Kabanata 3

2 1 0
                                    

Nakatanggap si Elena ng report sa pulis sa kaso ng kanyang ama. Agad-agad niya itong pinuntahan kahit na pagod sa trabaho.

"Miss Cruz, may lead na kami kung sino ang suspek. Sa opisina nalang tayo mag-usap." sabi ng abogado ni Elena. Pinaupo siya nito at may inilapag na picture ng pinaghihinalaang suspek. Tanging likod lamang ang nakikita nito.

"Ito pa lamang ang tanging lead namin at ayon sa mga imbestigador tila mahihirapan tayong hulihin ang suspek dahil sangkot pa ito sa mga malalaking sindikato." sabi nito. Napaluha na lamang si Elena dahil kahit dalawang taon na ang nakalipas ay wala pa ring hustisya para sa kanyang mimanahal na ama.

"Sige po, maraming salamat. Sana may matinong update na po kayo sa susunod." lumabas na si Elena sa istasyon ng pulis nang may biglang tumawag sa kanya.

"Ma'am, nagwawala na naman ang nanay niyo at hinahanap ka. Pumunta po kayo dito ngayon." sabi ng caretaker sa hospital kung saan nakarehab ang nanay. Dali-daling pumunta si Elena sa hospital para dalawin ang nanay niya.

"Ano po bang nangyari?" tanong ni Elena sa caretaker.

"Nagwawala po siya kanina at hinahanap kayo. Medyo kumalma na po siya ngayon. Maaari na po kayong pumasok."

Pumasok si Elena sa kwarto at bumungad sa kanya ang ina niyang nakahiga sa kama nito at nakatulala. Biglang tumayo ang kanyang ina at niyakap siya. "Ma, nandito na po ako."

"Elena, ilabas mo na ko dito. Hindi naman ako baliw." saad nito ng may paghikbi.

"Huminahon ka ma, nandito lang ako hindi kita pababayaan." pagpapatahan nito sa kanyang ina. Nang huminahon na ay binantayan at pinakain niya muna bago pinatulog at umalis.

Pagkalabas niya ng hospital ay bigla siyang hinarangan ng tatlong lalaking nakaitim. Alam niya kung sino ang mga ito, mga taong pinagkautangan ng ama.

"Ilang buwan mo na akong hindi binabayaran. Marami na akong palugit na ibinigay sayo." sabi ng lalaki kay Elena.

"Pasensya na po talaga pero wala pa po akong pera ngayon."

"Talaga ba?! Ganyan din yong palusot mo sa akin nong nakaraan. Talaga bang wala kang pera o ayaw mo lang kaming bayaran?!" pasigaw na sabi ng lalaki dahilan upang mapatingin ang mga tao.

"Anong meron dito Elena? Ayos ka lang ba?" bigla namang dumating si Niko at tumango lang si Elena."Magkano ba an kailangan niang bayaran boss?"

"Mahigit fifty thousand kasama ang interes."

Walang pagdadalawang-isip na kumuha agad si Niko ng tseke sa kanyang pitaka at ibinigay ito sa lalaki. "I don't have any cash with me right now, but I can assure you that this is legit. You can check it on the bank." sabay hila kay Elena paalis. Huminto naman si Elena sa paglalakad at tinanong si Niko kung bakit niya ito ginawa.

"I know you have a lot of questions on your mind. Huwag kang mag-alala hindi kita sisingilin but if you insist, you can slowly pay me kahit aabutin pa yan ng twenty years. I am willing to wait for you." saad ni Niko at tumango na lamang si Elena.

"Gusto ko ng umuwi." sabi niya nang may mapait na ngiti.

Pagdating nila sa bahay ay sinalubong ni Lily ng yakap si Elena. "Kamusta ang lakad mo ate, kamusta na si mama?"

"Maayos naman si mama. Hindi na natin kailangang mag-alala, medyo maganda na ang kondsyon niya doon." at pinapasok ito sa kwarto. Nilingon nya ang kaibigan. "Dito ka nalang matulog."

"Basta tabi tayo."

"Ha?"

"Hatdog, sabi ko tabi tayo ng kwarto." pabirong saad naman nito at tumawa na lang si Elena.

"Ah, akala ko tabi tayo sa kwarto."

"Joke lang, uuwi rin ako ngayon. Dumating kasi ang kuya ko,"

"Kuya? Hindi mo nasabi sa akin na may kuya ka."

"May kuya ako, galing sa States. Ngayon lang siya nakauwi sa Pilipinas. Pasensya, kung hindi ko nabanggit sa iyo. Hindi mo rin naman kasi ako tinanong." tumawa ang binata.

"Sige, umuwi ka na. Salamat nga pala ulit." sabi ni Elena.

Dumating si Niko sa mansion at bumungad ang dalawang sports car, black ferrari at blue lamborghini. Tanging si Niko lamang ang nakamotor dahil hindi ito mahilig sa mga sasakyan. Meron naman siyang mga sasakyan ngunit mas marami pa rin ang koleksyon niya ng mga motor. Pumasok na siya sa mansion at sinalubong siya ng isang maid. "Good evening, sir Nikolai. They're upstairs."

Pinuntahan nya agad ang kanyang mga kapatid. Pumasok na siya sa kwarto at nakita ang mga itong nagbibilyar. Kinuha nya ang tako at pumunta sa isang gilid. "Why did you start without me?

Napairap si Tres at napansin ito ni Uno dahilan para tumawa ito. "Ang tagal mo kase para kang babae kung kumilos."

"Kaysa naman sa'yo na parang bakla. Puro babae kasi ang kasama mo, nagiging babae ka na rin." ani ni Niko at ibinato ang bote na hawak niya. Umilag naman si Tres dahilan upang muntik ng matamaan si Uno at mabasag ang bote sa pader.

"At least, lapitin ako ng mga babae, eh ikaw kahit nga yong crush mo eh hindi ka pinapansin." saad ni Tres na parang iniinsulto si Niko. Hinila ni Niko ang damit nito, pikon. Si Tres ay nangiinis na nakangiti. Biglang pumagitna si Uno at pinag-untog ang kanilang ulo. Sabay silang dumaing at nagkabukol sa noo.

"Aray! Ano ba?" sabay nilang sabi at lumingon kay Uno ngunit walang silang palag dito. Napatahimik na lamang silang dalawa.

"Sit down, you two. Para kayong mga bata. Ilang taon na ba kayo?" sarkastiko nitong sabi. Habang ramdam ni Niko ang kanyang bukol ay kumuha naman si Tres ng malamig na baso na may alak at itinapat ito sa kanyang bukol. Ginaya naman ito ni Niko.

"Akala ko ba sa susunod na buwan ka pa uuwi. Napaaga yata ang uwi mo." saad ni Tres.

"It's been five years since I left and what's this? Nikolai, I am aware of your crimes. Do you expect me to just sit and do nothing? And you Tristan, nagpapaalipin ka na naman sa gagong 'to? Wala ka bang sariling utak? Hindi ka ba makagawa ng sariling desisyon?" mahabang litanya ni Uno sa kanilang dalawa.

"Why do you care?" pabalang na tanong ni Niko. "Why now?"

"We may be your younger brothers but you were never been an older brother to us. You were just after the inheritance and you never cared so stop acting like you know us." pabalang na sagot ni Tres. Kumunot naman ang noo ni Uno dahil sa mga narinig nito.

Tinitigan sila ng taimtim ni Uno at bumuntong hininga ito. "I am disappointed. I thought that you've grown, pero hindi pa pala."

"Iyan ang ayaw ko sa'yo." galit na sagot ni Niko sabay walk out. Sumunod na lang din si Tres.

"I'm not done with you. Don't turn your backs on me, fuckers!" sigaw nito sa dalawa pero hindi nila ito pinakinggan at marahas na isinirado ang pintuan. Napatingin na lamang ang mga maids. Hindi pa pala sila makakalabas dahil ini-lock ni Uno ang mansion.

"This is all you fault, Dos. You should sacrifice yourself, basagin mo ang bintana." pabirong saad ni Tres dito. Napairap na lang si Niko. Matagal na rin niyang hindi naririnig ang palayaw niyang 'Dos'. Tinatawag lang siya nang ganto ni Tres kapag may nagagawa siyang kasalanan.

"Ikaw na lang kaya, stop ordering me. Iuntog mo na lang ang ulo mo sa bintana tutal wala naman niyang laman." sabi ni Niko.

Nagpangbuno na naman ang dalawa at muntikang magsuntukan. Biglang dumating si Uno at hawak nito ang susi ng kanilang mga mamahaling sasakyan. Nagsalita si Tres. "Why do you have that?"

"That's not what's important right now. You should think how to deal with your actions... and fix it." sabi ni Uno sabay tapon ng mga susi na sinalo naman. May kung anong pinindot si Uno at nabuksan ang mga pintuan. "If this ever happens again, I'll be the one to put you in jail and you can never get out until I say so."

Sabay na lumabas ang dalawa sa mansion at pumasok naman si Uno sa opisina. Nasulyapan niya ang papeles sa mesa. Laman nito ang mga ebidensya na makapagsasabi ng mga nagawang krimen ng mga kapatid. Ilang taon na niyang pinagtatakpan ang mga ito upang hindi ito makulong ngunit nawawalan na siya ng pasensya.

"Ano ba ang kailangan kong gawin para tumino na sila?" sabi nito sabay sindi sa kanyang cigar at ibinuga ang usok.

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon