"Alam mo ba kung bakit namatay ang ama mo?"
"Ikaw ba ang bumaril sa kanya?" nakatitig lamang si Elena sa matanda na parang gangster sa porma. Imbis na takot ay mga katanungan ang dumaig sa kanya. Kasalukuyan namang nasa tabi nya si Niko kaya kampante syang nakipag-usap sa suspek at may kasama naman silang mga pulis.
"Hindi ko ipagkakaila." sabi na parang pumatay lang ng langgam dahilan upang marahas na napatayo si Elena at sinungaban ang lalaki. Parang walang bahid na pagsisisi ang boses nito at kalmado lamang na nakaupo na mas lalong nagpagalit kay Elena.
"Walang hiya ka! Ano bang ginawa ng ama ko para patayin mo sya, ha?!" sigaw ni Elena. Ni hindi man lang tumulo ang mga luha nito sa labis na galit.
"Elena, kumalma ka." awat ni Niko sa kanya at pilit syang inilalayo sa matandang lalaki na prenteng nakaupo. "Tandaan mo, mababayaran nya rin ang ginawa nya ngayong nasa pulis na sya."
Napabuntog hininga nalang si Elena at bumalik sa pagkakaupo. Hindi sya makapaliwala na hindi nya napigilan ang sarili. Ang sama ng pagkakatitig nya kay Tonyo na parang papatayin na nya ito. "Magsalita ka."
Hindi alam ni Elena pero parang may bahid ng takot ang mga mata nito nang napasulyap ang matanda kay Niko. May kinalaman ba si Niko? O may alam ba sya sa nangyari?
"Grigorovich." sabi nya dahilan upang samaan sya ng tingin ni Niko na hindi naman nakatakas sa paningin ni Elena ngunit biglang tumawa ng malakas ang matanda dahilan upang nabaling ang atensyon nya dito. "Hindi mo ako magagalaw dito. Gusto mo bang makita ng babaeng to ang tunay mong kulay?"
Kumunot ang noo ni Elena sa sinabi ni Tonyo kay Niko. Tunay na kulay? Ano ba ang ibig nitong sabihin? Hindi halos maipinta ang mukha ni Niko.
Ipinakita nito ang malaking ahas na tattoo na halos sakop na ang buo nitong braso. "Ako si Tonyo. Isang myembro ng Grigorovich. Isa itong organisasyon na may kapit sa gobyerno at pulisya. Lumalakad ng ilegal na droga sa buong bansa, maging sa labas. Si Arthur, iyong ama, ay parte ng organisasyon."
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong nya. Ang buong akala nya ay pinatay ang kanyang ama dahil sa dami ng pinagkakautangan nito. Simula noong mamatay ang ama nya at nagkasakit ang ina ay siya na ang tumayong magulang sa kapatid, idinadaos ang araw sa katiting na sweldo habang binabayaran ang mga gastusin at utang ng ama. Hindi alintana ang pagod mabigyan nya lang ng magandang buhay ang kapatid at ang inang nasa rehab.
"Ija, sa tingin mo ba lahat ng nakikita mo ay totoo? Na lahat ng nararamdaman mo, lahat ng alam mo ay walang halong pangloloko?"
"Don't listen to him, Elema. Kriminal yan." sabi ni Niko.
"Ang sarili mo ba ang tinutukoy mo, Nikolai Rosales?" sabi ni tonyo kay Niko bago tumingn ulit kay Elena na nalilito na sa mga nangyayari. "Siguro ay hindi mo ako mapapaniwalaan pero yang kaibigan mong yan ay tulad ug tattoo sa braso ko. Isang ahas."
"Bakit napunta sa usapan natin si Niko?"
Ngumiti ng malaki si Tonyo at lumapit ng bahagya upang bumulong. "Sya... yang kaibigan mong yan ang nagpapatay sa tatay mo. Hindi mo ba sya pinagdudahan kahit konte? Bakit kaya sa tingin mo palagi syang nasa tabi? Kasi hindi nya gustong malaman mo na sya ang tunay na may sala."
Napalingon naman sya kay Niko na parang susuntukin na ang matanda anumang oras. Nakaramdam ng labis na pagkalito si Elena at hindi nya alam kung totoo ba talaga ang sinasabi nito.
"Makinig ka sakin. One hundred thousand pesos. Yan ang ibinayad nya sa mga naningil sayo, diba? Bakit nya kaya ginawa yon? At sino yung mga taong yon?" patuloy na sabi ni Tonyo.
"Shut up." mariin na sabi ni Niko sabay hampas sa mesa na ikinagulat ni Elena. Ngayon nya lang nakita ang ganoong expression sa mukha ng kaibigan. Parang hindi nya ito kilala.
BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
RomanceSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...