"That's it. Meeting's adjourned. I want to meet all the shareholders tomorrow. Please let them know." saad nito sa mga empleyado at inilapag ang mga papeles sa mesa, naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa bagong project na pinagpaplanuhan nila.
Ang kompanya nila ang isa sa mga pinakamalaking film production sa bansa. Layon nitong paunlarin at palawigin ang industriya ng paggawa ng mga pelikula. "Thanks, I hope there'll be no mistakes like the last time. You may go."
"Thank you, miss Vee." saad ng mga empleyado at isa-isang lumabas sa conference room.
Hindi na niya namalayan ang oras. Gabi na nang natapos ang meeting. Hindi muna siya lumabas ng conference room dahil alam niyang may dadating na hindi inaasahang bisita.
Pagod na pagod siya dahil kaliwa't-kanang mga trabaho, mga meetings, projects, at love life na sobrang komplikado ang kailangan niyang atupagin. Balak na niyang ipacancel ang engagement niya ngunit hindi pumayag ang lola dahil itatakwil siya nito pag nagkataon.
Siya ang nag-iisang may-ari ng kompanyang hinahawakan niya. Napakahands-on niya rito at ayaw na ayaw niyang pinapangunahan siya. Tumatanggap naman siya ng mga puna upang mapabuti ang kompanya ngunit naging mahigpit narin ito dahil sa mga scandals na kinasangkutan nito dati.
May mga reporters na bigla-bigla na lang sumsulpot at mga paparazzi na palagi siyang sinusundan. Naiinis siya sa tuwing nasasangkot siya sa mga scandals na wala namang puwang at layon lang na siraan ang kanilang reputasyon. Biglang may tumawag sa kanyang telepono. 'Asshole' ang nakalagay na pangalan dito.
"Hello." pagsagot niya dito.
"We need to talk." saad ng lalaki sa kabilang linya.
"Alright. Let's meet at the bar." tugon nito sa kausap. Binigyan na niya ito ng address kung saan sila magkikita ngunit hindi muna siya lumabas bagkus nagpahinga muna't pumikit saglit.
"Panibagong sakit sa ulo na naman 'to." Sabi nito sa sarili at napabuntong hininga. Kinuha nito ang bag at susi ng sasakyan. Papasok na sana siya sa sasakyan niyang Porsche na kulay silver nang muntik na niyang makalimutang tawagan ang isang kaibigan.
"Tres, we'll be there tonight." sabi nito sa kaibigan at ibinaba na ang telepono. Pinaharurot na nito ang sasakyan at pagkadating niya sa bar ay sinalubong naman siya ng mga security personnels.
"Miss Vee, nasa VIP room na po si Sir Clark utos po ni Sir Tristan." pagpapaliwanag ng empleyado sabay tanggap ng susi ng sasakyan nito.
"Alright." tugon nito at pumasok na sa bar. Napuno ng hiyawan ang bar dahil sa masiglang musika na pinapatugtog ng DJ. Nang madaan naman ni Victoria at masulyapan ang DJ ay tinanguan siya at tumugon lamang siya ng ngiti. Matagal na niyang kaibigan ang DJ at hobby lang nito ang pagpapatugtog at pagpunta sa bar ni Tres. Umakyat na si Victoria papunta sa VIP room. Isang empleyadong babae ang nagbukas ng pinto.
"What's it this time?" saad nito sa lalaki.
"We need to settle this for the last time. Our engagement has been promised by both families. There has to be sacrifices in order to enjoy the luxuries that we want." sabi nito sa kanya. Nakapormal na postura ang lalaki. May suot itong salamin at napakatangos din ng ilong. Mapapansin sa polo nito ang kisig at matipunong katawan. Malinis ang pagkakaayos ng buhok at napakameztiso. Lahat yata ng babae ay magkakagusto rito.
"Clark Rivero. Kapag pinalitan ko ba ang apelyido ko ng sa'yo, sa tingin mo sasaya ang buhay ko? We're engaged, I know. But we don't love each other. The luxuries that you said? I can acquire them with no one's help. I'm already rich and stable. Who knows it may be your family that wants something from us?" mahabang litanya nito. Napatawa na lang ang lalaki at inayos ang salamin. Nakadekwatrong upon na ito ngayon at napabuntong hininga.

BINABASA MO ANG
Nag - Aalab
RomanceSUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other...