guardian ng mga bata. Nagsimula na ang ceremony at pagkalipas ng sandali ay tinawag na ang pangalan ni Lily.
"Lily Cruz." saad ng homeroom teacher nito. "This award is given to Lily Cruz for her outstanding character portrayed throughout the semester." dagdag pa nito.
Tumayo naman si Lily at umakyat sa entablado. Tinanggap nito ang certificate at ngumiti sa photographer na kumukuha ng litrato. Kumaway naman siya kay Elena at ganoon ang ginawa ng dalaga. Halos mapaluha si Elena nang mapagtanto niya na malaki na talaga si Lily at magkokolehiyo na ito. Parang kailan lang noong bata pa ito at kalong-kalong niya bilang panganay sa kanilang dalawa.
Bago pa natapos ang seremonya ay nagpakuha muna silang tatlo ng litrato sa photographer. Nais itong ipadebelop ni Elena at isabit sa kanilang bahay. Tanda ito ng isang masayang araw. Pagkalabas nila sa venue ay dumungaw sa kanila sila Christy, Tres, at Victoria na parehong may dala-dalang regalo at bulaklak para kay Lily.
"For you, Lily." ani ni Victoria at ibinigay ang bouquet ng bulaklak na carnation.
"Ito naman para sa'yo, Lily." saad din ni Christy sabay bigay kay Lily ng isang maliit na kahon na may lamang customized necklace. Ang kwintas ay may litrato ni Lily, Elena, at ng kanilang ina. Hindi naman mapigilang mapaluha ni Lily dahil sa mga natanggap at lubos ang pasasalamat nito sa mga nagbigay sa kanya ng regalo.
"Invited nga pala kayo sa after-party mamaya." sabi naman ni Elena sa mga malapit na kaibigan.
"Of course, we'll be there." tugon naman ni Victoria.
Sumapit na ang hapon at dumating na ang mga bisita sa mansion nila Uno. Narito sila Christy, Tres, at Victoria. Hindi nakarating si Niko dahil may importante itong inaasikaso.
"Congrats, Lily." bati ni Lily kay Tres.
"Salamat, kuya." tugon naman nito.
"College life is waiting for you. Ano bang course ang gusto mong kunin?" seryosong tanong ni Tres.
"I want something that has to do with making films." ani nito nang may ngiti sa labi.
"Vee, can help you with that." payo ni Tres sa kanya.
"Talaga po?" masayang tanong ni Lily.
"Of course, I know a great school where you can enroll and besides you can work with me after you graduate ." saad ni Victoria habang pinaglalaruan ang wine glass.
Napuno ng tawanan at halakhak ang mansion ni Uno. "You can spend the night here if you want." saad ni Uno kay Tres habang nakatingin kay Victoria na nakikipag-usap pa kay Elena at Christy.
"I'd rather not disturb you. Besides, I want some privacy." seryosong tugon nito sa kapatid.
"Alright. It's your choice. Please take care of Vee." payo naman ni Uno sa kapatid.
"We're going home na." saad ni Victoria kay Elena sabay yakap dito. Niyakap naman ito pabalik ni Elena.
"It was so nice to spend some time with you, Vee. Take care." malambing na saad nito.
"Aalis na rin ako, Elena. Maaga pa pasok ko bukas sa istasyon." sambit ni Christy at niyakap si Elena.
"Sige, mag-ingat kayong dalawa." saad nito sa mga kaibigan.
"Thanks again, Elena." "Salamat, Elena." saad naman nina Victoria at Christy.
Pauwi na sana si Christy nang bigla siyang tanungin ni Victoria. "How's Niko?"
"He's coping very well and he's doing fine." sambit ni Christy.
"Alright. Gusto mo bang sumabay na sa'min?" tanong ni Victoria.
"It's fine. Salamat na lang pero may dala akong kotse." tugon nito.
"Oh, I see. Take care." malambing na tugon ni Victoria sa kaibigan.
"Goodbye, Vee." matipid na tugon ni Christy. Nauna na itong umalis dahil hinihintay pa ni Victoria si Tres na lumabas ng mansion. Malamig naman ang simoy ng hangin na dumampi sa balat nito pero hindi nito alintana ang lamig.
Dumating na si Tres at binigay nito ang suot na coat sa dalaga. "I'm fine. I'm not cold." tipid na tugon nito.
"Well I'm not fine seeing you wear something so thin in this cold weather." tugon naman ng binata. Napairap na lang si Victoria.
"Did I do something wrong?" tanong naman ng binata. Napailing na lang si Victoria.
"Let's go." saad ni Tres at binuksan ang pinto ng passenger seat para kay Victoria.
Pumasok na si Victoria at isinarado na ni Tres ang pinto. Pumasok naman din si Tres at pinaandar na ang kotse. Dahan-dahan lang ang pagbaybay nila sa daan dahil inabutan na sila ng gabi bago nakaalis.
Hindi naman namalayan ni Tres na nakatulog na pala si Victoria sa kotse nang dumating na sila sa bahay niya. Dahan-dahan siyang nagpark sa garahe at binuksan ang pinto. Kinarga niya si Victoria at pinagbuksan naman sila ng pintuan ng mga empleyado niya sa bahay.
"Goodnight, Vee." sambit ni Tres sa dalaga.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
RomanceSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...