46: Preperation

50 2 0
                                    

.

JOURNEY POV:

HINDI ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Magagalit ba ako o iiyak na lang dahil bukas na ang birthday ko pero kakaiba pa rin ang busy nila.

Para bang wala na lang sa kanila na malapit na ang birthday ko at mas inuuna pa nila ang business nila kesa sa anak nilang malapit na ang kaarawan,

"Maybe this is life." Wika ko.

"Saan ka po pupunta?" Tanong ng maid namin kaya naman nginitian ko lang ito bago nag salita.

"Sa mall po sana, I think I need some air." Wika ko kaya naman tumango s'ya pero lumapit sa akin.

"Ma'am, galit po ba kayo sa magulang n'yo?" Tanong nito sa akin bago inayos ang damit ko na hindi ko na pala na ayos dahil sa pagmamadali.

Hindi ko sinagot ang tanong nito at nanahimik lang habang inaayos n'ya ito.

"Ma'am, 'wag po kayong magalit sa magulang n'yo, they are doing their best to give their best po. Opo siguro nga at mas inuuna nila ang trabaho kesa sa inyo pero nag bibigay naman po sila ng time para sa inyo." Wika nito.

"Alalahanin n'yo po na ang mga magulang natin ay first time lang maging magulang hindi sa lahat ng oras ay alam nila ang nararamdaman natin o tumatakbo sa isip natin, nagkakamali rin sila katulad natin at higit sa lahat kung kaya ka nilang unahin gagawin nila, alam n'yo naman po siguro na ganon po ang magulang n'yo, diba?"

"But at least they tried all things to accompany me, ngayong magulo ang isip ko." Mahina kong sabi.

"Marami lang po siguro talaga sa trabaho kaya't hindi po kayo mauna-una," Wika nito kaya ngumiti ako.

"Thank you for comforting me." Yumuko pa ako ng konti bago nag paalam dito.

Agad akong lumabas sa bahay at nagtawag ng taxi pag labas na paglabas ko sa subdivision. I don't even know na may maid na kami, pag-uwi ko lang nalaman na may maid pala kami at mukhang sanay na sanay na ito sa bahay.

I ask her kung nauwi ba ang magulang ko madalas pero wala s'yang naisagot sa akin. My mom has a job but never naman naging busy s'ya dahil doon so I'm now curious. Kaya ba nila ako nilagay sa L.U para hindi ko malaman ang ginagawa nila? Totoo nga ba ang nakita ko sa isla?

They are strangers to me and I hate it! I hate myself to feel like they betrayed me when I don't know if it's true or not. Why is their name in that paper and how did that goddamn door know me?

Nang makarating ako sa mall ay napabuntog-hininga ako. Itong mall kasi ang mall kung saan ko naka-bonding sila Sza at iyon din ang panahon na nakaroon ako ng kutob dahil sa tuition fee na binabayaran sa L.U.

Habang naglalakad sa mall ay may sumagi sa akin kaya naman tinignan ko ito. "I'm sorry!" Wika ng babae kaya naman nginitian ko lang ito.

"Sorry talaga." Maiyak-iyak na sabi nito ng malagyan n'ya ng ice cream ang damit ko na hindi ko agad na pansin.

"No, it's okay." Mabait na sabi ko dito.

"I pay na lang sa damit mo." Wika nito na hindi ko na natanggihan dahi mabilis n'ya akong hinila sa isang cloth shop.

"Sorry talaga nag mamadali kasi ako." Wika nito.

"Saan naman?" Ngiti kong sabi rito.

"It's actually my mother's death anniversary." Wika nito.

"Then why are you here?" Tanong ko dahil kung death anniversary pala ng magulang n'ya bakit s'ya nandito sa mall.

"I forgot. I'm with friends nang maalala ko and bigla na lang ako nag madali para lumabas and dun kita na bangga." Mahina na sabi nito.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon