Kabanata 14

1 0 0
                                    

Pagdating ni Victoria sa mansion ay agad na bumungad sa kanya ang mga empleyadong nakabitbit ng mga armas. Hindi pamilyar ang mga mukha nito kaya nagtaka siya nang tutukan siya nito ng baril. Mabilis naman ang kilos ng kanyang mga guards at pinaulanan ng bala ang mga ito. Mabuti na lang din at wala sa mansion ang lola ni Victoria.

Pinagbakasyon muna ito ng ama at pinalayo sa bahay nila dahil alam nito ang nakaambang panganib. Hindi maririnig ang ingay sa labas dahil nakasilencer ang mga baril na dala nila. Mabilis namang pumasok si Victoria sa mansion habang bitbit ang baril na may silencer. Sa loob ng isang minuto ay napatumba na niya ang limang armadong lalaki. Ni hindi man lang siya nahirapam o pinagpawisan dahil sa bilis ng kanyang kilos.

Papalapit na sana siya sa hagdan nang biglang may umatake sa kanyang lalaki na may dalang kutsilyo. Umiwas si Victoria at gumulong papalayo. Pinaputukan niya ito ngunit mabilis din itong nakaiwas. May bitbit naman itong baril pero mas pinili nitong gamitin ang kutsilyong hawak. Nang-engganyo pa ito sa kanya na lapitan siya at makipag one on one combat. Hindi naman ito pinansin ni Victoria at pinaputukan ang lalaki sa ulo.

Natumba ang lalaki sa sahig at umagos ang dugo nito na nagparumi sa malinis na sala. Hindi naman namalayan ni Victoria na natalsikan na pala siya ng dugo sa puti niyang damit. Hindi alintana ang panganib dahil alam niya kung paano patayin ang mga traydor at mapangahas na mga nilalang na nasa mansion nila ngayon. Dali-dali siyang pumunta sa office ng ama sa ikalawang palapag at bumungad ang isang maid na para bang may hinahanap sa drawer.

"Stop!" sigaw nito sa babae.

Napahinto naman ang babae sa ginagawa at lumingon kay Victoria. Nilapitan ito ni Victoria habang hindi pa ibinababa ang baril na hawak nang biglang may sumakal sa kanya gamit ang clothesline. Isa itong lalaki. Malakas at marahas siyang nagpupumiglas. Nabitawan niya ang baril na hawak. Sinipa niya ang paa ng lalaki dahilan upang mapadaing ito. Hinarap naman niya ito gamit ang isang malakas na suntok na nagpadugo sa mukha at ilong nito. Hinawakan naman ng lalaki ang kanyang ilong at nakitang duguan ito. Akmang susuntukin niya rin si Victoria nang bigla siya nitong unahan. Napatumba naman ang lalaki. Dali-dali niyang kinuha ang baril na hawak kanina at binaril ang lalaki sa kaliwang paa.

"Aahh!" daing pa ng lalaking nabaril.

"Sinong nag-utos sa'yo? Sagot!" marahas na tanong ni Victoria. Alam naman niya kung sino ang may pakana ng lahat pero nais niya pa ring makasiguro.

"Patayin mo na lang ako!" sabi naman ng lalaki at binaril ito ni Victoria sa isa pang binti. Nalumpo na ito.

"Ayos ka lang?" tanong ng dalaga sa maid na nakita niyang may kinakalkal sa drawer kanina.

"Opo." sagot naman nito habang nanginginig.

"Dito ka muna at magtago ka. Balik agad ako." sabi ni Victoria dito.

Lumabas naman si Victoria sa opisina at pumunta sa ibang pang mga kwarto. Hindi naman halos nagalaw ang mga 'to at tanging ang opisina lang ng ama ang pinuntirya ng mga armadong lalaki.

Bumaba na si Victoria sa unang palapag at umupo saglit sa sala. Hindi alintana ang barilang nagaganap sa likod nang biglang may sumulpot na lalaki at akma siya nitong sasaksakin nang bigla niya itong barilin. Kahit hindi nakatuon ang buong atensyon nito sa kaaway ay para bang may kapangyarihan itong basahin ang kilos ng mga ito at pangunahan silang lahat.

"Finish this. The mansion's getting filthy." saad nito sa mga gwardya at sinunod naman ang utos nito. Humakbang na namang muli si Victoria papunta sa opisina habang nilalaro ang baril na hawak nito. Nagpaulan muna siya ng mga bala at pinatay ang iba pang mga armadong lalaki. Pagkabalik niya sa opisina ay nadatnan niya muli ang maid na tila ba may hinahanap.

"Shall I help you? I think what your looking for isn't there. Nasaan nga ba 'yon?" saad nito sa babae habang nakasandal lamang sa pintuan at ginawang pangkamot sa ulo ang baril na hawak na para bang may iniisip. Kwela ang pagkakasabi nito sa maid ngunit makikita sa mga mata ni Victoria ang puot at galit.

"Po?" sagot naman ng babae.

"Stop acting innocent. Just tell me what your looking for and I'll guide you there." sabi ni Victoria habang dahan-dahang lumalapit sa babae. Tila nawala naman ang pagiging painosente ng babae at binunot ang baril na nakatago sa binti nito.

"That's it. Shoot me if you can." saad nito sa babae. Akmang babarilin na sana niya si Victoria nang bigla siya nitong unahan. Napuruhan ito sa tagiliran at iniinda ang sugat na natamo. Bigla itong napaupo at dumadaing sa sakit.

"Stupid." saad ni Victoria dito. "Will you do me the honor of guiding you to hell?" dagdag pa ng dalaga habang nakatutok ang baril nito sa babae. Hindi naman nagpaawat ang babae at nagpaputok pa ng maraming beses ngunit naiwasan naman ito ni Victoria. Naubusan na ng bala ang babae at pinaputukan naman ulit ito ni Victoria sa parehong binti.

"I love to see you crawl. You look like an uod." saad nito sa babae.

"But sadly I don't like anything that crawls. They disgust me, especially traitors." bulong nito sa babae habang hila-hila ang buhok nito at nakatutok ang baril sa lalamunan.

"Adios." huling sabi ni Victoria bago barilin babae. Tumalsik naman ang dugo nito sa kahit saang parte ng opisina. Maging ang damit ni Victoria ay hindi nakaligtas. Napuno ito ng mantsa ng dugo biktima ngunit hindi ito alintana ni Victoria at tumayo na lang dahan-dahan.

"What a waste of bullets." bulong nito sa sarili. Nakadungaw na ito sa bintana at tila ba may iniisip.

"It would be embarrassing if he sees me like this." saad nito sa sarili. Nais niyang makita siya ni Tres na malinis at pormal ngunit hindi inaasahan na magkakaroon pala ng engkwentro sa araw kung kailan siya bumalik sa bansa.

Kinuha nito ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan. "David, meet me at the mansion. I need you to do something for me." sabi nito sa kaibigan at ibinaba na ang telepono.

Napabuntong hininga na lamang si Victoria at umupo sa swivel chair na pagmamay-ari ng ama. Ibinaba nito ang baril sa mesa at itinaas ang parehong mga kamay. Tila ba nag-unat at humikab pa ito na parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nakasandal naman ang isang kamay sa mesa at kampanteng nakaupo. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto sa loob ng opisina habang malalim ang iniisip.

"Miss, Vee." saad naman ng isa sa mga empleyadong pinagkakatiwalaan niya.

"Come in." matipid niyang tugon.

"It seems like they're looking for this." sabi pa nito habang ipinapakita kay Victoria ang isang USB. Naglalaman ito ng mga files tungkol sa kalaban nilang organisasyon. Ito ang susi upang mapabagsak ang mga Lomonov. Isa rin itong mafia organization na nakabase sa parehong bansa at mas masahol pa sa hayop kung kumilos at magpalakad ng mga illegal transactions.

"Too bad, she died without even taking a glimpse of it." saad naman ni Victoria habang inaalog ang katawan ng babaeng walang buhay gamit ang kanyang mga paa.

"Clean this mess." utos nito sa empleyado. Dali-dali namang kumilos ang mga empleyado nito at nagsimula nang maglinis sa sala, sa opisina, at sa iba pang parte ng mansion na napuruhan ng engkwentro.

Tumawag naman bigla ang ama ni Victoria sa kanya. "Yes, dad." sagot nito.

"Is it done?" tanong ng ama.

"Too bad you weren't here." sagot naman ng dalaga.

"I just had an urgent matter to attend to. But I'm glad your fine." tugon naman ng ama nang may pag-aalala sa boses.

"You don't need to worry about me, dad." saad naman ni Victoria dito. Malapit nang matapos sa paglilinis ang mga empleyado at may biglang dumating na kotse. Sasakyan ito ni Tres.

Napadungaw naman sa bintana ang dalaga at muling inayos ang sarili kahit duguan pa ang damit nito. Nagawa pa nitong manalamin at ayusin ang buhok. Pinaalis naman ni Victoria ang lahat ng mga empleyado kahit hindi pa ito tapis maglinis. Mabilis ang naging kilos ng mga ito dahil napansin nila ang pagmamadali sa tono ng dalaga.

"Vee, where are you?" sigaw ni Tres.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas si Victoria sa opisina at naghanda ng sorpresa sa binata. May dala siyang mga papeles na tiyak na ikakagulat nito. 

Nag - AalabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon